Chapter 1

169 10 0
                                    

"Sir. Hwag na lang po ako, hindi ko alam gagawin mamaya."

"Hwag kang magreklamo, kung ayaw mong cinco ang ibigay ko sayo." nakangising sabi ni Sir.

Hindi na ko nagsalita, takot ko lang kay Sir. Tamayo e.

Lumapit sa'ken ang baklang hindi ko alam ang pangalan, basta ang alam ko lang I.T rin ang course niya, sunod si Sandra. Hinawakan nila ko sa braso. "Halika na gurl, para maayusan ka na." sabi ni bakla. Tinignan ko lang siya. "Ayy nagmamaganda oh." sagot niya sa naging reaksyon ko.

"Sige na Andrade tumayo ka na diyan, madali lang naman gagawin mo dun e, rarampa ka lang, tapos nun, tapos na!" tinignan ko lang din siya, wala akong reaksyon sa mga pinagsasabi nila.

"Pag hindi ka pa tumayo, ako na ang kakaladkad sayo!" napatayo ako bigla sa sigaw ni Sir. Tamayo. "Tatayo rin pala ang dami pang arte." dugtong pa niya. 

Sinuot ko na ang black jansport bag ko, at nagpatianod na kay Bakla at kay Sandra.

NAKARATING na kami sa likod ng covered court. Hindi ko akalain na may malaking kwarto pala rito, parang pinasadya para sa mga ganitong event, yung ibang muse ng ibang college nandito na rin para ayusan, pero may mga harang na curtain para hindi makita kong anong ginagawa sa kanila.

Sinimulan na kong ayusan ng bakla. "Uy, teh pag rumampa ka naman mamaya, try mo naman ngumiti." sabi niya habang nilalagyan niya ko ng concealer.

"Bakit parang napaka-big deal naman ng pagiging muse, marami pa naman activities na pwedeng bigyang pansin ah." sabi ko sa kanya, pero si Sandra ang sumagot. "kasi Andrade last year ang nanalo ay ang CBA kaysa CIT, lamang lang kasi sila sa overall score na 95.4, tapos ang CTI 95.2 diba nakakapaghinayang, kaya ngayon taon babawi tayo, mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking activity dapat pagtuunan ng pansin."

Every year daw kasi pag Foundation Week, magkakalaban ang CIT, CBA at yung iba pang college, madalas daw manalo ang CBA. No doubt. Nandoon ang anak ng may-ari ng school e.

"Bakit hindi na lang si Nica Cador ang kinuha niyo? Di hamak na mas maganda yun kaysa sa'ken" 

Para kasi sa'ken si Nica Cador ang pinaka maganda sa College of Information Technology, lagi siyang nakangiti idagdag pa ang kulay blue niyang mata.

"Ayy teh, di na pwede si Nica, panlaban na natin yun sa Ms. Yellow Blaine University (YBU)"

Tumango na lang ulit ako. "Sino nga palang escort ko?" 

"Wala kang partner teh, pero hwag kang mag-alala kasama mo naman ang captain ball natin na si Sep Bartolome, UAAP kasi ang peg mamaya, bawat basketball player ng college rarampa kasama ang muse nila, kaya ikaw pag nandoon ka na ngumiti ka kasama mo naman si Sep tapos nasa likuran mo pa ang CIT Basketball team, galingan mo mamaya ah."

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Bakla.

Nilagyan ako ni Bakla ng nagmumurang redsliptick. "Sobrang pula naman ata ng lipstick ko?" 

"Okay lang teh, bagay sayo kasi ang puti mo, malamang pag ikaw na ang rumampa nganga silang lahat sayo." 

Don't Blame Me, Blaine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon