34

62 3 1
                                    

Chapter 34

1 minute.

Sigurado akong ganun lang katagal nang mawalan ako ng malay at ngayon I assure you, buhay na buhay ako at damang dama ko ang kabog ng dibdib ko dahil buhat ako ni Cloud.

Pero nagpanggap pa din akong walang malay dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Oh My Ghad! Baket ba kasi ako kailangang buhatin pa ng nilalalang na 'to? I'm moving on here, ya know?

"Is she alright, Kent?" I heard someone asked at paniguradong si Carina 'yun.

Kawawang Carina, walang kamalay-malay na karibal n'ya ang buhat ni Cloud. Pero hindi na naman ako sumasali sa eksena. Nagkataon lang talaga 'to. Promise!

"I think so..." Simpleng sagot nito.

For sure si Carina din ang nagbukas ng kotse at ang alam ko na lang, nakahiga ako sa backseat habang silang dalawa tabi sa harapan. Nag-drive na naman si Cloud at mas lalo akong naloka.

I am so wide awake pero feeling ko ito ang ikamamatay ko. Urg.

"Carina..." Cloud said in a middle of an awkward silence. "Would you mind heading at Linden first?"

Ano daw? Baliw ba s'ya? Gusto n'yang maiwan kaming dalawa? Sinabi n'ya ba talaga 'yun sa babaeng ina ng anak n'ya? Ang kapal ng mukha mo, Cloud. Babae ako kaya kahit gustong gusto kita ayoko namang maagrabyado s'ya.
Kaya kahit na mahirap, magiging artista ako ngayon.

I started moving, 'yung kilos na parang bago talagang gising. Nang maupo ako humawak pa ako sa ulo at 'yung mata ko pilit kong ginawang mukhang namuungay pa.

"Nasaan ako?" Muntik naman akong matawa sa sinabi ko. Amnesia lang te? Haha.

Okay na sana ang lahat kaso nang magtama ang tingin namin ni Cloud sa rear mirror para na naman akong inataki ng kung ano mang malalang sakit. Lovenat.

"Uhm... Buti gising ka na. Dadalhin ka sana namin sa hospital." Sagot ni Carina habang nakalingon sa'kin.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Dahil bukod sa maganda s'ya, karibal ko din s'ya. Luging lugi ako kaya ayaw ko nang lumaban.

"Huh? Hindi na kailangan. Pababa na lang ako. Okay lang ako." Sagot ko sa kanya. I even tried to smile.

"Carina. I'll drop you at Linden first." Biglang sabi ni Cloud na ikinainit na talaga ng ulo ko. Ano bang plano nito.

"Hindi na kailangan. Uuwi na lang ako. Kaya ko naman." Sabi ko habang nakatingin sa likod n'ya.

"...okay." Sagot naman ni Carina at ramdam ko sa boses n'ya na nakakaamoy s'ya ng something's fishy.

Nakakainis. Sasagot pa sana ako kaso nandito na pala kami sa tapat ng Linden.

"I'll see you later then. Bye." Mahinhing sabi nito bago tuluyang bumama ng kotse at naiwan kaming dalawa sa loob.

He drove away without looking back at Carina.

This is so awkward.

"Cloud. Gusto ko nang umuwi. Sinabi ko na, okay lang ako. Promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko pero as usual, dinedma n'ya lang ako.

Nakakainis. Naalala ko lang lalo 'yung mga panahong lagi n'ya akong hinihila sa kung saan-saan at kahit anong tanggi ko hindi n'ya ako papakinggan. 'Yung mga panahong unti-unti naming nakikilala ang isa't isa. 'Yung mga panahong ako pa ang gusto n'ya.

Nakaka-depress. Napatungo na lang ako dahil nararamdaman ko na ang namumuong luha sa mata ko. Sa loob ng halos dalawang buwan, hindi yata nabawasan ang nararamdaman ko. Bakit ganun?

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon