7th Chapter: Who are you?

1 2 0
                                    















Keep My Love: For The First Time
written by rosetta_che















Kaille's POV.















'Ginintuang Tinig, Ginintuang Himig'








Napatitig ako sa malaking poster na nakapaskil dito sa two storey building ng MAPEH Faculty. Tulad ko, marami ring ibang napapahinto upang tingnan 'to. Ang iba nga'y nag- uusap usap pa tungkol dito. At ganoon na rin sina Archie at RC na nasa tabi ko.







"Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!" nabigla ako ng mag- chant silang dalawa sa likod ko. Napailing ako saka ipinagpatuloy ang paglalakad.





"Pustahan na lang! Ano? Game? Pustahan para masaya!" alok pa ni RC dahilan para batukan siya ni Archie.





"Lugi naman sa'yo, napaka tikal mo!" komento ni Archie na tinawanan ko. "Kapag natalo ka, sasabihin mong kami pa madaya!"




"Grabe! Hindi naman ganon, syempre ako iisip ng pustahan natin para walang daya! Kayo lang madaya! Ginogoyo niyo ko eh!" sabi niya saka kami tiningnan ni Archie mula ulo hanggang paa.






"Ayoko, ayoko ng ganyan. Ayokong magsayang ng pera-"





"Talagang wala kang sasayangin!" pagputol sa'kin ni RC. "Wala ka namang pera eh, haha!" inis ko siyang tinawanan saka tinulak.





"Haha, barado ka haha. Pero syempre, kasali ka parin!" nakangiting sabi niya saka ako inakbayan. "Para kase talaga sa'yo 'to. Pero syempre, hindi ibig sabihin nun na ikaw na agad ang panalo!"




"Ano nga? Sabihin mo na kase, pabitin ka! Ibitin kita eh," sabi ni Archie na tinanguan ko naman agad.






"Ito na nga ang pinakamalupit nating pustahan mga ka- bet!-" muli ko siyang tinulak palayo dahil sa narinig ko. Napaawang din ang bibig ko sa sinabi niya.




'Ano daw? Kabit? Kabit niya ko? At kami ni Archie?!




"Uy, ano ba? Panira ka naman eh, sinisimulan ko na nga 'yung intro ko eh!"





"Bakit ba naman kase... k- kabit? Ang tawag mo sa'min pre? Kadiri lang ha, hindi tayo talo!" hinila ako ni Archie palayo kay RC at saka namin siya tinalikuran.





"Hoy! Saan kayo pupunta?!" tanong ni RC sa likod namin. "Bakit niyo iniwan?! Teka, hintayin niyo ko!"





"Ayaw! Babalikan ka na lang namin kapag lalaki ka na ulit!" sigaw ko saka natatawang tiningnan ang reaksyon niya.





"Takte, ikaw pa talaga nagsabi niyan?!" hindi makapaniwalang tanong niya saka nag- crossed arms. "Wow!"





Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman? Hindi ba ko pwedeng mag- react?!"





"Babalikan mo ko kapag lalaki na ulit ako, ganun? Eh hindi nga kita iniwan ng isipin mong magpakalalaki eh!" sabi niya saka napanguso. "Haha, joke! Biro lang!"





"Loko ka, haha. Ipaliwanag mo na kase 'yung gagawin!" sabi ko saka napahawak sa tiyan ko habang tumatawa. Nilapitan ko naman siya.




"Aish! Oo na, oo na!-"






"Mamaya ka na magpaliwanag!!" tinulungan siyang tumayo ni Archie. "Mamaya na lang tayo mag- usap! Nandyan na si Mrs. Jovita!! Mahuhuli tayo sa klase niya!!"









Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now