8th Chapter: Continuation of the Bet and the F. S.

3 2 0
                                    







Once Upon A Time
written by rosetta_che








Kaille's POV.










Napangiti ako habang naglalakad papunta sa classroom namin. Sabado ngayon at first time kong pumasok ng maaga dahil na nga sa pustahan namin at tsaka Film Showing ngayon. Ayokong ma- late dahil ayokong matalo nila akong dalawa.






Mangilan- ngilan pa lang ang mga tao sa paligid ng makarating ako sa building namin. Miski si Papa ay nagulat din sa pagpasok ko ng maaga dahil na nga nakapa- unsual nun para sa'kin. Pero hindi ko sinabing nakipag- pustahan ako kay na Archie at RC. Ayaw niya kase na nagsusugal kami kahit na pang- katuwaan lang naman 'to.






Pagtaas ko ay nandon na sina Alexis at Daryll. Nandun na din 'yung iba naming kaklase na may kanya- kanyang mundo. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Ipinagtako man kung bakit nandito si Daryll ay hindi ko na lang pinansin. Doon ko 'din nalaman na bawal pala ang naka- civillian. Kaya pala lahat sila ay naka- school uniform.






"Indigirl!" tawag ni Daryll na pinasadahan ko lang ng tingin. "Ang aga natin 'ah? Haha, excited ka na? Nakacivillian ka pa."


Napakunot noo ako sa kanya. "Ikaw lang, idadamay mo pa 'ko."


Natawa siya saka napasimangot. "Bakit ba ang taray- taray mo? Ang suplada mo pa!"


"Eh ikaw? Bakit ang pangit mo?" nang- iinsulto kong tanong na lalong ikinasimangot niya. Narinig ko pang natawa ang iba kong kaklase gayundin si Alexis bago ako tuluyang tumaas papunta sa fourth floor- kung nasaan ang clasroom nina Archie at RC.



Agad kong hinanap ang dalawa ng marating ko ang classroom nila. Marami- rami na rin kasi sila doon. Nagpalinga- linga pa 'ko bago nakita sina Archie sa dulo. Nilapitan ko siya saka tinapik sa balikat. Napatingin sila sa suot ko.



"Nauna ako," nakangiting pagdedeklara ko dahilan para matawa silang dalawa. "Oh, bakit kayo natawa?"


"Kaille, nauna ako. Kanina pa kong 7: 32 am dito. Dumating ka naman ng 8: 08 am kanina," sabi ni RC saka tiningnan ang relo niya. "Panalo na kami."


"Ayoko," itinulak ko siya palayo. "Ang daya naman 'yata niyan. Anong patunay na mas maaga kayo sa'kin? Niloloko mo 'ko!"

"Kaille, kilala mo 'ko, hindi ako manloloko-"

"Manloloko! Hindi ako naniniwala!" napasinghap pa siya saka marahang ginulo ang buhok ko.



"Kaille, sumuko ka na haha. Swerte mo na nga eh, wala kang lugi dito. Kapag sumali ka sa GTGH, pwede kang manalo. May cash prize, may incentives, may excemptions di'ba?" napahinto siya saka sandaling nag- isip. "May libre ka pang snacks sa'min mamaya!"


"Nga pala, ba't ka naka- civillian? Bawal 'yan 'ah," sita ni Archie na tinanguan ko na lang.



"Hayst, hindi ka pa nasanay kay Kaille. Alam mo namang lahat ng bawal, ginagawa niyan di'ba?" tumawa si RC kaya naman binatukan ko na lang siya.



Napatango na lang ako saka kinuha 'yung Cream O na kinakain ni Archie. Ilang minuto pa'y dumating na rin ang school bus na sasakyan namin. Magkasama ang Class D at Class B kaya naman nakita ko rin sina Archie at RC sa loob.



Umupo na nga kami sa bandang dulo. Katabi ko si Archie habang nasa unahan naman namin si RC. Napansin ko din sina Daryll at Akexis sa gitna. Nakayukyok si Alexis habang nakapikit lang si Daryll.




Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now