3rd Chapter: Father & Holy Water

7 5 0
                                    











Once Upon A Time
written by rosetta_che












Kaille's POV.













Iniayos ko ang pagkakasakbit bag ko sa aking balikat habang patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi na naulan pero tulad kahapon, ramdam pa rin hanggang ngayon ang malamig na simoy ng hangin. Napahikab ako saka niyakap ang sarili. I always prefer sleeping kapag ganito ang panahon. I understand myself for I find it difficult to sleep last night. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung sino nga ba talaga ang estrangherong tumulong sa'kin. Bukod pa don, iniisip ko rin kung paano ko nga ba ibabalik 'tong phone na naiwan ni unknown guy- which is nakita ko na pala noon. Unang pasok ko palang dito.









Nagkasagutan pa nga kami ni Papa kaninang umaga bago ako pumasok. He really don't want me to attend school today since hindi pa rin maganda at maayos ang pakiramdam ko pero nagpumilit pa rin ako. Kahit 'yung hitsura ko ay hindi maayos. I have these deep black eyebags tapos ang putla putla ko pa, in short, mukha akong patay and I admit that. Sa totoo lang, ayoko talaga pumasok at pabor ako sa gusto ni Papa. But then I suddenly realized that I was obligated to attend school since three weeks akong absent dahil late na ko nakapag- enroll. Dadami rin ang lessons na hahabulin ko kung hindi pa ko papasok at baka hindi ako makasabay sa kanila. Baka 'yun pa ang maging dahilan ng tuluyan kong pagbagsak dito di'ba? Edi lalo kaming hindi nagka- ayos ni Papa. Psh.









"Totoo daw bang nandito sina Father?"

"Oo! Ipapa- bless daw 'ata nila 'yung kabilang building, 'yung Bonifacio Building. May nagsabi kasing may babaeng nagpaparamdam dun. Sabi naman ng iba, multo daw.'

'Ohmygoshh! That's creepy!"

"Sinabi mo pa! Buti na lang at malayo don ang classroom natin.'








Inirapan ako ng mga babaeng nadaanan ko. Sinamaan ko lang sila ng tingin pero inismiran nila ko. Sa huli ay mas pinili kong hindi na lang pansinin 'yon at ipagpatuloy lang ang paglalakad. Nang marating ko ang Alonzo Building ay napansin kong mas dumami ang mga estudyanteng nandito. Umakyat na lang ako sa taas since sa dulong bahagi pa ng fourth floor ang classroom ko. Class D.






Nasa second floor pa lang ako ng mahinto ako sa paglalakad.





Nandito sila ngayon. At naglalakad na sila papalapit dito sa kinaroroonan ko kasama sina Father at Sir Guillermo- ang school principal.



"Hindi po ba kayo nananiwala sa'kin Father? Pero totoo po 'yung sinabi ko! Promise!"


"Hindi naman sa ganoon——"


"Pero ganun po 'yung dating sa'kin! Sa tingin niyo ba nagbibiro lang ako? Seryoso po ako! Seryoso! Kitang kita ng dalawa kong mata 'yung——"






Hinarangan ko sila ng makalapit sila sa'kin. Nagkagulatan kami pero agad akong nabalik sa sitwasyon. Kinapa ko 'yung phone ni unknown guy sa bulsa ng jeans na suot ko. Napakapit siya sa braso ni Father at Sir Guillermo.




"Sandali lan——"




"Waaaaahhhh! Father! S- Siya 'yung multo Father! MULTO! Waaah! MULTO!" natataranta niyang sigaw saka biglang inagaw ang holy water na hwak- hawak ni Father. Nabigla at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. I was caught off guard. Naramdaman ko na lang ang unti- unting pagkabasa ng bigla niyang ibinuhos sa'kin 'yung holy water sabay sigaw ng "In Jesus Name! Lumayas ka! In Jesus Name!"







Once Upon A TimeМесто, где живут истории. Откройте их для себя