"Kulang pa ba ang limang libo para sa binili nyang cup noodles?" Tanong nya sabay lapag ng pera sa counter.

"Tara?" Aya nya at sinundan ko sya palabas.

"Uhm. Hi Dara? Sorry. Dayna pala. Uhm. Long time no see? Kamusta ka na?" Ngiting tanong nya sa akin pero tinititigan ko lang sya.

"Nakakailang noh? Kinakausap kita samantalagang ang laki ng kasalanan ko sayo. Sa inyo. And then here I am, after a 6 years nagpakita ulit." Sabi nya

She has a scar on her upper cheek. Nag-iba na rin ang itsura nya. She grown more beautiful. Ngayong hindi ko sya kilala. Mapagkakamalan ko syang model ng isang clothing line dahil sa ganda at sexy nya. Dumagdag pa ang suot nya.

"You changed" maikling nasambit ko.

"Yeah. I changed a lot. Ikaw rin. Youre a young lady na. Matured and beautiful." Wika nya at tumango lang ako.

"I guess. Galit ka parin. Pero wala naman akong magagawa eh. You can slap me. Shout at me. Do what ever you want. Just forgive me Dara. Please." Sabi nya at nilapitan ko.

"Im sorry and I miss you..." I hug her at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

I know everything kaya ako yung naguilty. Ako yung sa tingin ko masama. When Tita Samantha told everything to me. I can't help but I want to see her. I want to see my bestfriend. And, she is here. Now.

"I- I miss you t-too" she said and hug me too..

------

"Ah, Dayna, yung kasama ni JD? S-sino sya?" Naibaba ko ang hawak kong noodles at napatingin sa kanya habang nagdadrive.

"She is ate Jessy. Girlfriend ni kuya." Wika ko at nagkaroon ng katahimikan.

"M-matagal na ba sila?" Tanong nya at tumango ako.

"Magf-four years na." Sabi ko at tumango lang sya.

"Great. Kamusta na pala sya?" Tanong nya at napatingin ako sa kalsada.

"O-okey naman si Kuya. Okey sila ni Ate Jessy. Pero nagbago na si kuya. Playboy na sya. Lagi-laging nasa bar. At hindi na makatulong sa company, pero sinusunod nya si Ate Jessy, ganun nya kamahal. Sya na kasi yung pumalit sayo. Sya yung nagpatino kay Kuya" sabi ko at huli na ng marealize ko yung mga sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya and there I saw her tears fall.

Ang Bitch mo Dayna Rhianne! Aish!

"Galit pa rin sya sa akin Dayna. Nakasabay ko sila sa Elevator kanina. Sabagay. Ano nga bang i-eexpect ko diba?" Tawa nya pero alam kong nasasaktan sya.

"Hindi nya pala alam yung totoong nangyari. Last week lang din kasi ng malaman ko." Sabi ko at ngumiti sya sa akin.

"Okey lang yun. Wala rin namang saysay yun panigurado para sa kanya. Tyaka, huli na naman ang lahat Dayna. Diba?" Sabi nya at marahan akong tumango.

Napatawad ko na sya. Pero hindi ko na ulit kakayaning makitang nasasaktan ang kuya ko. Kaya okey na ko kay Ate Jessy.

--------

[Nathalia P.O.V]

"Nathalia!" Bungad sa akin ni Kuya Kevin at kumaway lang ako.

"Hi mommy. Hi daddy, asan po ang lolo?" Tanong ko at nagkiss sa cheeks nila.

"Kasama si Tito Dennis mo nasa conference room. Go there iha, they were planning about new business" sabi ni Daddy at tumango ako.

"Good Morning Ma'am. Isa po ba kayo sa kailangan sa meeting sa loob?" Tanong nung babae at umiling ako.

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon