Chapter 6

149 8 6
                                    

"Woooh! Go Caleb!" sigawan ng mga kababaihan at kabaklaan.

Kahit kailan talaga wala akong hilig sa basketball, kanina pa dapat ang oras ng uwi ko pero kinukulit ako ni Caleb na panoorin ko raw ang practice nila, kaya ngayon nandito ako sa court nanonood sa kanila. Partida nga e, practice lang yan pero ang estudyanteng nanonood ang dami.

May dumaang dalawang estudyante sa harap ko mukhang manonood din sila ng practice, sa tingin ko may relasyon sila, ang sweet kasi nila sa isa't-isa. Yung girl may dalang flowers, tapos si boy naman bitbit ang bag ni girl. Dito pa talaga nila naisipan mag-date.

Napatitig ako sa flowers na hawak ni girl. Naalala ko na naman tuloy yung Melody of Flowers, hanggang ngayon kasi may hang-over pa rin ako sa ganda ng lugar na yun. Napaginipan ko pa nga yun kagabi e. Na nandoon daw ako, nakasuot ako ng gown tapos tumatakbo-takbo habang tumatawa at paikot-ikot sa gitna ng mga bulaklak yung panaginip ko parang pang fairytale lang.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumalabit sa'kin. Pag tingin ko, si ano pala. Teka, ano nga bang pangalan nito? Eto yung baklang nag-ayos sa'kin nun lumaban ako para sa muse ng college namin e. 

Ngumiti siya sa'kin, kaya ngitian ko rin siya. Umupo siya sa tabi ko. 

"Kumusta ka na 'teh?" tanong niya pero ang mga mata niya ay nasa laro.

"Okay naman." sagot ko. 

Tumingin siya ulit sa'kin "Good influence talaga siya sayo nu?" saad niya. Napa "Huh?" lang ako sa sinabi niya.

"I mean 'teh si Caleb, good influence sayo.." wika niya. 

Etong baklang 'to kung kausapin ako akala mo close kami, ni hindi ko nga alam yung pangalan niya e. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

Tumingin na ulit siya sa mga nagpapractice "Heller.. ikaw kaya si Ms. Pokerface, yung kahit tawagin mo, kahit ngitian mo, walang reaksyon. Pero mula nang maging mag jowa kayong dalawa ni Caleb my love, may reaksyon ka na lagi, nakikita ka na namin ngumiti, mainis, magalit. Narinig ka na rin namin sumigaw. In short may reaksyon ka na." mahabang paliwanag niya.

Hmm. Oo nga nu? Medyo bumabalik na yung tunay kong ugali, hindi ko na rin masyadong naiisip ang mga nangyaring hindi maganda sa'kin. Dapat bang matuwa ako dahil paunti-unti na nababalik ni Caleb ang dating ako?

"Tsaka 'teh, siguro kung hindi mo kilala yan si Caleb my love, tapos kinausap kita ngayon. Malamang sa malamang 'teh, di mo ko kikibuin."  dagdag pa ng baklang 'to.

Napatingin tuloy ako bigla kay Caleb na busy sa paglalaro, napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti si Caleb sabay kindat. 

Ito namang baklang katabi ko nagtitili habang pumapalakpak pa.

"Teh, nakita mo yun? Nakita mo yun? Grabe. Ang gwapo talaga! Yiieh!!" nangingisay na sabi niya. Nakakatawa yung reaksyon niya.

Pero infairness ah, medyo magaan yung loob ko sa kanya.

"Pero 'teh maiba tayo ng usapan, nakita mo na ba?" tanong niya, at binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.

Don't Blame Me, Blaine!Where stories live. Discover now