CHAPTER 1

316 34 59
                                    

“No I.D. Incomplete uniform. Anong section ka?” tanong ni Ameli Maddox, ang SSG President ng Elysian Highschool. She’s a senior highschool student, specifically a grade 12 ABM student. She’s the SSG President of the school for two years. Napakamot na lang sa ulo ang estudyante na napuna ni Ameli. Napabuntong-hininga ang ilang estudyante na nasa labas ng gate at hinihintay na matapos ang ginagawa ni Ameli para makapasok na sila.

“Grade 8 Armstrong po,” sagot ng kawawang estudyante. Inilista ni Ameli ang pangalan nito at section sa notebook na hawak-hawak niya at tinanguan ang estudyante. Dali-dali itong pumasok sa gate. Natatawa lamang si Alfred at Lowell, ang peace officer ng SSG.

“Balak bang palitan ni President ‘yung guard?” tanong ni Alfred kay Lowell.

“Ewan. Tinutulungan lang daw niya si manong guard. Tingnan mo,” itinuro ni Lowell ang mga estudyante sa labas, “Andaming pasaway oh. Alam naman nila na dapat naka-I.D at uniform pero hindi pa rin sila sumusunod.” Umiling-iling si Lowell. Gawain nila araw-araw na imonitor ang mga estudyante. Nakakapagod nga ngunit hindi naman sila tumitigil. Ayaw nilang mapagalitan ng kanilang president.

“Tss. Nand'yan na naman si Ameli.”

“Pabida ‘yan eh. Porket SSG President.” Napalingon si Lowell sa pinanggalingan ng tinig. Nakaupo sila sa isang bench malapit sa isang puno ng mangga. May tatlo pang bench na nakapalibot sa puno. ‘Di kalayuan sa kanilang dalawa ni Alfred, nakatayo ang dalawang babae na pinagtitsismisan si Ameli. Napatingin ang dalawang babae sa kanya. Tinaasan ni Lowell ng kilay ang dalawang babae.

“Anong problema niyo kay Ameli?” tanong niya. Napatingin din si Alfred sa kinakausap niya. Hindi nagsalita ang dalawang babae at umalis na lamang sa kinatatayuan nito. Napabuntong-hininga si Lowell. Hindi talaga maiiwasan na mayroong maiinis kay Ameli. Napakahigpit nito na presidente at lahat ng bagay ay pinupuna nito kapag napansing labag ito sa rules and regulations ng paaralan. Tumawa si Alfred.

“Ang famous talaga ng president natin, no?”

“Tsk.” Pinagmasdan lamang Lowell si Ameli. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang pagkunot ng noo ng babae. Seryoso itong nakikipag-usap sa mga estudyante. Paminsan-minsan din ay sinasamaan nito ng tingin ang ibang estudyante na ginagawang biro ang gawain ng presidente. Nakaponytail ang buhok nito, ngunit para kay Lowell mas maganda sana ang babae kapag nakalugay ang hanggang bewang na buhok nito at mayroong headband. Siguro ay ayaw lang ng babae na humarang ang buhok nito sa mukha at maabala pa sa gawain.

“Pare, crush mo ba ‘yan si President?” Bahagyang nagulat si Lowell sa tanong ni Alfred. Last week pa siya nito kinukulit tungkol sa nararamdaman niya kay Ameli. Gusto niya nga ba ang babae? Hindi niya tiyak. Humahanga siya rito dahil wala itong kinatatakutan. Napakabait pa at responsable. Ginagalang ng karamihan ng estudyante at palaging napupuri ng mga guro. Bonus pa na matalino ito at maganda. Kasali pa ito sa marching band ng kanilang paaralan at isa ring honor student. Madalas din itong isinasali sa mga contest, hindi lang sa eskwelahan nila, pati na rin sa mga paligsahan sa ibang paaralan. Tumingin siya kay Alfred.

“Wala akong gusto kay President,” sabi niya. Tinapik siya ni Alfred sa balikat. “Bulag lang pre ang hindi makakakita na may gusto ka kay President. Baka nga kahit bulag maramdaman nila na may gusto ka sa matapang na babae na ‘yan.” Itinuro pa nito si Ameli pagkatapos ay inakbayan si Lowell. “Noong isang araw, pinag-uusapan ka namin sa office. Syempre, sinigurado namin na hindi present si Pres, baka magalit pa ’yun. Kahit mga ka co-officers natin nahahalata nila na may gusto ka d‘yan kay Pres. Kaso nga lang, wala ka atang pag-asa. Mukhang walang balak magjowa si Ameli tsaka nakita mo 'yun?” Napatingin si Lowell sa kung saan nakaturo ang kanang hintuturo ni Alfred. Nang makita na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang kaibigan ay binaba na nito ang kamay. Napabuntong-hininga si Lowell. Nakatayo sa harapan ng computer room ang isang lalaki. Nakatingin din ito kay Ameli.

The President's Red CardWhere stories live. Discover now