CHAPTER 21 : MERCILESS DEATH

5 3 0
                                    

A/N:
I'm really really sorry dahil ngayon lang ako ulit nagparamdam. Masyado lang talaga naging busy lately tapos marami pang nangyari, I hope you understand..

Anyways, HELL Reading po 🖤

*******

TWO DAYS HAD PASSED, but she’s still asking her own friggin’ mind on why it can’t stopped from being cat the curious.

Lagi na nga niyang sinasabi dito na walang patutunguhan na malaman pa niya kung anong nangyari sa gabing iyon dahil hindi iyon makakabuti sa kaniya. She trusts Psych because he knows better than her.

Dapat magpasalamat na lang siya na hindi na niya iyon nalaman pa dahil baka pagsisihan pa niya iyon ngayon.

Sinusubukan niya ngayong matulog dahil wala rin naman na siyang gagawin pa. Ipinikit na niya ang mga mata nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Isinuot niya muna ang kaniyang salamin na nasa bedside table bago kinuha ang cellphone. Nang makita kung sino ang tumatawag, agad niya iyong isinagot at bumati rito.

“Magandang gabi po Ma’am Mildred, napatawag po kayo, ano pong atin?”

“Diba nabanggit mo sakin kanina sa café na bukas na ang dalaw mo sa mga magulang mo?”

“Ahh, opo ma’am, bukas na nga po.” Sagot niya rito habang bahagyang tumatango-tango pa.

“Oh, that’s great! I actually picking the flowers from my garden and starting to arrange it. Idadaan ko na lang diyan bukas sayo.”

“Naku po, di na po kailangan! Nakakahiya na po sa inyo. Dadaan na lang po ako sa café para kunin yan.”

“Ano ka ba Angel? It’s okay, dumadaan naman din talaga ako sa bahay nyo palagi kapag pumupunta ako sa café.”

“Wag na po kayong mag-abala, ako na po ang dadaan sa café.” Pagpupumilit niyang sabi sa ginang. Nakakahiya na kasi kung ito pa ang magdadala ng bulaklak na ibinigay nito sa kaniya.

“Fine, ikaw na ang kukuha. // Natatawa pa ito habang sinasabi iyon sa kaniya.// Anyways, napansin ko lang, matagal ka nang nagtatrabaho  sakin at maraming beses na kitang pinayagan na dalawin ang mga magulang mo, pero ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala kilala ang parents mo maliban sa mga kwento mo sakin tungkol sa kanila. I mean, alam kong wala na sila kaya hindi ko na sila makikita, pero mga pangalan at itsura nila di mo pa naipakita sakin. So tell me, ano pala ang pangalan ng mga magulang mo?”

“Ahm. Si Miraculo Lastimosa po ang tatay ko at Blessilda Lastimosa naman po ang pangalan ng nanay ko.”

Ilang minutong natahimik ang kabilang linya. Ilang beses siyang nagsalita pero walang sumasagot sa kaniya. Di nagtagal ay biglang naputol iyon na ikinakunot ng noo niya. Tiningnan niya ang kaniyang screen at nakita niya sa may taas nito ang dalawang guhit lang na linya. Mahina ang signal ngayon, marahil ito ang dahilan kung bakit biglang nawala ang kaniyang kausap sa kabilang linya. Hay naku! Pilipinas, baka naman, pakiayos  ang signal services dito.

Napailing-iling na lamang siya sa naisip. Ibinalik na niya ang cellphone sa bedside table at sinunod naman niya ang salaming nakasuot sa mata.

Sa pangalawang pagkakataon, sinubukan niya ulit matulog at sa wakas nagtagumpay na siya.

BIGLA SIYANG NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa may kanina pang kumakatok sa labas ng gate ng bahay niya.

Kaya agad siyang napabalikwas ng bangon at kinakati pa ang sariling ulo habang naglalakad palabas ng bahay. Nang mabuksan niya ang gate, at makita kung sino iyon, mabilis pa sa alas kwatro niyang inayos ang kaniyang itsura sabay ayos na rin sa kaniyang pagkakatayo.

Angel's Evil RevengeWhere stories live. Discover now