CHAPTER 16:

560 13 2
                                    


HINDI alam ni Yen kung bakit hindi siya kinikibo ng binatang si Raz. Mula nang tanghalian hanggang matapos silang maghapunan. Kahit anung deny niya ay apektado talaga siya dahil hindi nito pinapansin, simula nung nag away silang dalawa sa harap nang kanilang mga kaibigan.

Gusto ni Yen lambingin si Razel pero naiilang naman siyang yakapin ang binata dahil wala naman silang relasyong dalawa. Baka kung anu pa ang isipin ng mga kaibigan nilang kasama sa condo.

Gosh! Anu na man kaya ang sinisimangot nitong mokong na to? May mood swing ba to? Eh babae lang ang nagkakaganun ah. Ah ewan sa kanya. Anito ni Yen sa kanyang isipan habang nakaupo sa sofa at nakita niya ang binata na naghubad ng t-shirt at pumasok sa silid nito.

Nang silipin ni Yen kung anung ginagawa ni Razel sa loob ng kwarto nito, nakita niya itong nakahiga sa sofa bed at natutulog. Parang may kumurot sa puso niya sa isiping ayaw siya nitong makatabi ng higa sa kama pero mabilis niyang pinagsawalang bahala ang kirot na nararamdaman.

Pumunta si Yen sa Banyo at naligo pagkatapos ay nahiga na siya sa kama ng binata. Nakatagilid siya paharap kay Razel. Nakikita niya ang mga pagbuntong hininga nito at ang paggalaw ng panga na parang napapatiim-bagang.

Huhuhu... sa pagkakaalam ko, Raz wala naman akong ginawang masama sayo Para magtampo ka nang ganyan ahh. Anito ni Yen sa kanyang isipan saka bumuntong hininga saka ipinikit na niya ang mga mata at natulog. Bahala ka sa buhay mo! Bukas na bukas ay makakabalik na ako sa probinsya at mag eenjoy ako kasama ang mga bestfriend ko sa summer outing. Dagdag pang sabi ni Yen sa kanyang isipan saka napangiti sa nga naiisip gawin sa outing nila.

KINABUKASAN ng magising si Yen ay wala na si Razel sa sofa bed na tinulogan nito kagabi. Nang tiningnan niya ang Cr ay wala rin ang binata rito kaya lumabas siya ng kwarto ng binata at hinanap ang binata saka naman niya nakita ang mga kaibigang sina JanLouie na nagkukulikot ng kanyang Cellphone at si Mark Stephen na animo'y may hinahanap sa bagahe niya. at nakita niyang nagluluto nang agahan si Salvador.

"Guix?" Tawag ni Yen sa mga kaibigang nasa sala.

Bumaling sa kay Yen si Jeffmark ang siyang kaisa-isang kaibigan niya na tiningnan siya. "Good Morning, Miss BeautifuL." Sambit ni JanLouie saka ngumiti nang malapad.

"Good Morning din sayo, JanLouie." Anito ni Yen sa kay JanLouie saka ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng condo at hinahanap si Razel

"Hey! Good morning, Yen." Anito naman ni Mark Stephen kay Yen nang marinig niyang may nag-uusap.

"Magandang umaga rin sayo, Mark Stephen." Bati rin ni Yen sa kay Mark Stephen habang upinapalibot ang mga mata sa kabuuan ng comdo. "Ahmmm... Nakita niyo ba kung nasaan si Razel?" Maang na tanung ni Yen sa mga kaibigan.

Gosh! Baka kung anu na naman ang iisipin nitong mga mokong na to. Ani ni Yen sa kanyang isipan saka matamang tumingin sa gawi ng mga kabigan.

"Naku! Sabi na nga bang, hinahanap mo ang kaibigan naming yon eh. Panay kasi ang paghahanap ng mga mata mo sa anino ng kaibigan namin." Tukso ni JanLouie sa kay Yen saka ngumiti nang nakakaloko.

"Tumigil ka, JanLouie kung hindi masasaktan ka talaga sakin." Anito ni Yen sa kay JanLouie saka tinaasan niya ito ng kilay.

"Bakit mo natanung? Bakit? Miss mo na ba?" Tukso rin ni Mark Stephen kay Yen at ngumisi. "Mahal mo no?" Dagdag pang sabi ni Mark Stephen kay Yen at ngumiti nang nakakaloko.

"Bwesit kayo dalawa alam niyo ba yon? Ang aga aga nang bubwesit na kayo." Anito ni Yen saka matamng tinitigan niya ng masama ang dalawa. "Bakit? Bawal ba magtanung kung saan siya? Ha? Bwesit kayo!" Dagdag pang sabi ni Yen sa kanilang dalawa.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Where stories live. Discover now