Chapter 10

72 5 4
                                    

"Sakay" sabi ni Caleb. 

Nakangiti lang ako habang nakasimangot siya.

Binuksan niya passenger seat door at sumakay na ko, umusog ako kasi alam kong sasakay rin naman siya. Pero nagulat ako nang hindi siya umupo sa tabi ko kundi tumabi siya kay Kuya Con, sa front seat siya pumuwesto.

Nag kibit balikat na lang ako. Baka nagseselos nga! Ewan ko ba? Kaysa mainis ako sa ginagawa niya, eh parang natutuwa pa ko sa nagiging reaksyon niya. 

Kinuha ko na lang ang Piattos ko sa bag at nag simulang kumain. Tahimik. Walang nagsasalita, parang sariling pagnguya ko lang ang naririnig ko.

"kuya Con, buksan mo naman po yung radyo para may music tayo." nakangiting pakiusap ko.

Sinunod naman ako ni Kuya Con, napatingin ako kay Caleb wala pa rin siyang imik. Tahimik pa rin siya. Okay fine, gusto niyang manahimik. 

"Ayan DJ Doreh ang daming nag tweet at nag post sa fb ng sagot nila." narinig kong sabi sa radyo.

"Basahin na yan dali DJ Wentah" tila na eexcite na sabi ng isa pang DJ.

"Eto na nga po, excited teh? May taxi sa labas?" natawa na lang ako sa sabi ng baklang DJ na si Wentah ata ang pangalan.

"Ito ang sagot nila sa tanong na 'Paano ba magselos ang mga lalaki?" 

Si DJ Wenta ulit ang nagsalita. "Galing kay Rhea ng Alabang.. Bigla na lang tatahimik ng di mo alam ang dahilan, ayun pala nagseselos na." 

Biglang may sound effect ng tawa ng bata.

"kaming mga lalaki hindi namin pinapahalata pag nagseselos kami dahil ayaw namin isipin ng mga girlfriend o asawa namin na pinagduduhan namin sila, pero pag nagselos kami hindi niyo kami makakausap ng matino, at minsan nagagalit na lang bigla sabi ni Gilbert ng Baclaran."

"Ayun oh! May hugot si Koyang!" sabi ni DJ Doreh.

Napatingin tuloy ako kay Caleb sa rear mirror, nakatingin lang siya sa labas. Ganun din kaya ang nararamdaman niya?

"Oh eto pa.." dagdag ni DJ Wentah "..isa sa pinakamasakit na maramdaman ay selos, at ayaw na ayaw naming maramdaman yun. kaya para sa girlfriend kong si Jandra, hwag mo kong pinagseselos kasi prang sumasabog ang puso ko pag nakikita kong masaya ka pag kausap mo yang lintik na ex mo sabi ni Pedro from Mdrama City."

Don't Blame Me, Blaine!Where stories live. Discover now