CHAPTER 30:

378 12 0
                                    

MisterSIMPLE_19:
Nga pala mga KA SIMPLE bago mo simulang basahin ang kwento ko, Wag mong kalimutan na eh Vote ang mga chapters ng story na to! Hope you do my Favor. Thank you A lot! :)

———
KINUHA ni Razel ang braso na hawak ni Via at pumasok siya sa Garden. Kaagad na nakita niya si Yen at Junryl na naka upo sa gilid ng fountain at nag uusap.

Bwesit! Papatayin ba ako sa galit at selos ni Yen? Nakakainis. Tapos tawang tawa pa ang babaeng to habang kausap ang Gagong Junryl na to. Suntokin ko kaya ang ungas na to para mahimas masan na ako lang dapat ang maaring makapagpasaya at magpangiti kay Yen! Bwesit! Anito ni Razel sa kanyang isipan saka madilim ang mukha na nakatingin kina Yen at Junryl. Hindi pwede! Magagalit sa akin si Yen kapag sinuntok ko ang Gagong Junryl na yan sa sarili kong Party, hmmm.... Anu kaya kung papalabasin ko sa Party ko tong ungas na to? Hindi para nagmukhang masama ako sa paningin ng mga bisita ko. Dapat malaman ko muna na Mahal ako ni Yen bago ko bugbugin sa suntok ang Bwesit na lalaking yan! Dagdag pang sabi ni Razel sa isipan saka ngumiti nang nakakaloko. What a nice plan, Bro!

"Junryl!" Tawag ni Razel para makuha ang atensiyon ni Junryl. Kaagad namang lumingon ito sa direksiyon niya at ngumiti ng makita siya.

"Hey, Raz!" Anito ni Junryl saka tumayo at inalalayan ang dalagang si Yen patayo.

Bwesit! Ilang foul kana Junryl! Sasaktan na talaga kita. Isa pang hawak sa kamay ng babaeng pag aari ko. Mayayari ka sakin. Anito ni Razel sa isipan nang makita ang ginawa ni Junryl kay Yen.

"Mag umpisa na ba ang meeting natin?" Maang na tanung ni Junryl kay Razel saka ngumiti.

"Nope. Pumunta ako rito para sabihin ko sayo that our deal is off. You will not be investing in my company." Anito ni Razel kay Junryl saka malalaking hakbang na umalis sa Garden Area.

Anu pa ang sinusunod sunod nitong ungas na to sa akin?! Gago! Hindi kita Aso anu! Anito ni Razel sa kanyang isipan nang marinig ang yabag ni Junryl na sunod sa kanya.

"Sipat, naman! Hindi mo pwedeng gawin yan." Anito ni Junryl mula sa likuran ni Razel.

Tumigil sa paglalakad si Razel at humarap kay Junryl. "Ha! Junryl pag aari ko ang kompanya ko kaya ako ang masusunod kung nag iinvest ka o hindi. And when I said no then you're not invited to invest in my company." Anito ni Razel kay Junryl saka mapaklang ngumiti sa kaibigan.

"Sipat naman. Pinag usapan na natin ang deal na to di ba? Wag mo namang gawin to oh." Anito ni Junryl kay Razel at parang natalo sa lotto ang mukha ni Junryl.

"Wala akong pakialam, Junryl. Kung ilang milyong deal pa yang contract na yan. Humanap ka nalang ng ibang kompanya na pwede kang mag invest." Anito ni Razel kay Junryl saka iniwan niya itong nakamaang.

Nakita ni Yen na bumalik si Junryl sa kinaroroonan niya na parang nalugi ang mukha. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa binata na parang natalo sa lotto.

"Okay naman na kanina ang usapan namin ahh. Bakit ngayun ayaw na ni Razel na mag invest ako sa kompanya niya?" Maang na sabi ni Junryl saka umupo sa tabi ni Yen. "Anung nangyari sa lalaking yon? Tinanggihan niya ang billion investment ko." Dagdag pang sabi ni Junryl na nakayuko ang ulo at hindi makatingin sa dalaga.

Anung ginawa ni Razel!? Anito ni Yen sa kanyang isipan.

"Oi, Anung nangyari?" Kunot noong tanung ni Yen kay Junryl.

"Hindi ko alam, Yen. Sinabihan niya akong hindi daw ako invited na mag invest sa kompanya niya." Anito ni Junryl kay Yen saka pinilit na ngumiti. "Okay lang yon. Nakakapanghinayang lang kasi ang deal na yon. Malaki sana ang makukuha kong invesment kung pumayag si Razel." Dagdag pang sabi ni Junryl kay Yen saka ngumiti nang marahan.

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Where stories live. Discover now