CHAPTER 9 : SILENT LOVE

15 2 0
                                    

A/N: While reading this chapter, I suggest to play 'In The Silence' by Leroy Sanchez. It's available on YouTube.

It's really an amazing song and I hope you secrets love it.. Enjoy!

*********

ATE UOD, bat po andito ka sa labas? Asan na po si kuya Psych?” Boses iyon ni Totoy na tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa isang bench malapit sa gate ng Pierno.

Ang totoo hindi niya rin alam kung saan si Psych ngayon at kung ano ang ginagawa nito. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas nung huli silang magkausap sa room nila. Pagkatapos nun, hindi na siya nito kinausap o kahit nilapitan man lang.

Nung nakaraang araw, nagkita sila sa library nginitian niya ito pero umiwas lang ito ng tingin sa kaniya at para bang hindi na sila magkakilala. Kinalaunan, pagkatapos nitong kunin ang paborito nitong libro ay umalis na ito agad sa library. Pakiramdam niya parang hindi na siya kayang makasama ni Psych sa iisang lugar ng matagal.

Nalulungkot man siya sa malamig na pakikitungo nito sa kaniya, wala naman siyang magawa dahil nirerespeto niya ang desisyon nito.

Para hindi na ito mailang kapag pumupunta ng library.

Naisipan na lang niyang hindi na pumunta doon, kaya narito siya ngayon sa labas umuupo at nagbabasa ng mga paborito niyang pocket books para libangin ang sarili kahit papaano.

“Totoy, hindi ko rin alam eh. Busy kasi siya ngayon kaya hindi kami magkasama.”

“Ganon po ba..”

Kapagkuwan ay isinara niya ang librong hawak at inilagay iyon sa bag. Pagkatapos, may ngiti siyang hinarap ang bata para hindi nito mapansin na apektado siya sa nangyari sa kanila ni Psych.

“Gusto mo bang kumain ng fish ball? Kain tayo dun.” Sabay turo sa isang matandang babae na nagluluto ng mga pagkaing pangkalye.

“Sigi po! Basta ate libre nyo ah..”

Natawa siya sa huling sinabi nito, kapagkuwan ay naglakad na sila papunta sa mga fish ball at masayang kumain.

Mabilis ang naging takbo ng oras dahil malapit nang mag-umpisa ang klase nila. Buti na lang nasa hagdanan na siya papunta sa room nila.

Sakto lang din ang pagdating niya dahil sumusunod na ring pumasok ang mga kaklase niya sa room.

Nakakailang subject na sila, at kahit nasa harap siya di niya maiwasang antukin dahil medyo mabagal magsalita ang guro, para itong nagbabasa ng isang bedtime story na nagbibigay sa kaniya ng antok.

Di nagtagal ay nagpaalam na ito na bahagya niyang ikinatuwa, alam niyang medyo masama ang kaniyang iniisip pero hindi niya ito mapigilan isipin. Para sa kaniya ang pag-alis nito ay parang save by the bell sa kaniyang natutulog na kaluluwa.

Marahil hindi mismo ang guro nila ang dahilan kung bakit siya inaantok dahil sanay naman na siya sa mabagal nitong pagsalita. Marahil dahil ito sa ilang gabi na hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa isang masamang bangungot na palagi siyang dinadalaw gabi-gabi.

Lagi niyang napapanaginipan ang mga lalaking nakaitim na pumatay sa kaniyang mga magulang at ang mga tattoo nitong simbolo ng demonyo. Baka napapanaginipan niya ito dahil matagal na rin siyang hindi dumadalaw sa mga puntod ng kaniyang mga magulang. Huli niya kasing dalaw dito ay nung ika 3rd death anniversary nila nung mayo.

Isang malakas na pagbati ng kanilang bagong pasok na guro ang nagpagising sa naglalakbay niyang isip. Guro nila ito sa ICT.

Pagkatapos nitong bumati, agad nitong inanunsyo ang kanilang magiging project sa subject niya.

Angel's Evil RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon