19

60 2 1
                                    

Chapter 19

"Bye bye, Yumi." Paalam ni Bea.

"Balik kami ulit." Sabi pa ni Angel.

"See you tomorrow." Tinapik pa ni Jaira ang balikat ko.

Napahinga na lang ako ng malalim at napakamot ng ulo. Grabe, 6 pm na sila umalis. Masyado silang natuwa sa pagtambay sa condo ni Cloud. Buong araw silang kumain at naglaro ng video game mula sa PS4 ni Cloud.

Teka, speaking of Cloud, hindi na s'ya bumalik mula kanina. Nasaan na kaya 'yon?

"Sige na. Magsilayas na kayo. Tsk. Mga hindi na nahiya sa mayari ng bahay." Sabi ko habang tinutulak sila palabas ng pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis na sila. Tumakbo agad ako sa kwarto para kunin ang phone ko nang maitext ko si Cloud na wala na ang mga gaga kong kaibigan dito. At para na din makapag-sorry ako. Tsk.

From: Yumi

Mr. Linden, nasaan ka?

To: Cloudy

I hit send.

Hindi ko naman ini-expect pero nag-reply s'ya agad.

From: Cloudy

Miss me, Torres?

To: Yumi

Nanlaki naman mata ko sa reply ni Cloud at napa-gulp. Feeling ko biglang hindi naging normal ang heart beat ko. Flirt talaga nitong playboy na 'to.

From: Yumi

4nOu PhouSx? Vh4kHiT nH4m4n qUita Mh4MiMiSxz?

To: Cloudy

Hahaha. Natawa na lang ako sa trip ko. Jejemon to the 5th power. Tignan natin kung maintindihan n'ya 'yan.

Na-excite naman ako nang mag-reply s'ya agad.

From: Cloudy

Err.. Jejemon? Do that again and I will kiss you. Again.

To: Yumi

Holy cow. Pinaalala na naman n'ya! Kapag naaalala ko pa naman 'yon naiinis ako. Pero bakit hindi ako masyadong naiinis ngayon? Mas lamang 'yung weird na kabog ng dibdib ko.

Hala, Yumi. Anong nangyayari sa'yo?

Tinitigan ko lang ulit 'yung text ni Cloud bago nag-reply ulit.

From: Yumi

Do that again and I will kill you.

To: Cloudy

Mas gusto ko sana sabihin na 'I will kiss you back'. Napailing naman ako bigla. Oh no! Nagiging malandi na din ba ako? Flirt sa isa pang flirt.

It cannot be! Ayokong matulad kay Kathleen. Naisip ko na naman tuloy ang mabaho n'yang sekreto na hindi ko alam kung paano ko iti-take.

Gusto kong sabihin kay Ivan para may chance na ulit ako sa kanya pero ayaw ko namang makielam sa buhay ng ibang tao. At isa pa mas gugulo lang ang lahat.

Nagulat naman ako ng mag-reply na ulit si Cloud.

From: Cloudy

Try me, Torres. By the way, someone will pick you up in 20 minutes. Hurry up and get dress. My mom's inviting you over.

To: Yumi

Ano daw? Ilang ulit kong binasa ang text n'ya. Bakit? Anong meron? Bakit ako? Feeling ko ang awkward nun. Bakit biglaan? 20 minutes?

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon