1

7 1 0
                                    

"sciocco! Non ti ho detto di uccidere tuo figlio! Basta appenderlo nella villa! (mga tanga! hindi ba sabi ko sainyo patayin nyo yung putanginang bata na yon! ampon lang yon sa mansion na'to!)  Rinig Kong sabi Ng isang matanda. Nakakatakot Ang boses nya pero hindi ko maaninag ang mukha nya kase nakatalikod ito.

Nagtatago ako dito sa isang malaking vase Hindi kalayuan Kung saan ko narinig ang paguusap Ng isang matanda at 2 lalaki na puro nakaitim ang suot. 

" Sei in ritardo! Stai solo guardando il senorita che stavamo cercando."  (Huli ka! andyan ka lang pala senorita kanina pa kita hinahanap.) Sabi ng Yaya ko. Base kase sa pananamit nya na maid outfit at saka hinahanap nya daw ako.

Duhh natural lang na magtago ako. Bata Kaya ako. May sinasabi pa syang Kung ano Hindi ko na Lang sya pinansin. Hanggang sa parang lumilindol!

Hala ano nangyayare? Teka Hindi ko pa alam Kung sino yung nagsabi ng papatayin daw Yung bata?

Nemesis...


Nemesis...



"Nemesis anak gising na, kumain ka na ng almusal mo at papasok ka na. Lunes ngayon" Nagising ako kaagad nang marinig ko agad ang tinig na iyon.  " Nanay! Pasensya na po. Hindi po kaagad ako nagising Ng maaga. Hindi ko tuloy kayo natulungan mag luto Ng almusal masama pa Naman sainyo ang mapagod. Baka atakihin kayo Ng asthma niyan. Baka iwan nyo rin ako :( " malungkot na sabi ko Kay Nanay Helena. Ngunit ngumiti lang sya saakin.

  Agad akong bumangon sa kama ko at agad dumiretso kaagad sa banyo. Hanggang ngayon natatakot pa din ako na mangyari na baka atakihin si Nanay ng Asthma at iwan nya rin ako. Ayoko Ng maranasan ulit iyon.

Pababa na'ko Ng hagdan papunta sa kusina nang maalala ko Yung panaginip ko kanina. Pilit Kong inaalala or Should I say inaaninag Yung mukha nung matanda na'yon. Pero kahit anong gawin ko Hindi ko padin maalala. Bago ako umupo sa hapag-kainan kumuha nako Ng plato, kutsara, tinidor at baso. Ako na din ang nagayos neto. Ayoko talagang pagurin si Nanay Helena Kaya ginagawa ko lahat Ng makakaya ko para matulungan sya kahit sa maliliit na Gawain dito sa bahay tulad Ng pagwawalis sa harap at loob Ng bahay, paguurong at pag-hahanda dito sa hapag-kainan.

"Halika na't umupo ka na anak. Ako na ang bahala sa mga yan. Pagkatapos mong kumain. Dumiretso kana kaagad sa School mo baka malate kapa nyan. Mahirap na baka ma-guidance kapa nyan sa edad mo na Yan. Nako! Hindi na ako makakapunta nyan baka magustuhan na Naman ako Ng guidance councilor nyo!" Sabay tawa na Sabi ni Nanay Helena.

Nakakatawa man pero totoo iyon. Nagustuhan Ng Councilor namin sa school si Nanay Helena . Nagulat pa nga ako at mga kaklase ko nung hinawakan Ni Mr. Gomez (guidance  councilor) Yung kamay Ni Nanay Helena at hinalikan Ang ibabaw Ng kamay neto. Jeez!  Kung sa bagay Hindi pa Naman ganun ka tanda si Nanay Helena. 59 years old Lang Naman sya! Pero nako wag ka may Asim pa din Naman daw sya hahahahha! Mangha ako Kay Nanay Helena kahit Hindi ko sya tunay na magulang naramdaman ko Naman na tunay nya Kong Mahal at inaalagaan nya ko na parang tunay nyang anak.

Tumatakbo na ako papuntang classroom namin. Sh*t late nako. Traffic kase kanina! Akalain mo yun may libing pa Kong naabutan. Jeez! Ganon ka-aga! Pero infairness ah madaming nakipaglibing.

"Miss De Luca! You're late! Hurry up! Sit down and get one-fourth sheet of paper!" Sigaw saakin ni Prof. Avelino. Dang! Nakakatakot talaga sya pag-galit. Jeez! Buti na Lang at Hindi ako dinadaan ngayon.

  " We have a quiz today! Sa mga babagsak sa quiz na'to pumunta kayo sa Faculty at doon ko ibibigay ang mga extra activities nyong gagawin para pumasa kayo. Tandaan nyo ako Lang and nagcocompute Ng grades nyo! Kayo Ang nagbibigay sa sarili nyo Ng grado. Kaya choice nyong pumasa o bumagsak!" Tuloy tuloy na sermon nya samin.

Nako! Mukhang Alam ko na Kung bakit parang menopause tong si Prof. Avelino. Mukhang may nagreklamo na naman na parents sakanya about sa bagsak na grades.

Buti na Lang at nakapagreview ako sa subject nyang  INTRODUCTION TO WORLD RELIGION AND BELIEFS SYSTEM. Malapit nakong magcollege. Senior High school nako.

Anyways, my full name is Nemesis Bianchi Stavros De Luca. 17 yrs. Old. Sa school na to mas kilala ako na Nemesis De Luca Lang Ang full name. Ayaw ko kaseng matunton  nila ako. Ay nako! Longggg day na Naman eto. Sana Lang maka-pasa ako sa quiz nato. Feeling ko pag bumagsak ako may freebie pa na sermon si Prof. Avelino huhuhu! Ayoko talaga sya pag-nagagalit para syang mangangain.

"Bye bye Nemesis! See you tomorrow! Wag mong kalimutan Yung report natin sa Discipline and Ideas in the Aplied Social Science ahh! Alam mo naman na sayo kami umaasa pagdating dyan!" Sabi ni Lily bago sya lumabas Ng classroom.

Si Lily ay ka-grupo ko sa report bukas.Hindi kami ganun ka-close kase Hindi ko Lang feel Ang aura nya, mahilig kase sya sa mga party o Kaya palagi syang nasa mga fancy restaurant or coffee shop kasama Yung mga fancy friends nya. Pero hindi naman sya masama pero may attitude din base Naman sa mga observations ko sakanya silver spoon syang pinanganak Kaya ganun. Kahit papaano Naman nagkakasundo Naman kami pagdating sa mga Academics.

Ako kase ang naatasan na leader Ng grupo Kung kayat dapat mas marami 'daw' akong alam. Jeez!  Puyatan na Naman this!

Naglakad na Lang ako pauwi. Kase 5:30 Naman ako nakalabas kanina sa school. Dumaan din ako dito ngayon sa Palengke para bumili Ng mga sangkap sa Sinigang na Baboy. Paborito kase ni Nanay Helena to. Panigurado matutuwa yon. Kahit papaano Naman ay may ipon ako na naitabi at may pasobra pa Kaya bibili na ko. Mahirap na baka walang stock na sangkap sa ref. Malayo pa naman tong palengke sa bahay. Naalala ko pa noon, noong unang luto ni Nanay Helena sakin sa mansion.  Yun ang unang tikim ko na Filipino Food. At sobrang sarap pala!

"Nay! Nay Helena? Andito na po ako! Nay? Nay? Asan po kayo?" Sigaw ko sa loob Ng bahay namin. Maliit Lang itong bahay kayat rinig na rinig Ang sigaw ko. Pero Ang ipinagtataka ko. Hindi sumasagot si Nanay Helena! At hindi ko rin sya Makita! Jeez! May nangyare kayang masama! Nako, Hindi to pwede. Umiiyak nako ngayon kase baka may Kung anong nangyare Kay Nanay Helena.  Nang biglang...

"Nemesis anak? Andyan ka naba?" Bungad ni Nanay Helena sa pinto. Kaagad ko syang niyakap at duon mas lalong bumuhos Ang luha ko. Hindi ko na mapigilan Yung mga hikbi ko. Sobrang kinabahan talaga ako. Akala ko may nangyare na Kay Nanay Helena.

"Anak? Bakit ka umiiyak? Tahan na. Hushh. Andito Lang ako" pagaalo sakin Ni Nanay. Niyakap ko sya Ng mahigpit hanggang sa mahimas-masan ako.

"Nanay Naman eh? Saan po ba kayo galing? Alang alala po ako sainyo. Baka Kung ano na po ang nangyare sainyo " tinignan ko si Nanay Helena at bagya Lang syang ngumiti saakin. Alam Kong may problema pag ganun Ang ngiti nya.

"Nak? Naman nagtext ako sayo. Diba magpupunta ako Ng bangko . Sinigurado ko Ang text ko na iyon. Dalawang beses ko iyon sinend sayo" natawa Lang ako sa sinabi Ni Nanay Helena. Kahit kelan talaga mapagbiro tong si Nanay. " Nay? Pasensya na po hindi ko po na-i off Yung silent sa phone ko. Kayat Hindi ko po nakita Yung text nyo." Sabi ko Kay Nanay Helena. Pero nang tignan ko sya. Tulala Lang si Nanay. Kinalabit ko sya sakanyang braso at sabay sabing " nay? May problema po ba? "

"Anak? Wala na tayong pera. Mukhang ginigipit Tayo Ng Lolo mo para bumalik ka sa mansion nyo. " Malungkot na sabi ni Nanay. Hindi! Hindi nako babalik don! Ganyan ba talaga sila kasama. Pinatapon nila ako dito sa Pilipinas tapos ngayon gigipitin pa nila kaming dalawa Ni Nanay Helena! Mga walang puso!

"Anak may pinadala silang sulat saakin. Hindi ko Alam Kung Sino Ang nagpadala pero ang Nakalagay Doon  hinahunting Tayo ng Lolo mo. Gusto na nya na bumalik kana daw sa mansion nyo. Dahil sila daw Ang totoo mong pamilya.



A/N:

I used Google translation para sa mga Italian words. So... Expect nyo na pag sinerach nyo Yan may mababago sa the way na pagkakatranslate. Anyways! Thank you for reading this hahahah! Keep Supporting and reading this story! I write this story for FUN and also sa ikakatahimik Ng IMAGINATION ko! Don't forget to hit the star button to vote this story!

Playful DestinyWhere stories live. Discover now