Chapter 7

125 8 2
                                    

From: Calebaliw

 

Hwag mu muna aq isipin hbang nag-eexam ka ah? Bka aq ang msagot mu! Hihihi. Goodluck sa exam, lam kong mppasa mu yan! Love youuu! Mwaapx :***

Napangiti na lang ako sa text ni Caleb, kahit kailan talaga jejemon 'to. Kung maka-goodluck naman siya, akala mo naman finals na. Haha! May exam kasi ako ngayon sa computer programming, nag-review naman ako kagabi kaya alam kong kaya kong ipasa ang exam. Mareplyan na nga lang 'tong si Caleb.

To: Calebaliw

 

Alam ko rin yun. Thank you! :)

Tinabi ko na yung cellphone ko sa bag, at nanahimik na lang sa kinauupuan ko. Hindi ko kasi hilig ang mag-review pag malapit na ang exam. Kaya tinitignan ko na lang yung mga classmate ko sa classroom.

May ilang nagrereview by group, meron naman tahimik lang na nagbabasa mag-isa, yung iba nagdadaldalan na akala mo walang exam na mangyayari ngayon.

Tinignan ko yung relo ko. 5 minutes na lang darating na si Sir.

Napatingin ang lahat nang bumukas ang pinto. Akala ko si Sir na, hindi pala. 

"Hey Rhica what's up?"

 

"Long time no see.. b!tch.."

 

"Gumaganda ka girl!!"

Si Rhica ang pumasok, yung tindig talaga niya akala mo isa siyang professional model, hindi ko makakailang maganda talaga siya. Medyo bilugan ang kangyang mga mata na may pagkasingkit, maputi, matangos ang ilong. Kaya nga lang lagi siyang naka-make-up hindi tuloy nakikita yung natural niyang ganda, katulad ngayon. Ang dami niyang suot na burloloy sa katawan.

Ngumiti si Rhica at inilibot niya yung paningin sa loob ng classroom.  At huminto ang tingin niya sa diretsyon ko. Ngayon naman naka-taas na yung kilay niya, naglalakad na siya. I think pupunta siya sa'kin.

Tama ako.. Sa akin nga niya pumunta, pinagkrus niya ang kanyang dalawang braso sa dibdib bago niya inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

Nakikipagtitigan siya.. Kaya nakipagtitigan din ako..

Inilayo niya na ang mukhang niya sa'kin sabay umiling-iling.

"Anong panama mo sa'kin Yenelle? Look at yourself! You look like janitress." maanghang niyang sabi. Ayos ha, ngayon lang kami nagkita, at ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ko, tapos ganyan kaagad ang bungad niya.

Oo, alam ko napaka-simple lang ng ayos ko ngayon. Naka-tshirt lang ako, maong pants saka rubber shoes tapos naka-ponytail yung buhok ko. Pero ayoko ng sinabi niya e. Anong akala niya sa'kin papatalo?

Tinignan ko rin siya sa pinakaboriiing na paraan. "Eh, ikaw Rhica anong panama mo sa'kin? Look at yourself! You look like a clown." ginaya ko kung paano siya nagsalita.

Don't Blame Me, Blaine!Where stories live. Discover now