7

1 0 0
                                    

Kabanata 7
Pagtakbo

Okay self *inhale* *exhale* kaya mo yan self sasabihin mo lang yung mga basic information about kay Tata Jose. Then bahala na si Prof. Avelino sa grade, woohh grabe kinakabahan talaga ako.

"Nemesis are you okay?" Sabi ng katabi ko na english ng english na mas dumagdag lang sa kaba ko(─.─||)  Hindi ko na lang sya pinansin at nag concentrate na lang ako sa irereport ko mamaya.

"Good Morning everyone, please take your seat at magsimula na kagad tayo sa reporting nyo. Let's start with Nemesis and David. After nila Alexander and Hart.

"Okay bale ang ininterview po namin ay si Tata Jose. Sya po yung nagtitinda ng fishball sa labas po ng campus." Grabe kinakabahan talaga ako.

"Sige na ako na ang magpapatuloy ng report pakinggan mo na lang ako pag may mali, sabihin mo" bulong saakin ni Lienzo.

Gaya ng sabi nya sya na ang nag report ng gawa namin at tama naman lahat ng na report nya.

Natapos na kaming lahat mag report at after naman ng klase ni Prof. Avelino e wala ng klase kase may preparation na magaganap kasi Foundation Day na Next Week. Yung mga member ng student council nagmemeeting na habang kami na normal na student e nagiintay muna ng mga gagawin.

Hayy maka punta nga muna sa canteen. Nagugutom na ako. Naubos ata energy ko sa report kanina hehehe kunware ako nag report HAHAHAHHA.

"Ahm Nemesis? Pwede ba kitang makausap?" sabi ni Lienzo na nasa tabi ko. " Oo naman. Tungkol saan ba?" tugon ko sakanya "Kasi im curious about your eyes" sabi ni Lienzo.

No it can't be!!! " Ahm Lienzo pwede ba sa ibang araw ko na lang sasagutin yung tanong mo? hehehe may emergency kasi sa bahay e. O sige babay na" pagsisinungaling ko sakanya. shit! myghad self mag cucutting classes ka talaga? dahil lang don? potek na mata kasi nato e.

"Oh anak? bakit ang aga mo ngayon? mag 12 pm. pa lang ah. E diba 4:30 ang uwian nyo?" Bungad sakin ni Nanay Helena ng maabutan nya ako na nakaupo sa sofa.

"Nay Helena? Tama po bang takbuhan ko na lang yung katotohanan na hindi ako pwedeng mabuhay katulad ng normal na teenager?" malungkot na tanong ko kay Nanay Helena. Gusto ko lang naman maging normal yung walang responsibilidad at katungkulan  na aalalahanin. Nagiging delikado na din ang pamunuhay namin ni Nanay Helena dito sa Pilipinas. Nararamdaman ko na hindi na rin tatagal at mahahanap na din nila ako.

"Anak mahirap man tanggapin pero kailangan mo din gawin ang nararapat. Hindi habang buhay tatakbuhan mo ang problema. Kailangan mong harapin iyon. Sa pagharap mo sa problema na iyon kasama mo ako. Andito lang ako para sayo anak. Mahal na mahal kita kahit hindi tayo magkadugo. " sabi ni Nanay Helena sabay halik sa noo ko.

Doon na ako napahagugol. Binuhos ko lahat ng bigat na nararamdaman ko sa mga oras na yakap ako ni Nanay Helena.

Tama nga si Nanay Helena. Hindi ako panghabang buhay na tatakbo at magtatago sa mga problema. Kailangan kong harapin ito.

Lienzo POV

"Ahm Lienzo pwede ba sa ibang araw ko na lang sasagutin yung tanong mo? hehehe may emergency kasi sa bahay e. O sige babay na" sagot saakin ni Nemesis sabay takbo papalabas ng canteen.

Alam kong nagsisinungaling sya saakin. Nararamdaman ko na nagkaganon sya dahil sa tanong ko. Hindi ko mawari pero alam kong hindi basta basta ang kulay ng kanyang mata. Parang nakita ko na ito dati.

Out of 100 percent, 0.1 lang siguro ang chance na tama ang hinala ko na baka isa syang member ng royal families sa Italy. Pwede din namang nagkataon lang na ganun yung kulay ng mata nya.

Kailangan ko kaagad tong ireport kayla mom and dad. Baka sakaling matulungan nila ako kung tama nga ang hinala ko.

I was about to call them nang biglang tumawag si Alexander.

A : "Hello David? "
D: " Ow, yes man? why? "
A

:"where the f*ck are you?!!! It's already time for classes!"


shit! oo nga pala may klase pa.

D: " Im here outside of the canteen, papunta na ko dyan"


A:"Idiotà"

He ended the call. Kahit kelan talaga walang filter ang bibig non.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang umabot ako sa classroom pero pag dating ko dun ay kakaunti lang ang studyante sa room namin. At nag istart na din mag sulat ng lecture namin si Mrs. Villanueva at mukhang di naman nya ako napansin na late pumasok sa room ay kaagad akong umupo sa tabi ni Alexander.

Tinanong ko ito kung bakit konti lang sila sa classroom. Ang sabi nya ay pinalabas ni Mrs. Villanueva lahat ng late sa klase nya. Buti na lang ako hindi nya napansin HAHHAHAHA.

Nagstart na akong mag jot down ng notes para hindi halatang late ako. Natapos ang araw ng ganuon lang. Hindi na rin bumalik si Nemesis. Baka talagang may emergency ito sa bahay nila.

A/N:

Finally natapos ko yung chapter nato. It contain 800+ words yeah i know masyadong maikli. Medyo sabaw at magulo pero dont worry in the next chapter some of dirty secrets might reveal!!!! Thank you for reading this story.

Playful DestinyWhere stories live. Discover now