CHAPTER 22 : BACK TO PU!

4 2 0
                                    

A/N:

Bilang pambawi, dalawang chapters ang inupdate ko this week.. I hope I already made it up to you.. sorry again for he very slow update..

******

ANG BILIS TALAGA NG ISANG LINGGO. Angel didn’t even noticed it. She just realized it when her boss told her that it’s already noontime and she must leave the café then go to school.

Alam kasi ng ginang na pumupunta siya ng school kapag tanghali na. Kaya ngayon, imbes Pierno ang direksyon niya, napilitan siyang umuwi na lang muna ng bahay para kunin ang kaniyang gamit pati na rin ang uniporme na susuotin niya ngayon.
Maybe her mind still can’t absorb things that unexpectedly happened on those tragic past days.

After wearing her uniform and getting the stuffs needed. She hurriedly lock her house and run her way to Pierno.

Pwedeng pwede na siyang maging girl version ni Flash dahil sa bilis ng pagkakatakbo niya papuntang paaralan. Kung sa normal na lakad pa iyon, aabutin siya ng lapas kalahating oras bago makarating sa Pierno. Pero siya, labing-limang minutos lang ang tinagal, kasing tagal iyon ng karaniwang lakad niya lang mula café patungong school.  She won’t be surprised anymore because in the first place, she’s not normal! But maybe abnormally normal.

Halos maubusan na siya ng hininga dahil sa sobrang pagod. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya, kasabay nito ang pananakit ng magkabilang tagiliran niya.

“I bet you need this.” Boses iyon ni Hellton sabay abot ng isang bote ng tubig. Medyo nakayuko kase siya habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib, pero kahit ganon alam niyang si Hellton ang lalaking nasa harap niya. Di na siya nag-angat pa ng tingin sa binata bagkus hinablot na lamang niya ang hawak nitong bote ng tubig na nakabukas na pala kaya walang ano-anong nilagok niya ito na para bang ito lang ang tanging bagay na kailangan niya ngayon higit sa kahit na ano pa mang bagay sa mundo.

Wala siyang pakialam kahit magkalat pa ang tubig sa bibig niya at magmisutla siyang batang hindi marunong uminom ng tubig. Basta ang importante sa kaniya ngayon, ay mapatid ang matinding uhaw na nararamdaman niya.

Pero mas nabuhos pa iyon sa katawan niya ng bigla siyang hilain ni Hellton papunta sa isang pamilyar na silid, ito rin ang silid kung saan siya dinala ni Hellton nung sinabi nitong maglalaro siya para sa Pierno’s Week na iyon. Isinara  ang pintuan pagkatapos nilang makapasok.

“Ba’t mo 'ko hinila? Pwede mo naman akong sabihan muna eh, sasama naman ako.” Naiinis na saad ni Angel habang panay pa rin ang sunod-sunod nitong paghinga ng malalim.

“I saw someone getting closer to our direction. They must’ve not seen us together, you know that, right?” Sagot naman ni Hellton sa kaniya saka may kinuha itong bagay sa bulsa niya. Isa itong panyo at inabot nito iyon sa kaniya.

“Here. I’m so sorry, just let it dry first.” Ani nito habang nakatingin sa kaniyang basang damit.

Kinuha naman niya iyon at nagsimulang punasan ang basa niyang bibig, leeg, hanggang sa kaniyang damit.

Samantala, umupo naman si Hellton sa sahig habang nakasandal pa ang likod nito sa mismong pintuan. Ganon rin ang ginawa niya kaya tumabi siya ng upo rito. Tahimik silang pareho, walang nagbalak na magsalita. Napatingin si Angel sa buong paligid na kinaroroonan nila.

Dun lang niya napansin na isa pala itong opisina, nung unang punta niya kase rito, di niya iyon agad napansin kaya agad siyang napabalikwas ng tayo. Napansin naman iyon ni Hellton kaya agad naman siyang hinila nito pabalik sa pagkakaupo.

Angel's Evil RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon