CHAPTER 7

37 8 2
                                    


Itinapon ko sa basurahan ang plastic na napulot ko sa tapat ng computer lab. Naglakad ako patungo sa may gate at tumingin sa paligid. Hawak ko ang notebook at ballpen sa aking kanang kamay at tumayo lang ako sa may gilid ng gate. Nagtitipon-tipon na ang mga estudyante sa gitna ng field para sa flag ceremony. Siguro ay limang minuto na ang nakalipas pagkatapos tumunog ng bell. Napakunot noo ako nang makitang hindi pa ayos ang linya ng kada-grade level. Nasaan na kaya ang mga SSG Representatives ng kada year level? Naglakad ako patungo sa pila ng grade 7.

"Paki-ayos ng pila niyo," sabi ko sa kanila. Medyo nilakasan ko ang aking tinig; tama lang upang marinig nilang lahat. Nagulat ang iba nang marinig ang sinabi ko at nagsiayos na sa pagpila. Ang iba naman ay pasulyap-sulyap sa akin, tinitingnan siguro kung galit ako sa kanila.


"Pres! Sorry po, nag-ikot pa kasi ako sa building ng grade 7." Napatingin ako sa bagong dating. Asha Valer. Ang SSG Grade 7 Representative.

"Good morning, Asha. Paki-ayos na ng linya ng mga grade 7," sabi ko. She awkwardly smiled. "Good morning po, Pres. Sige po," saad niya pagkatapos ay nagsimula ng mag-ayos ng pila. Nagtungo naman ako sa pila ng grade 8. Napatango ako nang makita na may mga facilitators na nag-aayos na ng linya. Napatingin pa sa akin ang isa sa kanila. Ngumiti siya at sumaludo.

"Good morning, Pres!" sabi niya. Napatingin sa akin ang ibang estudyante. Tumango ako at ngumiti.

"Good morning din. Salamat sa pagtulong sa amin." Nakangiti kong sabi. "No problem po," tugon niya pagkatapos ay bumalik naman sa pag-aayos ng linya. Sunod kong pinuntahan ay ang pila ng grade 9. Napakunot noo ako nang mapansin ang lalaki na nasa pinakahuling linya ng section A. Linapitan ko ito. Bahagya siyang nagulat nang makita ako. Seryoso ko siyang tinignan.

"Pakibutones nga po 'yang polo mo. Pakitanggal din 'yang hikaw mo sa kaliwang tenga. At bakit kulay berde 'yang buhok mo? Nasaan din ang I.D mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya. I crossed my arms on my chest.

"Bakit ka ba nangingialam?" Mayabang na tanong niya. Muntik ko pang maitakip ang aking kaliwang kamay sa aking bibig; nais ko sanang bigyan siya ng limang palakpak dahil sa tanong niya.

"Pinapakialaman kita dahil ayokong mapagalitan ka ng guro mo," I told him.

"Tsk." Umiling-iling siya at ibinalik ang tingin sa harapan. Aba't. Huminga ako ng malalim at papagalitan na sana siya nang may humawak sa aking balikat. Kunot noo akong humarap sa taong iyon. Sinimangutan ko si Lowell.

"Ano?" I asked him.

"Transferee lang po siya, Pres. Kailangan pa nating iinform sa patakaran dito sa school," sabi ni Lowell. Naintindihan ko naman kung sino'ng tinutukoy niya. Ngumisi ako.

"Ow? Kung ganoon ay dapat papuntahin natin siya kay Ma'am Gina," humarap ako sa lalaki, "Alam niya namang papasok siya sa school kung kaya't bakit siya maglalagay ng hikaw sa tenga? Bakit may kulay ang kanyang buhok? At bakit hindi nakabutones 'yang polo niya? Maiintindihan ko pa kung bakit wala siyang I.D dahil transferee siya," sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ng lalaki na transferee raw. Sinamaan ko rin siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Lowell, pakilista ang violation niya at pakibigay sa adviser," ani ko. Walang nagawa si Lowell kung hindi ang tumango. Tumingin ako sa paligid at ayos na ang pila ng grade 9. Aalis na sana ako ngunit nagsalita na naman si boy transferee.

"Sino ka ba?" tanong niya. Nginitian ko siya at nagulat siya sa ginawa ko. Inayos ko ang aking I.D. Mukhang hindi niya nakita kung ano'ng pangalan ko.

"I'm Ameli Maddox, the SSG President of Elysian High," pagpapakilala ko. Nabigla siya nang marinig ang pangalan ko. Hindi ko na hinintay ang iba niyang reaksyon at nagtungo na sa pila ng grade 10. Si Lowell na ang bahala sa lalaking iyon. Napatango ako nang makitang ayos na ang pila pati na rin sa grade 11. Nakabantay na rin ang mga Representatives doon. Nagtungo ako sa huling linya; ang linya ng grade 12. Napabuntong-hininga ako nang makita ang mga lalaki na sa hula ko ay mula sa Automotive. Nagtatawanan ang mga ito at nag-aapiran pa. Inis na inis na 'yung grade 12 Representative na nag-aayos ng linya. Hindi rin nakatulong 'yung facilitator dahil hindi sila pinapansin ng mga ito. Naglakad ako papalapit sa kanila.

The President's Red CardWhere stories live. Discover now