Chapter 2

8 3 0
                                    

Chapter 2

"Goodbye Class see you tommorow." My last teacher said.

Nagayos na ko ng mga gamit ko pati ang mga ginamit ko sa pag gawa ng plates,kinuha ko na ang bag ko at sa dimalamang dahilan bigla akong napalingon sa labas ng bintana sa quadrangle, napatingin ako malapit sa malaking puno doon sa gilid, naningkit ang mga mata tila may inaaninag.

Nagulat ako ng napalingon nanaman sya sakin at nginisihan.

"OY SAV!!" nagulat ako sa tawag ni Jen kaya napalingon ako dito at ang sama nanaman ng tingin ano bang problema ng bruhang 'to?

"Ano ba sigaw ka ng sigaw." sabi ko sa kanya. kala mo nakalunok ng microphone eh.

"Ang tagal mo kasi eh." sabi nya sakin at sinamaan ng tingin. inirapan ko nalamang. bago ako umalis sa room napalingon ulit ako sa labas ng bintana sa quadrangle, napakunot ang noo ko ng wala na sya dun sa inuupuan nyan napalinga ako sa kabuuan ng quadrangle pero wala na talga sya doon. I shrugged.

Ano yon may kapangyarihan ba yon para ganon kabilis mawala?


"Ang hirap talaga ng Quiz kay miss Dizon kala mo naman magaling mag turo." sabi ni jan kaya tumawa ako habang naglalakad palabas ng building. inis talaga sya kay miss Dizon eh, grabe naman daw kasi mag pa quiz di naman daw magaling magturo.


"Alam mo Jan hindi naman ganon kasama magturo si Miss Dizon eh. dapat kasi iniintindi mo ang mga tinuturo nya para makapasa ka sa mga quizzes na binibigay ni Miss Dizon o ng mga teacher natin, and as far as i know you passed the quiz, ano pang hinihimutok mo dyan?" sabi ko sa kanya.


"Wow ahh pasado nga ako kung di lang dahil sa incorrect cheked nung kaklase natin, kung diko nakita yon edi bagsak ako diba?" she said annoyed.


"Uso kasi review di yung puro ka Bar hopping tuwing thursday,friday night and weekend. katulad nyan pustuhan tayo mamaya may pupuntahan ka oh?" i said.

Ganyan lagi yan eh tuwing thursday, friday night and weekend kung saan-saan nagpupupunta, minsan kinakabahan nako sa isang 'to eh baka mapahamak eh.


"Meron nga! may bagong bukas daw kasing Bar dun sa BGC, gusto mo sama ka?" she said while wiggled her eyebrows.

"Baliw bawal nga ako, baka mamaya magalit sila Dad, at tyaka we have a Quiz  tommorow and monday again, right? kaya mag rereview nalang ako kesa magpunta dyan sa Bar nayan."





Ang lakas ng tugtog parang mababasag ang ear drums ko at nakakasilaw ang mga ilaw, Di ko alam paano ako napaalam ni Jan at pag suotin ng ganto, medyo maikling Black dress na medyo fitted sakin at yung strap nya manipis lang at four inches na heels! what the hell!!

"Ang ingay naman dito Jan!" sigaw ko sa kanya dahil halos di na kami mag karinigan.

"Malamang Sav, Bar 'to hindi library!" sigaw din nya sakin. muli kong pinagmasadan ang kabuuan ng lugar ng tuluyan na kaming makapasok, malaki din ang loob naddon ang bar counter, dance floor may stage kung saan ka pwedeng mag perform at sa gilid noon nandoon ang DJ at may second Floor. karamihan sa makikita mong ilaw puro neon.


"Two Glass of vodka please." sabi ni Jan sa bartender, napalingon naman ako sa kanya, I turned to her face with wide eyes. anong dalawang glass!?

"Oy Jan Leigh hindi ako iinom, sinamahan lang kita dito!" I hissed.

"Oo na binibiro lang naman kita eh tyaka, walang magdridrive pauwi hehe." ginawa pa kong driver ah. lumingon ako sa bartender at sinabing water lang sakin. OA na kung oa ayoko talagang umiinom.Maya maya pa naririnig ko na ang mga hinanaing ni Jan kay Ark. nakikinig lang ako sa kanya.

TBS#1: The way he said GOODBYE [On going]Onde histórias criam vida. Descubra agora