CHAPTER 1

1K 26 0
                                    

MisterSIMPLE_19
Nga pala mga KA SIMPLE bago mo simulang basahin ang kwento ko, Wag mong kalimutan. Vote every chapters of this story. Hope you do my Favor. Thank you A lot! :)
———

GABI na nang makalabas si Razel sa opisina niya at ngayun nasa sasakyan na siya para sana umuwi sa Condo niya nang may tumawag sa cellphone niya. Ang ina pala niya ang tumawag sa kanya, agad naman na sinagot niya ang tawag nito.

Bago pa man ni Razel sinagot ang tawag ng ina ay huminga siya ng malalim saka sinagot ang tawag. "Good Evening, Ma." Masigla na bati ni Razel sa Ina. "Bakit pala napatawag kayo nang dis oras na to?" Kunot noong tanung ni Razel sa Ina.

"Good evening din sayo, anak." Anito ng ina ni Razel sa kabilang linya. "Saka pala, Anak. Napatawag ako sayo kasi gusto kung malaman kung uuwi ka rito sa Probinsya para magbakasyon?" Tanung ng Ina ni Razel sa kanya na bakas ang excitement sa tinig.

Bumuntong hininga si Razel dahil sa mga sinabi nang Ina. "Ma, busy ako sa Opisina. Tingnan ko lang ang sched ko kung makakauwi ako riyan." Ani ni Razel sa Ina saka bumuntong hininga.

Dahil nga naman ay siya na ang pinahawak ng kanyang Ama ng kanilang business ay nasa kanya na ang responsibilidad para gampanan ito. Hindi rin naman fun ang kanyang kapatid na si Ranzel sa business nila.

"Anak naman, wag mo namang masyadong workaholic. Mag day off ka rin paminsan minsan saka summer time naman ahh. Mag bonding tayo pamilya minsan na nga lang tayo magsama sama eh." Pagpapayong sabi ng kanyang Ina sa kanya. "Saka anak summer means its your day. Kaya naman pahinga ka muna rito sa Probinsya kahit ilang araw lang." Nagtatampong sabi pa ng Ina ni Razel sa kanya.

Haist! Anu ba yan basta si Mama wala talaga akong laban. Ani ni Razel sa kanyang Isipan saka Hinilot niya ang kanyang sintido. May usapan pala kami ni Via na sa summer ay magvacation Leave kami pariho para magkabonding. At nangako ako sa girlfriend ko at ayaw kong masira ito ngunit pamilya ko naman ang kapalit nito... Naku naman oh! Dagdag pang sabi ni Razel sa kanyang isipan saka huminga ng malalim.

"Anak? Anu uuwi ka ba sa susunod?" Tanung ng Ina ni Razel mula sa kabilang linya.

"Ma, May Plano na ako at kasama ko si Via." Pagpakatotoong sabi ni Razel sa ina. "Nangako ako sa kanya na magvacation leave kami pareho para magsama sa summer." Dagdag pang sabi ni Razel sa Ina na parang humingi ng tawad.

Nawalan ng imik ang ina ni Razel sa kabilang linya saka nagsalita na ito. "Oh okay, Maging maaya sana kayo sa inyung summer getaway." Anito ng Ina ni Razel sa kanya saka pinatay ang tawag sa kanya.

Nagtatampo ata si Mama sa akin ahh. Pero naman kasi nagkasabay pa eh. Ani ni Razel sa kanyang isipan saka huminga ng malalim. Sh*t! Sana naman ay wag na magtampo si Mama sakin. Ani ni Razel saka isinandal ang likod sa sasakyan.

Tinawagan ni Razel ang ina dahil nga naman ay hindi siya mapakali sa nagtatampong Ina. "Ma, Gusto ko lang naman sabihin sa inyu na kasama ko si—"

"Hindi na." Walang emosyong sabi ng ina ni Razel sa kanya. "At tumawag ka para alamin na nagtatampo ako? Oo nagtatampo ako kasi mas pinili mo pa ang babaeng yan kisa sa pamilya mo." Dagdag pang sabi ng Ina ni Razel sa Kanya habang may pagtatampong Tinig sa anak.

"Ma naman, ang babaeng yun ay may pangalan and her name is Via." Ani ni Razel sa ina.

"Pakialam ko sa babaeng yan. Hindi ko siya gusto para sayo. Kung gusto mong mawala ang tampo ko sayo umuwi ka this summer." Anito ng Ina ni Razel sa kanya saka pinatay ang tawag.

Tinawagan naman ni Razel ang kanyang girlfriend na si Via.

"Hey, Babe. Miss mo na ako?" Malabing na sabi ni Via sa kay Razel.

"Babe, About sa Vacation getaway natin this summer? Pwede bang eh cancel muna natin? Tumawag kasi si Mama eh." Ani ni Razel sa Kay Via.

"At anu naman ang sabi niya?" Ani ni Via kay Razel na may pagtatampong tinig.

"Gusto niya kasi akong makasama this summer sa Probinsya eh." Ani ni Razel sa kay Via saka bumuntong hininga.

Nawalan ng imik ang kabilang linya. So eh cancel natin ang getaway natin this summer kasi uunahin mo na naman ang pamilya mo kisa sakin? Ang ina mo naman oh. Kontrabida talaga sa lovelife natin." Mataray na sabi ni Via sa kay Razel.

"V, Pamilya ko sila kaya uunahin ko sila kahit anu pa man ang mangyari. Huwag mo naman sanang pagsalitaan ng ganyan ang ina ko—" Ani ni Razel kay Via.

"Bahala ka sa buhay mo! Umuwi ka kung gusto mo! Bwesit ka! Saka pala, Break na tayo!" Sigaw na sabi ni Via sa kay Razel saka pinatay ang tawag.

Si Via ay Girlfriend ni Razel ngayun at magtatatlong taon na sila kaso lang ay On and off ang kanilang relasyong dalawa. Dahil sa hindi maintindihang dahilan sa buhay nila pareho. Isang Teacher si Via pero parang hindi role model na teacher ito kung umasta paminsan minsan.

Haist! Si Via talaga kahit kailan medyo mainit ang ulo at hindi maganda ang ugali. Ani ni Razel sa kanyang isipan saka bumuntong hininga at napailing iling na pinaandar ang sasakyan at pinaharurut ito papunta sa isang Bar para magliwaliw at mabawasan ang problema niya.

Nang makarating si Razel sa isang kilalang bar, kakapasok pa lang niya sa pinto nito nang makita niya si Yen sa isang table malapit bartender.

Damn! After three year. Yen Villanueva hindi ka pa rin ma alis alis sa isip ko! Anu bang ginagawa mo sa sistema ko? Fuck! Naglalasing ba ang babaeng to? Bakit naman kaya? Ani ni Razel sa isip saka nilapitan niya ang dalagang si Yen.

"Yen? Is that you?" Tanung ni Razel kay Yen nang malapit niya ito sa mesa nito.

"Ahmmm... Razel— hindi ba ako namamalikmata? Razel Sipat?" Kunot noong sabi ni Yen kay Razel habang nakatitig sa mga mata nito at ngumingiti.

Ngumiti si Razel sa inasta nang dalagang si Yen. "Oo naman, anu ako sa palagay mo ngayun? By the way its nice too meet you after three years. Yen Villanueva." Ani ni Razel sa kay Yen saka inihalad ang kamay sa dalaga at tumitig sa magandang mata ng dalaga. Sh*t A Chinita Girl! Bakit ba ang laki nang impact mo saking babae ka.

Kahit wasted na ang dalaga ay hindi pa rin ni Razel mawaring tingnan ang dalaga dahil sa alindog nito. Mabuti nalang ay Nakokontrol niya pa rin ang sarili sa harapan ng dalaga. Fuck! I am in danger right now! Ani ni Razel sa kanyang sarili habang kaharap ang dalagang si Yen.

Nang pakatitigan ni Yen ang buong pagkatao ni Razel mula ulo hanggang paa; His brown eyes, pointed nose, a kissable lips and his well toned body, Shit na malagkit. Nang aakit ba ang lalaking to sa akin? Ani ni Yen sa kanyang isipan habang tinitigan ang binatang si Razel. Nag aalinlangan siyang tanggapin ang kamay nito pero sa huli ay tinanggap din niya.

"Nice too meet you then, Mr. Razel Sipat. After three years ganito pa tayo nagkita talaga Pasensya kana ha!" Ani ni Yen sa kay Razel saka ngumiti nang malapad at mabilis na inagaw ang kanyang kamay nang makaramdam ang kakaibang init mula sa kamay ng binata.

Bakit ganito ako ngayun mag isip, Dios ko! Lasing na ba ako? Nasa harap pa ko pa naman ang Gagong lalaking to. Ang halik niyang hinahanap hanap ko limang taon na ang nakalipas. Hindi na mawari kakatibok ang puso at sistema ko kapag kaharap kita, Razel Sipat. Ani ni Yen sa kanyang isipan saka ibinaling ang tingin sa iniinom na alak at tumungga ito.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Where stories live. Discover now