Chapter 39

146 4 0
                                    

-----

⚛️Someone's Pov⚛️
.
.
.
.

Maraming nakasaksi sa aksidenteng nangyari. Nagulat sila sa hindi inaasahang pangyayari at nakaramdam sila ng lungkot na malaman nilang bagong kasal ang nasangkot sa aksidente.

Tumawag sila ng ambulansya. Wala ring malay yung truck driver. Alam ng lahat na ang truck ang may kasalanan.

Dumating naman agad ang dalawang ambulansya. Dahan-dahan nilang kinuha ang dalawang katawan at isinakay sa ambulansya.

Pagkadating sa hospital ay dali-dali silang dalawa dinala sa Emergency Room.

Pareho silang inoperahan.

Habang nasa kalagitnaan ng operasyon ay nag flat line ang isa sa kanila.

Dali-dali naman itong inerevive at sa awa ng Diyos ay bumalik ang tibok ng puso nito.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos na ang operasyon. Gayun din ang saktong dating nila Hanel dahil nga sa malayo ang hospital na ito.

❄Hanel King Monterey❄

Pagkadating naman ay siyang pagkalabas ng katawan ni Dean mula sa ER. Kita sa katawan niya ang mga galos at suot ang oxygen mask.

Lumapit naman ako sa doctor at tinanong ang kalagayan niya.

"Doc, kamusta po ang kaibigan namin?" kinakabahan kong tanong.

"Okay naman na ang pasyente. Nakakaranas lang siya ngayon ng pagkabigla at hirap na huminga sa sarili. Pero kapag nagising na siya ay magiging okay na ang lahat",mahinahon na sagot nito.

"Thank you po",sagot ko. Aalis na sana na ang doctor na maalala ko si Leah.

"Doc, yung kasama po niya?"

"Ahh, yung babae? She's still inside. Pakihintay nalang na matapos."

Tumango naman ako at umupo muna. Nagdasal ako na sana okay lang si Leah katulad ni Dean. Kinakabahan ako dahil sa side ni Leah ang masasabing malakas ang impact.

Lumipas ang dalawang oras ay lumabas na ang doctor. Si Clinton naman ay agad na lumapit dito.

"Kamusta po ang ate ko?" naiiyak na tanong niya.

"The patient is under in a comatose dahil sa lakas ng impact na tumama sa kanyang ulo. Mananatili siya sa ICU ng tatlo pang araw para obserbahan siya. At hindi namin alam kung kailan siya magigising",sagot nito na lalong nagpaluha kay Clinton.

"Sige mauuna na ako."

"Hanel, si ate......"

"Magtiwala ka sa ate mo. Hindi siya mawawala sa atin dahil ngayon ay natutulog lang siya. Hindi man natin alam pero gigising din siya. Kaya dapat magpakatatag tayo para sa kanya at kay Dean",sambit ko.

Tumigil naman siya sa pag-iyak at pumunta na kami kay Dean.

Nagsabi na kami sa police na hindi na kami magrereklamo sa nakabangga sa kanila dahil may pamilya pa itong pinapakain.

Pagkadating namin sa kwarto ni Dean ay hindi ako pumasok muna dahil tatawagan ko si Kellyanne.

[Hello, hanel. Kamusta sila?]

Bumungad agad ang tanong na niyan pagkatawag ko sa kanya.

[Okay naman si Dean pero.....]

[Anong pero? Hanel?]

[Si Leah, she's in a coma.....]

[Hanel! Kamusta ang anak ko? Okay lang ba siya?]

Nagulat ako nang marinig ang boses ni tita cathy.

[Wala naman daw komplikasyon pero nasa coma state siya dahil sa lakas ng impact na tumama sa ulo niya.]

Narinig ko naman na humagulgol si tita. Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa loob.

❄Dean Erich Fuentes❄

Namulat naman ang mga mata ko sa isang puting silid. Napahawak naman ako sa ulo ko at sinubukang umupo ng maalala ko ang nangyari kanina.

Si leah!

"Leah!!" sigaw ko.

"Dean, gising kana",sambit sa akin ni Clinton.

"Nasaan si Leah?! Nasaan ang ate mo?! Clinton!!" sigaw na tanong ko.

"Kumalma ka muna Dean. Dadalhin ka namin kay ate",mahinahon niyang sambit.

Kumalma naman ako dahil gusto ko na makita si Leah. Naiinis ako dahil natuloy nga ang kasal pero heto kami ngayon naaksidente.

Hindi ko na lubos maisip kung bakit nangyayari ang mga ganitong pangyayari sa aming dalawa.

"Nasaan ba siya huh?" tanong ko dahil parang anlayo naman ng kwarto ni Leah.

Nanghina naman ang mga tuhod ko na makita ko siyang nakahimlay doon sa ICU. May tube sa bibig niya na tumutulong sa kanya para huminga.

Pumasok naman ako kahit na naghihina parin ang mga tuhod ko.

Lumapit ako sa kanya. Yung mukha niya ay puno din ng sugat katulad ng sa akin. Hindi ko na napigilan pa na tumulo ang luha ko.

Ang sakit para sa akin na sana nagsasaya kami ngayon pero nasampal kami ng katotohanan at nandito kami sa hospital at ngayon she will be sleeping for long.

"Luv, please gumising kana para naman masabi nating mali ang doctor. Andaya mo naman, kung matutulog ka pala bakit hindi mo ako sinama. Para naman pareho tayong babangon at kapag nangyari yun magiging masaya tayo pareho."

Hinalikan ko ang likod ng kanyang palad at hinalikan din ang kanyang noo. Ngumiti ng mapait pero kailangan ko maging positive para naman mabilis siyang gumising.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Where stories live. Discover now