CHAPTER 26 : FLEE FROM DOOM

1 0 0
                                    

A/N: Paulit ulit ko tong sasabihin, this work is not perfect and when you say not perfect, imperfections are always visible in every chapter as you can READ, kaya please and please ignore or mas better kung intindihin mo na lang kung ano ba talaga ang pinopoint out ko dyan sa mga typos o grammatical errors na nakikita at makikita mo.

But anyways, lagi ko rin itong uulitin.

Thank you, thank you, Thank you for being with me and with this story 💞

Hell like reading!😁

*****

AS SHE OPEN HER EYES, she saw blurry white surroundings and she has no idea of where she is right now. Not until a girl with her white uniform enters the room and asked her if how she feels.

Sana lahat ng tao may pakialam pa sa kapwa nila kung ano man ang nararamdaman nila ngayon. Kasi, kadalasan, sa panahon ngayon mismong kapwa mo pa ang gumagawa ng paraan para saktan ka. Minsan, yung akala mong kilala mo na at yung alam mong hinding-hindi ka sasaktan, sila pa pala yung mananakit sayo ng dahan-dahan habang hindi mo nalalaman. Sasaktan ka nila patalikod hanggang sa mamalayan mo na lang na sobrang laki na pala ng naidulot nilang sugat sayo.

“Miss, okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?” Ulit na tanong ng isang babaeng nurse na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

“O-okay na po ang pakiramdam ko.”

“Mabuti kung ganon, wala ka ng itetake na gamot, pahinga na lang ang kailangan mong gawin. Pwede ka na rin umalis, kung gusto mo. Basta, don’t forget to take rest.”

Tumango lang siya bilang sagot.

Dahan-dahan na siyang bumangon habang itinatanggal ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Inaasahan niyang mararamdaman niya ang kirot sa kaniyang katawan na natamo niya kanina sa basement pero wala siyang naramdaman. Para bang walang nangyaring pananakit at pambubugbog sa kaniya kanina. Marahil ay epekto lang ito ng gamot na inilagay o pinainom sa kaniya habang wala siyang malay.

Tiningnan na lamang niya ang kaniyang katawan at hinanap ang mga malalaking pasa na natamo niya, pero wala siyang gaanong nakita sa katawan niya, kung meron man, iilan na lamang ito at hindi na gaanong klaro. Pero bat ganon? Alam niyang marami siyang pasa kanina, base lang sa natanggap niyang pambubugbog, malamang ay puno na siya dapat ng pasa ngayon.

Napalingon siya sa nurse na naroroon pa rin sa silid, nag-aayos ito ng mga gamot na naroroon.

“Miss Nurse, pwede po bang magtanong?”

Nilingon naman siya nito saka agad lumapit sa kaniya.

“Yes, ano yun?”

Nagdadalawang-isip siya sa tanong na dumapo sa utak niya. Pero nagawa niya pa ring buksan ang bibig at magsalita.

“Kanina po ba nung dinala ako dito, ano pong itsura ko? Marami po ba akong pasa?” Nag-aalinlangan niyang tanong rito.

“Yes, medyo puno ka nga ng pasa kanina. Why?” Direktang sagot nito na parang wala lang.

“Eh, kung ganon, asan na po yung mga pasa ko? Ba't parang biglang nawala?” Ani niya habang sinusuri pa ang sariling katawan, baka kase nakaligtaan o di kaya medyo malabo pa rin ang mata niya kaya hindi niya nakita ang mga pasa.

“So you mean, naaalala mo ang nangyari sayo kanina?” Singit sa usapan ng bagong dating na ginang na base sa itsura at pananamit nito, isa itong doktor.

Tumango lang siya bilang sagot.

Nakita niya na parang matalim na tinitigan ng doktor ang nurse dahilan para magbaba ito ng tingin. Kalaunan, umalis rin ito agad at iniwan silang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel's Evil RevengeWhere stories live. Discover now