CHAPTER 4

65 14 4
                                    

Naglalakad ako patungong main gate habang si Lowell naman ay pumunta ng faculty para magreport kay Ma'am Vayn. Kaunti na lang ang estudyante sa school. 'Yung iba ay naghihintay ng sundo nila at 'yung iba ay naghihintay ng tricycle para may masakyan pauwi. Naglakad ako patungo kay Kodi na kasama si Artemisia. Nakatayo sila sa gilid ng gate. Nang makita ako ng dalawa ay ngumiti sila sa akin. Nginitian ko rin sila.

"Ame!" Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. "May nakita ako," sabi niya sa akin.

"Ano ba, Artem. May pupuntahan pa kami ni Ameli," saad ni Kodi at aakbayan na sana ako ngunit tiningnan ko siya ng masama. "Sabi ko nga. Mag-tsismisan muna kayo habang naghihintay ako ng tricy papuntang Sitio Bucal para makauwi na 'yan si Artem. Sinundo na rin si Blair," sabi ni Kodi at lumayo ng kaunti sa amin. Tumingin ako kay Artem.

"Ano na naman?" I asked. She smiled at me. "Si Cassius! May isinikay sa van niya!" Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Artem. Pinagmukha naman niyang kidnapper si Cassius. Mahina niya akong pinalo sa balikat.

"Hindi ka naniniwala? Kasama niya 'yung girlfriend niya. Si Saddie!" sabi ni Artem. Ngumiti lang ako sa kanya at hinila siya palapit kay Kodi. Narinig ko naman ang pagprotesta niya at panay ang sabi na mag-usap daw muna kami. Huminto ako nang makarating kami kay Kodi. Tumingin ako kay Artem.

"Hayaan mo na sila. Mas mabuti pa at umuwi ka na. May pupuntahan pa kami ni Kods," sabi ko sa kanya. Sakto naman at may humintong tricycle sa harapan namin. Tinanong ni Kodi ang drayber kung pwede magpahatid sa Sitio Bukal at agad naman itong tumango. Nakasimangot na sumakay si Artem sa tricycle. Kumaway ako sa kanya.

"Bye, Artem!" Nakasimangot din siya na kumaway sa akin. Umandar na ang tricycle. Nang mawala na sa aming paningin ang sinasakyan ni Artem ay napagdesisyunan namin na maghintay na rin ng tricycle papuntang bayan. Kinuha ko ang aking wallet sa bag.

"Fifteen lang pamasahe natin tapos kapag uuwi na tayo twenty na. May pamasahe ka ba?" tanong sa akin ni Kodi. Tumango ako. "Oo naman. Nag-iipon ako para handa ako kapag bigla tayong pupunta sa bayan," sabi ko. Kumuha ako ng twenty pesos sa aking wallet at inilagay ko sa aking bulsa.

"Good. Ayan na. May tricy na." Pinara ni Kodi ang paparating na tricy. Huminto naman ito. "Kuya, sa bayan po?" tanong ni Kodi. Nang tumango ang drayber ay sumakay na kami ni Kodi sa loob ng tricycle.

"Ano bang bibilhin mo?" I asked him. Tumingin siya sa akin. "Sapatos," sagot niya. Sapatos? Eh bakit sinama pa niya ako? Pwede naman siyang bumili mag-isa. Tatanungin ko na sana siya ngunit nagsalita na naman ito.

"Ibibili rin kita ng libro," sabi ni Kodi at ngumiti sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Anong nakain nito at naisipang ilibre ako ng libro?

"Sa booksale tayo bibili."

"May kapalit 'yan, no?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang pisilin ang aking pisngi. Tinampal ko ang kanyang kamay.

"Bakit mo naman naisip na may kapalit?" tanong niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Madalas naman akong nililibre ni Kodi at wala namang kapalit. Pakiramdam ko lang kasi, ngayon ay mayroong kapalit ang paglibre niya sa akin ng libro. Sumandal ako sa sandalan.

"Ewan," sabi ko.

"Samahan mo lang ako pumunta kay---ano, alam mo na," saad niya. Kinurot ko siya sa braso nang makumpirma na mayroon talagang kapalit ang paglibre niya.

"Ayoko." Nagulat siya sa sinabi ko. "Eh paano kung bilhin ko 'yung med books na gusto mo? Tapos kain pa tayo ng lomi doon sa favorite place natin?" tanong niya sa akin.

"Madali lang naman akong kausap Kods. Kailan ba tayo pupunta roon?" Ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay natawa dahil sa sinabi ko.

Bukod sa pagiging mabait, mabilis din akong kausap.

The President's Red CardWhere stories live. Discover now