CHAPTER 38:

331 6 0
                                    


KINAUMAGAHAN maganda ang gising ni Yen nang makita ang binatang si Razel na nagluluto sa kusina ng kanyang hotel room.

Hmmm... What a wonderful to see you like that Mr. Razel Sipat. Opss, No t-shirt kita ang Six pack abs. Shit! Ang hot mo! Ling! Paanu ba hindi magnasa sayo? Eh tingin ko palang sayo parang maglalaway na ako sa sarap yan pa kayang niluto mo! Gosh! Anito ni Yen sa isipan habang pinagmamasdan niya si Razel na nagluluto at napabaling ang binata sa kanya at ngumiti. Shit! Now I'm Wasted. Mahal na ata kita, Ling. Nakalimutan ko tuloy kung bakit ka narito kagabi. Huhuhu... Dagdag pang pang iisip ni Yen saka nginitian siya ng binata at may kung anung binitbit na tray habang papunta sa kanya.

"I know you have a lot of questions in your mind, but first eat this and I answer all of your Questions." Anito ni Razel kay Yen saka inilapag sa kanya ang pagkaing niluto. "Ubusin mo ha, Pinaghirapan ko yan." Dagdag pang sabi ni Razel saka ngumiti ng malapad. "By the way Good Morning, Darling."

"Good Morning. Ikaw talaga, Kahit kailan nagpapasweet ka sa akin." Anito ni Yen saka ngumiti at kinain na ang nilutong pagkain ni Razel. "Nga pala paanu mo nakita ang hotel saka ang room ko?"

"Ahh yun ba? Tanda mo yung hinatid tayo nina Salvador gamit ang Van nila kasama ang ibang kaibigan natin pauwi? Kaya naman tanda ko ang hotel mo saka Sinundan kita mula sa hotel mo patungo sa trabaho mo." Nakangising sabi ni Razel kay Yen at kumindat sa dalaga. "Oh di ba ma effort. Kaya nagpanggap akong delivery boy kagabi."

"Haist! Sinasabi ko na nga ba eh! Madami ka talagang alam na kabulastugang mokong ka." Anito ni  Yen kay Razel saka ngumiti.

"Ako pa, eh sa gusto kitang makasama eh. Saka na miss ko yung init ng katawan mo." Anito ni Razel kay Yen.

"Gago! Pwede pang tawagan mo naman ako bago ka pasulpot sulpot ka nalang haist! Aatakihin ako sayo eh." Anito ni Yen kay Razel saka inubos na ang pagkain.

"Masaya ka ba sakin, Yen. Kontento ka na ba—" Anito ni Razel saka bigla namang tumunog ang cellphone niya. "Haist! Sinu na naman kaya ang tumawag nang ganito ka aga. Haist!" Dagdag pang sabi ni Razel saka kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. "Wait, Yen. I'll be back."

"Hello!" Sagot ni Razel sa tawag. "Anu yon Abong? Nang iistorbo ka eh."

"Hello, Pre. Wasted ngayun ang kaibigan nating si Junbert. Iniwan ni Maria Ila." Anito ni Mark Stephen kay Razel saka may bahid na tawa ang boses nito.

"Ahh ganun ba? Oh eh anung connect sa akin abir?" Anito ni Razel kay Mark Stephen saka tumingin kay Yen.

"Mabuti tayong kaibigan pre kaya pupuntahan natin siya at inisin pa." Anito namang boses ni JanLouie na nakikinig pala sa usapan nila. "Papunta na kami ngayun kay Yen at nandito na rin sina Mae, Marianne at Excel sa Van Para sundan si Maria Ila sa probinsya. Saan ka ba ha? Wala ka sa Condo mo." Kunot noong sabi ni JanLouie kay Razel.

"Bisto ako nito!" Sambit ni Razel habang nakatingin kay Yen at nawala sa isip na may kausap sa cellphone.

"Anung bisto?" Naguguluhang tanung naman ni Mark Stephen sa kabilang linya.

"Ahh wala sige, Sige. Kita na lang tayo." Sagot ni Razel kay Mark Stephen.

"Sige, Andito na kami sa tapat ng hotel ni Yen saka papunta na ngayun sina Marianne, Mae at Excel sa room ni Yen. Saan ka ba dadaanan ka na lang namin." Anito ni Mark Stephen kay Razel.

Hinilot ni Razel ang sintido dahil sa narinig. "Sige! Eh text ko nalang ang address." Anito ni Razel saka pinatay ang tawag.

"Sinu ang tumawag saka Anung sabi?" Kunot noong sabi ni Yen.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Where stories live. Discover now