CHAPTER 31:

372 7 0
                                    


NAPAGDESISYONAN ni Yen na hanapin ang mga kaibigan niya. At nakita niya nga ito sa Pool area. At masayang nakikipagkwentohan sa mga lalaking childhood friend nila.

Bwesit! Bakit kasi nauna kong nakita ang bruhang kasintahan ng mokong na Razel na yon na sana ay ang mga bestfriend ko ang hinanap ko. Yan tuloy itong nangyari sakin. Parang basang basahan. Huhuhu. Anito ni Yen sa isipan saka bumuntong hininga. Haist! Bakit pa ako naniwala sa nga cheesy words ng mokong na yon eh may kasintahan na yon. Huhuhu, Tapos kasama pa nito ngayun at kadate? Hmmp akala ko ako ang kadate ng gagong yon. Gosh! Yen nagpauto ka na naman sa childhood friend mong si Razel. Dagdag pang sabi ni Yen sa isipan saka nilapitan ang mga kaibigan at kasa kasama niya pala ang ex-boyfriend na si Victor.

"Besh! Kanina ka pa namin hinihintay saan ka ba nang galing?" Anito ni Marianne kay Yen saka matamang tinitigan ang kaibigan na si Yen saka bumaling kay Junryl.

"Oh parang galing ka naman ata sa iyak, Besh?" Kunot noong tanung naman ni Excel.

"Oi ikaw, Junryl!" Anito ni Mae kay Junryl saka tinuro ang binata.

"Oh, Anung ako?" Maang na tanung ni Junryl kay Mae.

"Ikaw ba ang nagpaiyak na naman sa modelong kaibigan naming ito?" Anito ni Marianne kay Junryl saka tinuro ang kaibigang si Yen.

"Oo nga! Ikaw ba?" Sabad naman ni JanLouie sa usapan nila. "Anu Marianne? Upakan na namin to?" Tanung naman ni JanLouie kay Marianne saka ngumisi at tumingin kina Mark Stephen at Jeffmark na abala sa pagkain habang si Salvador naman ay nakatingin lang sa kanila at sumisimsim ng alak kasama sina Uniel at Johnfel

"Makapagbintang naman kayo, Sinamahan at pinagaan ko na nga damdamin nito. Tapos ako pa ang sisihin niyo ahh." Anito ni Junryl sa kanila saka napakamot sa ulo. "Kung tanungin niyo kaya ang magaling niyong kaibigan na si Razel, kung bakit umiyak itong si Yen." Dagdag pang sabi ni Junryl sa kanila saka mapaklang ngumiti.

"Haist! Anu na naman ba ang ginawa ni Razel at umiyak ka, Besh?" Kunot noong tanung ni Marianne kay Yen saka tinitigan ang kaibigan.

"Ahmm wala ito—" Anito ni Yen saka naman ay pinutol siya ni Junryl.

"Nakita niya kasing ang lambing ni Via kay Razel saka ang malala pa ay hinalikan nito si Razel." Nakangising sabi ni Junryl sa kanila saka tumingin kay Yen.

"Anu!!!" Sabay sabay na sabi nina Excel, Mae at Marianne.

"Nasaan na yong mokong na yon ha? Papatayin ko sa sarili niyang Party. Bakit nila sinaktan ang kaibigan namin ahh." Anito ni Marianne sa kanila.

"Oi maghunos dili ka nga, Babe." Anito ni JanLouie saka napatakip sa bibig. "Este Marianne haist! Nasa Party tayo oi. Kaya chillax lang okay." Dagdag pang sabi ni JanLouie kay Marianne saka nag peace sign sa dalaga at tumingin sa mga kaibigan.

"Eh hindi nga natin alam ang lahat na nangyari eh. Chill muna tayo okay. Kasi sigurado akong hahanapin din ni Razel itong si Yen." Nakangising sabi ni Salvador sa kanila.

"Love sucks talaga!" Anito naman ni Uniel saka tumungga ng alak.

"Masasaktan ka talaga sa Love na yan! Uminom nalang kayo." Anito pa ni Johnfel saka tumungga ng alak.

"O ikain niyo nalang." Anito pa ni Jeffmark saka kumain ng pagkain.

"Oi, Love. Lasing ka na ba sa iniinom mo ha? Ngisi ngisi ka na riyan eh." Anito ni Excel kay Salvador saka nilapitan ang asawa at sinapo ang mukha nito.

"Haist! Guix! Chill lang kayo okay, Okay na ako. Andito tayo para magsaya dahil birthday ni Razel kaya sabayan nalang natin siya." Anito ni Yen sa mga kaibigan saka pinangtirikan ng mata si Junryl. "Makakain na nga!"

"Oh kita mo itong babaeng to oh. Galing sa iyak pero nakangiti pa rin haist." Anito ni Mae.

"Sinabi mo pa. Iba iba talaga ang ugali ng mga kaibigan natin." Anito naman ni Marianne saka tiningnan nilang dalawa na kumukuha ng pagkain si Yen at alak na rin.

"At hindi na namin kayong mga babae ma reach kasi pabago bago ang mood niyo. Haist! Nakakainis alam niyo yon." Sabad naman ni JanLouie kina Marianne at Mae.

"Manahimik ka nga riyang mokong ka! Tigilan mo yang kaka babe mo kundi malilintikan ka sakin." Anito naman ni Marianne kay JanLouie.

Sa isang banda naman ay kumukha ng pagkain si Yen sa buffet table ay hindi niya alam na sinundan pala siya ni Junryl saka kumuha ito ng alak.

"You really love following me ha!" Anito ni Yen habang kumukuha ng pagkain.

"Yeah. Just like you love Razel." Nakangising sabi ni Junryl saka kinindatan si Yen.

Mabilis siyang nag iwas ng tingin kay Junryl. "Anu ba Junryl! T-Tigilan mo nga yan. H-hindi ko mahal si Razel okay? It is a simple attraction lang." Anito ni Yen kay Junryl habang nasa Buffet pa rin ang tingin.

Nanunuksong ngiti ang kumawala sa nga labi ni Junryl. "Naku Yen wag mo nga akong utuin kasi noon pa man ay alam ko na kung paanu ka magmahal. At nakikita ko yon sa mga mata mo just like I love you but sad to say iba na ang mahal mo ngayun." Nakangiting sabi ni Junryl kay Yen.

"Ikaw ko sayong mokong ka. Bahala ka nga riyan balik na ako sa mga kaibigan ko." Anito ni Yen kay Junryl saka iniwan ang binata.

"Yen, Wait. Hintayin mo naman ako." Anito ni Junryl kay Yen saka kunuha ng alak at sinundan ang dalaga. "Haist! Ang babaeng talagang yon kahit kailan ang denial eh halatang halata naman." Dagdag pang sabi ni Junryl saka sinundan ang dalaga.

Napatigil si Yen nang ilang dangkal ang layo sa mga kaibigan dahil nakita niya ang gwapong mukha ng binatang si Razel at mabilis ang tibok ng puso niya.

Gosh! Bat ganun ang epekto nitong mokong na to sa puso ko! Huhuhu... Bwesit ka Raz sarap mokong sampalin sa halik, Gago ka! Anito ni Yen sa isipan saka napatitig sa mukha ng binata.

"Oh! Pre andito na pala ang hinahanap mo oh. Eh kaso may kasamang iba." Nakangising sabi ni JanLouie kay Razel saka tumungga ng alak si JanLouie.

"Yang bibig mo talaga, JanLouie. Pwede hinay hinay lang." Anito ni Marianne kay Louie.

Hindi sumagot si Razel sahalip ay tumungga ng alak sa mismong sisidlan ng alak at tumingin ng masama kina Yen at Victor.

"Alis muna ako. May hahanapin lang ako." Anito ni Razel sa kanila saka matamang tinitigan si Yen at masamang tingin naman ang pinukol kay Junryl.

Nang makaalis ang binatang si Razel sa mga kaibigan, nagkatinginan naman sina Yen at Junryl.

Nanunuksong tumingin si Junryl kay Yen saka ngumisi. "Oh diba? He is definitely jealous, Yen." Anito ni Junryl.

"Nagseselos ba si Razel kay Junryl?" Kunot noong tanung ni Mae sa kanila.

"Hindi siya nagseselos, Mae. Selos na selos kay Junryl." Anito ni Mark Stephen kay Mae at tumitig kay Yen.

"Sa tingin ko ay sira na ang gabi ni Razel." Nakangising sabi naman ni JanLouie.

"Haist! Tumigil na nga kayo! Andito si Yen oh! Saka ang raming tao." Anito ni Marianne.

Itinirik ni Yen ang mga mata sa mga kaibigan. "Puro kayo birong lahat ah. Tigilan niyo na nga yan." Anito ni Yen saka bumuntong hininga at tumingin sa gawing inalisan ng binatang si Razel.

Itong mag couple na to parang magnet wala nang makapag-aalis pa sa kanila kapag nagkasama. Haist! Anito ni Yen sa isipan saka tumingin sa gawi ng mag asawang sina Salvador at Excel.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Onde histórias criam vida. Descubra agora