Lumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi ko. Nagulat ang lahat Nang walang pasabing hinalikan niya ko sa labi. Hinalikan niya ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakalapat ang mga labi niya, sa labi ko, ramdam kong namumula na ko, hindi ako gumagalaw, nanlamig ang buong katawan ko, tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Pagkabitaw niya ng halik, ngumisi siya sa akin, habang ako gulantang pa rin sa nangyari, humakbang siya patalikod sabay shoot ng bola na nasa likuran kong ring. Mukhang doon lang bumalik ang ulirat ko nang naghiyawan ulit ang mga tao dahil sa pagkaka-shoot niya ng bola kahit medyo malayo siya sa ring, dali-dali akong lumakad palayo sa kanya. "Babe, girlfriend na kita!" sigaw niya, hindi ako lumingon, hindi naman Babe ang pangalan ko. Nanghihina ang tuhod ko, walanghiyang yun. Waaaaaaaaaaaaah! Nakakaasar. Cover (c) @vNessaM