18

42 1 1
                                    

Chapter 18

"Happy birthday!!!" Sigaw naming tatlo nina Jaira at Angel sabay cheers ng mga baso namin.

Lalalala. Nahihilo na ako aa. Pero ayos lang kasi minsan lang namin kami uminom at magpakalasing. Tutal naman rest day ko bukas at wala ding pasok sa school.

"Thank you, girls!" Masayang masayang sabi ni Bea. She's 19 now. Too bad wala ang parents n'ya sa special day n'ya pero sanay na 'yan. Once in a blue moon lang umuwi ang parents n'ya since mangibang bansa ang mga ito.

"Hoy, Jaira, sa'yo na ba 'to?" Tanong ni Angel habang taas-taas ang microphone. Lasing na din ang isang 'to. Pulado na ang pisngi e.

Nasa Kareoke bar kami. Nag-set-up kami ng simpleng birthday party para kay Bea, pero syempre kaming apat lang ang kasali. Baka mamaya magkalasingan ng bongga at makanta ko sa harap ng madaming tao ang sekretong nalaman ko.

About Kathleen's dirty little secret.

"Oo, te. Favorite ko 'yan, e!" Sagot ni Jaira at kinuha na n'ya ang microphone mula kay Angel.

Nagtawanan naman kami agad nang marinig namin ang intro pa lang ng kanta. Pakshet. Favorite talaga ni Jaira sa karaoke 'to.

"Hindi ko alam dahil sa'yo, ako'y 'di makakain...."

At mas lalo kaming humagalpak ng tawa.

Bukod kasi sa choice of song n'ya e ang panget pa ng boses n'ya. Haha. Sintunadong tunay talaga si Jaira.

"Hindi rin makatulog buhat ng iyong lokohin..."

"Wala ka bang ibang alam kantahin? Lagi na lang bang 'yan? Hahaha." Pangaasar ko pa.

"Bagay naman 'yung kanta sa boses n'ya aa. Hahaha. Pang-kantahan sa kanto e." Sawsaw pa ni Angel.

"Haha. Wait lang, girls. 'Wag kayong magulo. Ito na 'yung favorite part n'ya. Haha."

"At kung ako'y muling iibig sana'y 'di maging katulad mo. Tulad mo na may pusong batooooo..."

Shet na malagket. Ibinirit pa ni atiii. Hahaha. The best talaga kapag si jaira na ang kumakanta. Baka kahit si Waldo ma-turn off sa kanya. Haha.

"Teka, shot mo muna 'yan, Yumi." Singit ni Angel habang patuloy pa din sa pagkanta si Jaira.

"Pass muna. Nahihilo na ako e." Tanggi ko.

Sa totoo lang kasi mahina ako sa inuman. Madali akong malasing. Sobrang hindi ko alam ang ginagawa ko kapag lasing ako.

Isang beses pa nga, muntik na akong maghubad ng pambaba sa gitna ng kalsada dahil gusto kong umihi. Buti na lang talaga napigilan ako nila Jaira. Ang epic ng moment na 'yon. Haha.

"Sus. Minsan lang 'to bakla. Inom pa." Pangungulit pa ni Angel. Nakakainis. Nangonsensya pa.

"Sige na! Pasalamat kayo rest day ko bukas." Sabi ko sabay lagok ng gumuguhit na tequila.

Yikes. Ang hard naman kasi ng pinili nilang inumin. Feeling ko umaagos sa puso ko 'yung alak.

"Shot pa!!!"

"Tama na."

"Last na talaga!!!"

"Ayoko na nga. P*ta naman."

"Last na 'to o. Huling patak sa'yo na!"

Bakit ba kanina pa ako last ng last hanggang maubos na naman 'yung bote ng alak.

Confirm. Lasing na talaga ako.

Naalala ko pang tumayo ako para pumunta ng banyo at sumuka. Pero after that, wala na. Blanko na ang lahat.

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon