CHAPTER 11

41 4 10
                                    

I keep on tapping my chest after I walked away from Cassius. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga ng maluwag. Mas stressful pa siyang kausap kaysa sa mga pasaway na estudyante. Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building ng grade 8. Panay nga ang nakaw-tingin sa akin ng mga estudyante dahil na rin siguro sa mukha ko na halata ang stress. Mabuti na lang at walang CCTV sa lugar na iyon. Kung mayroon man, makakapanood sana ng libreng drama ang kung sino man na nagbabantay sa mga cameras. Ugh. Bakit ba kasi hinahayaan ko lang ang lalaking iyon?

'Dahil gusto mo rin na hinahabol ka niya.'

I shook my head when that thought entered my mind. Damn. Nagmumukha na ata akong baliw. Hinahayaan ko lang si Cassius na gawin ang gusto niyang gawin dahil sa hindi naman siya importanteng tao at hindi naman dapat pagtuunan ng pansin. Tama. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sarili ko.

"Pres!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napakurap-kurap ako dahil sa nakakasilaw na ngiti ni Lowell. Naglakad siya papalapit sa akin. Natigilan din ang ibang estudyante rito sa building ng grade 8 nang makita nila si Lowell. Ang iba nga ay napapabuntong-hininga pa na parang nakita nila ang kanilang ideal man. Sabagay, sino nga naman ang hindi magkakagusto kay Lowell? Matangkad, gwapo, mabango, malinis at matalino. Kaya nga lang, hindi nila alam na mahiyain ang lalaking ito. Tumayo ako nang tuwid.

"Lowell," I said and smiled at him. Huminto siya sa tapat ko at napakamot sa kanyang batok.

"Hinintay po kita na dumaan sa building ng TVL pero mukhang natagalan ka kaya naisipan kong hanapin ka na lang. Sinabihan kasi ako ni Ma'am Gina na pumunta ka raw sa faculty pagkatapos mong mag-ikot," sabi niya. Kailan pa naging messenger si Lowell? Speaking of messenger kinapa ko ang bulsa ng aking uniform. Hindi ko nga pala dala ang aking cellphone.

"Thank you, Lowell. Nagkaproblema kasi roon sa likuran ng building ng grade 7 kaya medyo natagalan," ani ko.

"Oo nga po. Nabalitaan ko rin 'yun kasi chinat ako ni Alfred. Mabuti na lang nahuli niyo, Pres. Ang galing niyo talaga." Ngumiti pa siya ng malapad. Ngumisi ako.

"Salamat. Sasamahan mo ba ako papunta kay Ma'am Gina?" tanong ko.

"Uhm," tumango-tango siya, "Kung ayos lang sa'yo, Pres. Sasamahan kita," sagot niya. Mahina kong tinapik ang kanyang braso.

"Tara," sabi ko at nagsimulang maglakad. Medyo nakakailang nga dahil nakasunod lang sa akin si Lowell. Wala ba siyang balak na sabayan ako sa paglalakad? Sabagay, kung 'yan ang trip niya eh di bahala siya. Habang naglalakad kami ay maraming bumabati at ngumingiti sa amin lalong-lalo na kay Lowell. Famous talaga ang lalaking ito. Sumali siya rati sa Mr. Intramurals noong grade 10 at nanalo siya. Noong grade 11 naman, sumali siya sa Mr. Elysian High. Syempre, ang resulta, nanalo ulit siya. Magaling din kumanta itong si Lowell kaya panigurado ako na kapag nanligaw 'to, kantahan lang niya 'yung nililigawan niya, paniguradong sasagutin na siya.

"Pres, kasama mo ba si Cassius kanina?" Huminto ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Lowell. Tumingin ako sa kanya.

"Nakita mo?" tanong ko. He awkwardly smiled. "Nakita ko kasi siya na nakasunod sa'yo nung paalis ka na tapos nung dumating ako, hindi ka na niya sinundan," sabi niya at napakamot siya sa kanyang batok.

"May makati ba sa batok mo?" I curiously asked him. Pinamulahan siya ng pisngi at itinakip niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang bibig na para bang nagpipigil siya na tumawa. I pouted my lips. His eyes widen.

"Kung gusto mong tumawa, eh di tumawa ka," sabi ko. Tumayo siya ng tuwid at inalis ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Magkakamot na naman sana siya sa kanyang batok ngunit pinigalan niya ang kanyang sarili.

The President's Red CardWhere stories live. Discover now