CHAPTER 6

33 10 0
                                    

I keep on tapping my index finger on the table. Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako bumalik sa klase at dumiretso ako sa SSG office. Mabuti na lang at palagi kong dala ang susi ng opisina. Napapikit ako nang tumama sa aking mukha ang malamig na hangin na nagmula sa electric fan. Sino nga ba ang kahina-hinala kanina sa room? Sigurado ako na galing sa aming strand ang mga sagot na nakuha ni Mira. Iminulat ko ang aking mga mata at kinuha ang ballpen na nakalagay sa pen holder. Kinuha ko rin ang notebook na nakapatong sa mga folders. Kailan kong malaman kung sino ang may gawa nito. Kailan kong malaman kung sino ang magtulak kay Mira na mandaya. Isinulat ko sa blankong pahina ng notebook ang pangalan ng taong sa tingin ko ay kahina-hinala kanina.

Ruby Haraya.

Alam ko na may galit sa akin ang babaeng iyon. Hindi niya ako pinapansin kung kaya't nakapagtataka naman na kanina, ay bigla na lang niya akong binati. Isinulat ko ang pangalan ni Mira at ang kanyang strand. Napakunot-noo ako nang maalala na kaklase pala ni Mira si Saddie Mercupoli. Binitawan ko ang ballpen at sumandal sa sandalan ng aking upuan. I closed my eyes and let my mind rest for a while.

Hinawakan ko ng mahigpit ang handle ng aking payong. Humangin ng malakas at hinangin ang ilang hibla ng aking buhok. Dama ko rin ang lamig na dala nito. Uwian na at umuulan ng malakas. Puno ang waiting shed kaya naman ay nakatayo ako malapit sa gate. Napatingin ako sa aking mga kaibigan. Nakasukob sa payong ni Aiden si Artem habang si Kodiak naman ay katabi ni Blair. Yakap ni Kodi ang sarili niya at bahagya pa itong nanginginig.


"Ang lamig," sabi ni Kodi at mas lalo pang sumiksik kay Blair. Sinamaan naman siya ng tingin ni Blair.

"Aiden, ayusin mo nga ang pagkakahawak ng payong mo. Nababasa ako," sabi ni Artem.

"Tsk! Ikaw na nga ang nakikisukob, ikaw pa ang nagrereklamo." Inis na tugon ni Aiden pero inayos naman niya ang pagkakahawak ng payong upang hindi mabasa si Artem. Napangiti ako dahil nakakatawa silang apat. Mabuti na lang at hindi ko inilabas agad ang payong ko. Paniguradong sa akin sila makikisukob, nakaka-stress 'yun pagnagkataon. Tumingin ako sa loob ng school. May mga estudyante pa sa loob at nakasilong sila sa hallway. Napadako ang aking tingin sa com lab. Walang estudyante na nakatayo roon. Mas mabuti pang doon muna ako pumwesto kaysa tumayo ako rito malapit sa gate. Humarap ako sa mga kaibigan ko.

"Guys, doon muna ako sa com lab," sabi ko. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at tumalikod na. Inayos ko ang pagkakahawak sa aking payong at nagsimulang maglakad patungo sa com lab. Nang makarating sa harapan ng laboratory ay hindi ko muna itiniklop ang aking payong. Tumayo lamang ako roon at pinagmasdan ang aking paligid. I slightly squinted my eyes. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking kilay nang makita ko ang mga magkakasintahan na mga estudyante. Karamihan sa kanila ay magkasukob sa iisang payong at paminsan-minsan pa ay nagkakatinginan at nagkakangitian. Animo'y sinasamantala nila ang ulan upang ipahayag at ipagsigawan sa buong campus kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Napaismid ako. Kung ako, may kasintahan, hindi ako papayag na makisukob siya sa payong ko. Dapat magdala rin siya ng sarili niyang payong dahil 'yun ang mas masaya. Tumingala ako. Unti-unti ng tumitila ang ulan. Maliliit na butil na lang ang pumapatak mula sa kalangitan. Napangiti ako. Sa wakas, makakauwi na rin kami. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nakarinig ako ng mga yabag at papalapit ito sa akin. Hindi ko ito pinansin. Paniguradong estudyante lang iyon at wala naman siyang pakialam kung makikita niya ako na nakapikit ngayon.

"Nagsho-shooting ka ng music video?" Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Tumingin ako sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang tinig.

The President's Red CardWhere stories live. Discover now