Chapter 9

125 5 2
                                    

["Antayin mo ko ah! Love you!"] sabi ni Caleb sa kabilang linya.

"Oo sige. Thank you! Haha. Bye!" ang sagot ko bago ko pinatay ang aking phone.

Nandito ako ngayon sa waiting shed malapit sa parking lot. Inaantay ko kasi si Caleb, kailangan kasi niyang umattend ng meeting kasama ang board members ng YBU dahil  nasa ibang bansa ang dad niya, kaya sila muna ng kambal niya ang papalit sa position nito.

Napapangiti ako pag naalala ko kung paano ako sinuyo ni Caleb para lang magkabati kami. Inexplain talaga lahat..

Nasa rooftop na kami ngayon ng main building.

 

"Akin na kasi yung chicken sandwich ko." naka-pout na sabi sa'kin ni Caleb. para talaga 'tong bata. 

 

"Hindi pwede hanggang hindi mo pinapaliwanag kong anong nakita ko kanina."

 

Tumawa siya "Nagseselos ka talaga nu?" tapos tinutusok-tusok niya ko sa tagiliran. Hinampas-hampas ko naman siya sa braso. Ang light lang ng atmosphere hindi tulad kanina na kung anu-anong emosyon ang nararamdaman ko.

 

"Hindi nu! Selos ka dyan! Naasar lang talaga ako kasi kinakausap mo yung Rhica na yun.. Feeling ko tuloy nasayang effort ko!" naiinis kong kunyaring sabi. 

 

Ngumisi lang siya bago nagsalita "Kinausap ako ni Rhica dahil gusto niya raw mag-sorry sa ginawa niya sayo at sa pag gugulo niya sa pag-uusap natin kahapon."

 

Tumaas ang isang kilay ko. "Eh, bakit sayo siya nag sosorry? Bakit hindi sa'kin? Huwag mong sabihin naniniwala ka sa sinabi ng Rhica na yun." medyo naiirita kong sambit.

 

"Kasi nahihiya raw siya sayo tsaka natatakot na baka tarayan mo siya raw ulit kaya sabi niya ipaabot ko raw sayo yung sorry niya. Binigyan pa nga niya ko ng sandwich na ibigay ko raw sayo."

 

Pakiramdam ko kumulo ulit ang dugo ko. "Ay ganun? So, parang ako pa ang nakakatakot sa lagay na yun? Siya pa ang takot sa'kin? Naniwala ka naman. Anong ginawa mo sa sandwich na yun ha?!" ewan ko ba naiirita ako habang kwinikwento niya pinag-usapan nila ni Rhica.

 

"Hahaha. Ang init ng ulo neto oh! Binigay ko yung sandwich sa classmate ko. Mahirap na baka kung anong nilagay niya sa sandwich na yun e. Pero tinanggap ko pa rin yung sorry niya, hindi ba mas masarap pag walang kaaway? kaya sana magbati na kayo ni Rhica mukha naman totoo siya sa mga sinasabi niya."

 

Naningkit ang mga mata ko. "Tigilan mo ko sa bati-bati na yan! Kung gusto mo si Rhica. Doon ka sa kanya! Ayoko na sayo! Ayoko na!"

 

Tumawa ulit siya "So.. Parang sinasabi mo na may gusto ka sa'ken? Haha. Nagseselos ka talaga.. Ang cute mong magselos." sabay kurot niya sa pisngi ko.

 

"Basta ayokong kausapin mo yun.. pakiramdam ko may pinaplano yun na masama. Hindi ako nagseselos ah!! Gusto ko lang makasigurado kaya huwag mong kakausapin yun." para na kong bata nito, hindi ko alam pag dating kay Rhica naiirita ako.

Don't Blame Me, Blaine!Where stories live. Discover now