10

3 0 0
                                    

Chapter 10
Possesive

Nemesis POV

"Nay una na po ako. Babay po" Paalam ko kay Nanay Helena. Tumango lang ito sakin. Nitong mga nakaraang araw halos hindi na talaga kami nagkakaabot ni Nanay sa bahay. Palagi syang umaalis. Pero pag uwi ko naman sa bahay ay may luto na ulam. Siguro may nakuha na si Nanay Helena na stable na trabaho bukod sa pagiging labandera.

Maaga ako ngayon kasi itong si Belle nagpapasama bumili ng outfit namin para sa sayaw.

Ganto kasi yon. This whole week kasi foundation namin. Si Prof. Avelino tinawag kaming dalawa ni Belle bilang representative ng SHS HUMMS. Ang gagawin namin ay sasayaw. Sa una hindi kami pumayag kasi hindi naman kami sumasayaw pero dahil required daw kaya napilitan kami. Kaya itong si Belle nagpasama sakin para may harmony daw yung outfit namin. Kaya eto ako ngayon papunta sa Condominium nya.

Ano ba kasi yung unit nya? Potek nakalimutan ko na.

Ay ayon 024. Andito na ako. Nag doorbell na ako at pagkatapos ng ilang minuto ay binuksan na ni Belle yung pintuan.

"O my ang ganda ng outfit mo girll" Bungad nya sakin sabay beso. Etong babae nato ang hilig mang beso. Pwede namang apir na lang kami.

"Ikaw din. Teka ikaw lang nakatira dito?" Takang tanong ko sakanya. Ang lawak kasi nitong unit nya. At pansin ko ang manly nung design. Teka tomboy ba sya?

"I know that look. Hindi ako tomboy." Sabi nya saakin. Okay okay sorreh medyo judgemental.

" Kasama ko dito si Alexander,David ag Alfonso. Dito kami lahat nakatira. Condominium kasi to ni Alexander." Maikling sabi sakin ni Belle. Ah kaya pala.

"Ahh ganun ba. Anong oras ba punta natin sa mall. 9:30 am pa bukas non e." Sabi ko sakanya.

"Sige mag plano na lang tayo doon sa dining table" Sabi nya sakin sabay hatak papunta don sa dining area nila.

Doon ko nakita si David, Alexander at Alfonso na kumakain ng Pancake. Napansin ko din yung babae na nasa mid-forties na siguro. Ang ganda nya grabe. Sana pag gurang na ako ganyan pa din ako ka-fresh. Siguro mama to ni Belle.

"Hello po" Bati ko don sa Mommy ni Belle. Ngumiti ito sakin sabay sabi na "O my iha ang ganda mo naman" Sabi nya sakin at bigla nya akong niyakap. Nagulat naman ako doon.

"Ay hindi naman po " naiilang na sabi ko sa mommy ni Belle.

"Osya sabayan mo na silang kumain, umupo ka na don sa tabi ni David" Sabi sakin nito.

Okay bat pa sa tabi nya?! Nahihiya ako. Hindi ko alam kung pano ko sya iapproach about sa nangyare nung nakaraan. Should I say Hi? O wag na? Bahala na nga.

Umupo na ako don sa bakanteng upuan sa tabi ni David. Mabuti na lang at katapat ko si Belle.

Nilapag na nung mommy ni Belle yung pancake sa harap ko at ngumiti naman ito saakin.

"Ah e ma'am" may sasabihin pa sana ako ng biglang nagsalita yung mommy ni Belle.

" Call me Tita iha, kaibigan mo naman yung anak kong si David e" Sabi nya saakin. ANO?! MAMA SYA NETONG KATABI KO!! (☉。☉)!

Ampotek akala ko mommy sya ni Belle?!! OmygHad! All this time akala ko mommy sya ni Belle. Nakakahiya ka self!!!

"Ah e Thank you po Tita sa pancake" nahihiyang sabi ko sakanya. Ngumiti ito sakin at pumunta sya sa pwesto nya sa hapagkainan.

Tinikman ko yung pancake. Syet ang sarap. Nagutom ako bigla ah. Habang kumakain ako nagkwentuhan muna kami ni Belle.

"Ganda ng outfit ah" Belle.

Playful DestinyWhere stories live. Discover now