Chapter 2

145 8 4
                                    

"Love moves in mysterious ways.. It's always so surprising.. When love appears over the hori--"

Kahit ayoko pa imulat ang mga mata ko dahil sa antok ay tinignan ko pa rin kung sino ang natawag sa akin ng ganito kaaga, pagkatingin ko sa screen ng phone ko, hindi naka-register ang number kaya hindi ko sinagot.

Humiga ulit ako nang maayos sa kama ko, habang hawak-hawak ang phone ko na nakapatong sa aking tiyan at muli akong pumikit.

Waaaaaaaah! Nakakaasar..

Dali-dali akong tumakbo palabas ng court pero may humawak ng braso ko, huminga ako nang malalim para tignan kung sinong bwiset ang humawak sa'ken.

Pagkatingin ko si Sir. Tamayo pala. "S-sir." ani ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. "Sir. Uuwi na po ako, nakita niyo naman po ang nangyari diba? Hindi ko kayang mag-stay dito" sagot ko, medyo nakakaramdam na ko ng galit pero hanggang maari pinipigilan ko 'to.

Mukha naman naintindihan ni Sir ang hinain ko. "Okay sige, papayagan kitang umuwi pag inanounce na kung sino ang best muse, kahit hindi ka na manood ng laban ng basketball ay ayos lang."

Kahit masama ang loob ko tumango na lang ako kay Sir at bumalik ako sa pwesto ko kanina, ramdam kong maraming nakatingin sa'ken lalo na ang mga muse na kalaban ko, kung nakakamatay lang ang tingin, sigurado akong kanina pa ko duguan dito. Letche, eto na nga ba ang sinasabi ko e, baka mabully na naman ako kagaya ng sa dati kong school.

"Yenelle Andrade of College of Information Technology!!" sigaw ng artistang judge.

Bakit tinatawag ako ng artistang 'to? Hwag niya lang sabihin na tinatawag niya rin ako para gamitin sa exhibition, naku po! Ayoko na.

Napasinghap ako nang yakapin ako ni Sep. "Congrats! ikaw ang nanalo!" sabi niya pagkalas ng pagkakayakap niya sa'ken, gusto ko sanang sabihin sa lalaking 'to na.. Ano close tayo? May payakap-yakap ka pa diyan pero hindi ko na lang pinansin. Pero ano nga bang sinabi niya hindi ko masyadong na-gets.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Ikaw ang nanalo kaya kunin mo na ang award mo!" masigla niyang sabi, at naramdaman kong tinulak niya ko papunta sa gitna ng court.

Nahagip ng mga mata ko si Blaine Caleb masama ang pagkakatitig sa'ken.. sa'ken nga ba o kay.. Sep?

Iminulat ko na lang ulit ang mga mata ko, isang linggo na ang nakalipas pero naalala ko pa rin ang mga nangyari ng Foundation Week, pagkakuha ko ng award ay umuwi na agad ako, hindi na ko pumasok ng mga sumunod na araw wala naman akong sinalihan na activity at saka sapat na siguro yung naiambag kong pagkakapanalo bilang Muse na for me ay wala naman sense.

"Love moves in mysterious ways.. It's always so surprising.. When love appe--" nabigla ako nang tumunog na naman ang phone ko, tinignan ko ang phone screen at ang tumatawag na naman ay ang hindi naka-register na number.

Don't Blame Me, Blaine!Where stories live. Discover now