22

40 2 1
                                    

Chapter 22

"Bilisan n'yo mga bakla!" Sigaw ni Jaira habang nanakbo kami sa stairs papunta sa first subject namin.

We're oh so late. 20 minutes late to be exact. Si Ms. Sebastian pa naman ang prof namin, 'yung terror na prof na nagpalabas sa'kin sa klase noon.

Anong oras na ba kami nakatulog kagabi? We were all drunk last night kaya ayan mga hindi kami nagising sa tamang oras. Tapos 'yung yaya pa ni Bea hindi man lang kami ginising. Nakakaloka.

Si Angel naman kasi biglang nagyayang uminom dahil daw broken hearted ako. Syempre pumayag naman ako hindi dahil brokem hearted ako kung hindi dahil sa pangungulit nilang tatlo. Konti lang naman ang ininom namin pero ang sakit pa din sa ulo.

Lahat kami hinihingal nang makarating sa tapat ng classroom at nagdiwang ang.mga kaluluwa namin dahil wala pa si Ms. Sebastian.

"Swerte natin guys." Nakangising sabi ni Angel at sabay sabat kami naupo sa mga pwesto namin.

"Super lucky. Haaaa. Hiningal ako dun aa." Sabi naman ni Bea habang nagaayos ng buhok.

"Hikes. Muntik na tayo kay General." Sabi ko naman. General tawag namin kay ms. Sebastian kasi para syang militar.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtawa't pagchichikahan ng tawagin ako ng classmate ko.

"Dude, may naghahanap sa'yo." Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Agad naman akong tumingin sa pinto at nakita ko si Ivan na nakangiti sa'kin.

My eyes widened at tumingin sa paligid para hanapin si Kathleen at buti na lang wala s'ya sa paligid pero delikado pa rin.

Ayaw ko sana s'yang lapitan kaso ang sama ko naman yata. Baka kasi anong isipin ng mga tao.

"Musta? Magaling ka na?" Tanong ko nang makalapit na sa kanya.

"Okay na. Galing mo mag-alaga e." Tumingin naman ulit ako sa paligid para tignan kung may nakarinig at nang wala naman bumaling ulit ako ng atensyon kay Van.

"Shhh. Baka may makarinig sa'yo malaman pa ni Kathleen." Bulong ko sa kanya at naglakad nang medyo malayo sa classroom. Sa walang makakarinig.

"Actually, Yumi. I broke up with her." Sabi nito sa'kin. Ang bilis naman n'ya mag-decide.

"Huh? Paano? Alam na ba n'ya na alam mo na?" Tanong ko. Pareho kaming nakatingin sa green field ng university.

"No. Hindi ko sinabi. Basta nakipaghiwalay lang ako."

"Anong sabi n'ya?"

"Syempre hindi s'ya pumayag dahil sa baby. Tss. She made me mad nang i-dahilan n'ya sa'kin 'yon." Ngumiti s'ya pero galit ang mga mata n'ya.

"Chill. Alam kong nakakainis talaga 'yan pero anong plano mo? Paano 'yung baby?"

Ivan shrugged and said, "Bahala na si Mike. Bahala sila." Seryosong sabi n'ya pero ilang sigundo lang bigla s'yang ngumiti at tumingin sa'kin.

"Huwag na na'tin pag-usapan 'yan. Nakakasira ng araw e. Haha. Yayayain lang sana kita mamaya. Kain lang. Token of appreciation para sa pag-sama mo sa'kin kahapon." I blushed. Crush ko pa din ang isang 'to. Pero hindi na katulad ng dati na nauutal ako kapag kaharap ko s'ya.

Naisip ko na naman tuloy bigla si Cloud. Si Cloud na mas lamang kay Ivan.

"Sige." I nodded.

Wait. Pumayag ako? Fudge. Nabigla yata ako don aa.

"Sure na 'yan aa. Wait kita mamaya. I'll text you." Sabi pa nito, patted my head at madaling umalis.

Oh my gosh. Gusto mo ba talaga ng gulo, Yumi? Pumayag lang yata ako dahil bigla kong naisip si Cloud at dahil sa kagustuhan kong makalimutan s'ya.

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon