CHAPTER 10

34 2 0
                                    

Lunch break. Pagkatapos naming kumain nina Blair ay dumiretso agad kami sa eskwelahan. Sinamahan nila Kodi si Blair papuntang room habang ako ay nagtungo sa SSG Office nang maalala ko na ako pala ang naka-assign na mag-iikot ngayon sa buong campus. Isa rin kasi ito sa mga gawain namin bilang SSG Officers. Kada recess at lunch break ay may mag-iikot na isa o dalawang officers para i-check kung wala bang ginagawang kalokohan ang mga estudyante. Mayroon kasi kaming nahuhuli na nagsusugal, naninigarilyo o kaya naman ay nag-o-over-the-bakod. Ewan ko nga kung bakit gustong-gusto nilang suwayin ang rules ng eskwelahan. Alam naman nilang ipinagbabawal ay ginagawa pa rin nila. Tapos kapag nadala sa guidance office, iiyak at magagalit. Tsk. Napapailing na lamang ako.

Ipinadala ko na 'yung bag ko kay Kodi kasi pupunta lang naman siyang room. Mabigat iyon at hassle naman kung dadalhin ko pa sa SSG Office. Nakapamulsa ako habang naglalakad sa hallway ng grade 8. Medyo maliit lang naman ang campus kaya mabilis lang naman akong matatapos sa pag-iikot.

"Good afternoon, Pres!" Nakangiting bati ng isa sa mga estudyante. Nginitian ko rin siya at binati pabalik. Iba't iba ang pinagkakaabalahan ng mga estudyante. Karamihan ay nasa loob ng kanilang classroom, abala sa pagse-cellphone. 'Yung ibang babae naman, nagpapa-tirintas ng kanilang buhok. 'Yung ibang estudyante ay nakatambay sa labas ng room, nakikipagkwentuhan at nagpapahangin. May ilan naman na nagliligawan, pasimple pa na lumalayo sa isa't isa kapag nakita nila ako na papalapit sa kanila. Napaismid ako. Mabait naman ako basta sinusunod nila ang rules and regulations ng eskwelahan. Huminto ako sa paglalakad nang matapos kong i-check ang building ng grade 8. Napatingin ako sa susunod kong pupuntahan. Kadalasan ay palaging tinatambayan ng mga estudyante ang likuran ng grade 7 building. Doon nila madalas ginagawa ang lahat ng kalokohan na gusto nilang gawin. Kaya roon ko rin madalas pinapapunta ang mga SSG Officers para i-check ang lugar na iyon.

"Pres!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Tumakbo papalapit sa akin ang isang babaeng estudyante na palagay ko ay Grade 7 pa lang dahil sa suot niyang green na I.D lace. Ngumiti ako nang huminto siya sa harapan ko.

"Ano 'yun?" I asked. She blinked her eyes as I stared at her. "Pres, may inaaway 'yung mga estudyante mula sa grade 9," she said. Napakunot-noo ako.

"Saan?" tanong ko. "S-Sa likuran po ng grade 7 building. Wala pong umaawat kasi natatakot din po sila roon sa mga grade 9," sabi niya habang pinaglalaruan ang hawak niyang kulay asul na panyo. Napabuntong-hininga ako. Sino naman kaya ang walanghiya na nambu-bully ng estudyante? Mahina kong tinapik ang balikat ng babae.

"Salamat. Ako na ang bahala sa kanila," I said. Tumango-tango naman siya. Hindi naman siguro siya sa akin sasama kung kaya't iniwan ko na siya roon. Mabilis ang aking lakad patungong likuran ng building. Hindi na talaga natuto ang mga estudyante rito. Pasalamat sila at masyado akong mabait kaya hindi ko sila kayang bigyan ng red card. Patay-malisya ang ibang estudyante, nakatingin lamang sila sa akin at parang walang alam sa nangyayari. Tsk. Alam ko naman na alam nilang may binubully sa likuran ng building ngunit wala silang pakialam. Ang rason ng karamihan, ayaw nilang madamay.

"Pres!" I rolled my eyes heavenwards and stopped walking. Humarap ako sa tumawag sa akin. Ano ba 'yan. Kung kailan may pupuntahan naman ako ay saka naman tawag nang tawag sa akin ang mga taong 'to. Naglakad papalapit sa akin si Alfred.

"Saan ka pupunta?" he asked.

"Sa likuran ng building," sagot ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing his school uniform. Pwede ka ring manalamin sa suot niyang black shoes dahil sobrang kintab nito. Suot niya rin ang I.D na para sa SSG Officer. He looks good in his crew cut hairstyle. He's also wearing a grey G-Shock watch. Overall, he looks pleasing to the eye. Two thumbs up para sa kalinisan. Nabalik ang atensyon ko sa kanyang mukha nang marinig ko siyang tumikhim. I frowned when I saw his boyish smile. I raised my eyebrow.


The President's Red CardWhere stories live. Discover now