Chapter 1

27 0 0
                                        

---

"Miss Rivas?"

"Clarize Rivas?"

Hindi ko napansin na matagal akong nakatulala sa kawalan. Ilang araw nang nangyayari sa'kin 'to. Yung parang may mangyayaring masama. I shook it off and tried to forget it that whole day.

"I'm sorry. Ano ulit 'yon?" Nakakahiya ka Caze. You're in front of everyone.

"Oh, about sa event. May meeting mamayang 5 pm sa student council's  office."

"Ah okay, i'll go. Hindi naman tayo masyadong magtatagal 'di ba?" Ang bago bago ko palang sa school na 'to pinag meeting ba naman ako agad.

"Yes, konting announcement nalang naman 'yon-- 

Naputol yung sasabihin niya nang bigla siyang tawagin ng kaibigan niya na mukhang nagtutuksuan pa. Ang gulo talaga ng circle nila, in a good way though.

"Rae! Hinahanap ka ni Miss Venus. Lagot ka daw."  Tinawanan niya nalang yung kaibigan niya. Na try na ba nila magsuntukan? Okay ang random ko na.

 "Ewan ko sayo Elle. Anyway, see you sa meeting Miss Rivas. Nice meeting you."

Weird. Pwede niya naman akong tawagin sa pangalan ko, Miss Rivas? Akala mo naman hindi tumatambay sa bahay.

"Okay ka lang?" Zeia said. She's my friend and kasama ko sa  journalist club. "Ilang araw ka nang bigla nalang natutulala minsan pa sobrang wala ka sa sarili. Yung totoo Clarize, nag d-drugs ka ba?" Nakakabaliw na tanong niya. Honestly, she has a point though. Kahit ako hindi ko alam yung nangyayari sakin.

"Mukha ba akong nagddrugs?" 

"Medyo. Pero okay lang yan pinanganak ka lang talagang lutang." 

"Masaya ka diyan? Nageenjoy ka? Ha? Hakdog. Bwiset tara na nga lang gutom na ako." sa ganda kong 'to sinabihan ako ng mukhang nag d-drugs?? like helloo? 

Habang kumakain kami, Zeia, just out of nowhere she said,

"Hoy babae pero 'di ba kaibigan ng kapatid mo sila Rae? Oh, parehas pa ng name, baka sila talaga yung magkapatid tapos ampon ka lang 'no?"

"Gusto mo ba maranasang makaligo ng pasta at juice, pasmado ang bibig." I answered. We just met at the start of this school year and became close immediately.  "Our families are friends, pwedeng nagkasundo lang sila ng pangalan, okay? Alam mo, you're watching too many dramas."



Pero really though our families we're really good friends, halos sabay sabay kaming lumaki pero di ko nga lang talaga naging ka close si Rae. Dahil na rin siguro umalis rin ako agad bago pa man mag mature ang mga isipan namin.



Pabalik na kami sa classroom ng makasalubong ko si Rei, Callahan Rei, my brother. He's the one na nabanggit ni Zeia kanina. Rei just raising his eyebrows on me tells a lot about our relationship. 

"Clarize."

I looked at him nang bigla niya akong tawagin.

"Make sure to go home early. Family Dinner." 

Dumiretso na rin sila agad sa classroom nila pagkatapos niya akong kausapin.

Family.

Since when?


Tapos na yung classes ko ng maka receive ako ng text message from a student council officer.

Stuck in Reverse (TLS #1)Where stories live. Discover now