1st Chapter: Hope. A New Start.

23 5 0
                                    











Once Upon A Time
written by rosetta_che











Kaille's POV.











"Wala pa rin talagang pagbabago sa'yo Kaille. Eversince elementary tayo hanggang ngayon, you're still the same. Still the same old Kairele Daille Romero. To tell you, I was really confused about your sexuality. Babae ka ba talag——"





Nahinto siya sa paglalakad ng mahina ko siyang batukan para matigil siya sa kadadaldal niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nag- peace sign lang siya sa'kin. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob.





Elcalla High... quite good.






Marami na rin akong narinig tungkol sa school na 'to. This is an elite private school kaya halos lahat ng mga nakakapasok dito ay mayayaman lang. I don't even know why Papa sent me here even though marami pa naman kaming pwedeng pagpilian na papasukan. I remember myself asking him kung magkano lahat ng ginastos niya para makapasok ako dito like tuition fee and etc. but instead of answering my question, he mouthed me the word 'secret!'. Obviously, ayaw niyang ipaalam sa'kin.







"Who's that girl?! Who is she?"

"Why is she with RC Agustin and Archie Tenedero? She's not even pretty!"

"Plus add the fact that she doesn't have any fashion sense!"

"I think she's a transferee. I hate her!"







Iyan agad ang unang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob nitong bagong eskwelahan na papasukan ko. Patuloy sila sa pagbubulungan samantalang ang ilan naman ay taas kilay pa akong tinitingnan mula ulo hanggang paa. 'Yung iba ay masasama ang tingin na ipinupukol sa akin na para bang pinapatay na nila ako sa isipan nila- well, I don't really know. Sa tingin ko lang, pakiramdam ko kasi parang ganun. Pero binalewa ko na lamang 'yon, I was already expecting that kind of scenario eversince I transfered here.






"Don't mind them," nakangiting sabi ni Archie at saka ginulo ang buhok ko. Tinanguan ko lang siya bilang tugon at tahimik na ipinagpatuloy ang paglalakad katabi ang dalawang lalaking ito.






"Kahit hindi mo na sabihin Archie. Ganoon naman talaga ang gagawin niya- h-hoy! Kailan ka pa nagpakulay ng buhok? At anong kulay 'to? Purple?" takang tanong niya habang matamang pinagmamasdan ang laylayan ng buhok ko.




"Indigo 'yan," tipid kong sagot at napahikab. Napahilamos ako ng mukha ko, hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako.




"Akala ko ako lang ang nakapansin. Napansin mo na din pala," rinig kong komento ni Archie sa tabi ko.




"Paanong hindi ko mapapansin eh agaw pansin naman talaga 'yan. First time ko makakita ng babaing may kulay indigo ang buhok. Kakaiba ka rin naman Kaille," manghang sagot niya saka ngumiti saka kumapit siya sa braso ko. Tinanguan lang naman ni Archie ang sinabi niya.









Hindi na ko sumagot at nanatiling tahimik hanggang sa huminto kami sa isang four storey building kung saan nakalagay ang pangalan nitong Alonzo Building. Dumiretso ako sa Registrar Office habang nagpaalam naman na sina Archie at RC na didiretso na sa klase nila. Nakailang katok muna ako sa pinto bago ako pinagbuksan ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid- 30's palang. Nginitian niya ako saka pinapasok sa loob. Pinaupo niya ako sa isa mga upuan roon saka siya umupo sa sarili niyang pwesto katapat ko. May kinuha siyang folder.







Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now