Chapter 7

170 3 0
                                    

-----

❄Leo Noel Vieana❄
.
.
.
.

Hello, My name is Leo Noel Vieana. Ang pogi niyong gitarista, joke! Since lagi akong may ka blind date dahil sa parents ko kaya lagi akong naka disguise kapag minimeet ko yung mga Amerikana na nirereto sa akin.

Kahit naiinis ako, hindi ko naman sila matanggihan. Gentleman kaya ako.. Hindi ko kayang manakit ng babae. Ang hindi lang nila alam sikat akong singer at guitarist.

Medyo masaya ako dahil may nakakasama na kaming babae sa mansion. Atleast yung babaeng yun mala amazona. Sarap siguro kaibigan ang tulad niya.

"Hello Leah!",bati ko ng makita ko siya sa kusina na nagluluto ng almusal.

"Hello din, good morning!",masayang bati niya.

"Siguro naman alam mo na ang pangalan ko."

"Oo naman, ikaw si Leo diba? Yung Hanel lang naman ako nakalimot ehh."

"That's good. Okay na ba si Clinton?"

"Oo, pero ako muna ang magluluto ngayon ng breakfast. Pwede ba pasuyo na gisingin na sila? Kasi patapos na ako..."

"Okay sige",umakyat na ako at pinuntahan ang bawat kwarto nila.

Pagkatapos ko silang gisingin ay bumaba na kami at kumain na.

"Leah, thank you sa pagluluto!",pagpapasalamat ni Clinton sa kanya.

"Wala yun, tsaka kabayaran narin ito since wala naman akong binabayaran sa paninirahan ko dito",nakangiti nitong sabi.

"Uhm, Leah. Ilan taon kana?",biglang tanong ni Patrick.

"20 na ako at malapit narin mag 21."

"Ganun ba? Kailan naman?"

"August 28"

"Wow, magkalapit lang kayo ng birthday ni Dean!",masayang sambit ni Patrick.

"Talaga?!"

"Oo, pero mas mauuna siya sayo. August 25 naman siya. Hehe!'

"Hay, tigilan mo na yang pagtatanong mo Patrick",pagpapatahimik ni Hanel sa kanya.

"Thank you sa pagkain!",sabay-sabay naming banggit ay umalis na.

❄Clinton Yoshi Salvador❄

Maganda na ang pakiramdam ko ngayon at dahil yun kay Leah. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Ngayong araw, mag-isa na naman ako. Dinala na siya ulit ni Dean sa trabaho.

Bumalik na ulit ako sa pagsusulat ng novel dahil nag-aabang na sila sa update ko. Punong-puno ang notifications ko kaya natawa nalang ako.

Umupo na ako at nagsimula na.

Makalipas ang tatlong oras ay tumawag sa akin si Dean.

[Hello?]

[Clinton, anong ginagawa mo ngayon?]

[Uhm, nagsusulat na ako ngayon.]

[Ano?!]

Nabingi naman ako sa sigaw niya.

[Kakagaling mo lang sa sakit tapos nakababad ka na naman sa papel at computer? Umayos ka! Nag-alala yung parents mo!]

[Okay naman na ako eh... ]

[Kahit na! Wag kanang pasaway!]

Tapos binaba na niya ang tawag. Hay, kahit kailan talaga ang lakas ng instinct niya. Wala akong nagawa kundi umakyat nalang sa kwarto ko.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Where stories live. Discover now