Chapter 11

148 1 0
                                    

-----

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Maaga ako gumising ngayon. Since aalis kami ng maaga ngayon ni Dean. Naligo na ako at nagbihis ng maayos. Lumabas na ako at nakasalubong ko siya.

"Good morning Leah",bati niya.

"Good morning din. Akin na yan",sambit ko at kinuha ang gamit niya. Nauna naman siya bumaba ng hagdan habang ako ay nakasunod.

Pagkalabas namin ay nandoon na ang manager ni Dean na naghihintay sa amin. Van ang gamit namin ngayon dahil 3 days ang stay namin sa location ng shooting nila. Ako naman nagbitbit lang ng ilang piraso na t-shirt at pants syempre pati underwear ko.

Pinasok ko na sa loob at sumakay narin ako. Since pina renovate nila ang van meron kama sa loob kaya humiga siya doon. Kailan niya din ng tulog para mamaya. Medyo malayo din iyon. Hindi ko alam kung makakaidlip ako o hindi.

Makalipas ang tatlong oras ay sa wakas nakarating na kami. Grabe ngayon lang ako nakaranas ng ganun. Buti nalang at hindi ako inantok dahil sa pagkamangha ko sa kapaligiran na nakikita ko.

Lumabas na ako at ibinaba na ang mga gamit niya. Malayo pa daw kasi dito sa mismong pinagpark ng sasakyan yung location. Ginising naman ng si Dean ng manager niya. Napakuskos pa ito sa mata niya bago bumaba.

Tinulungan naman ako magbuhat nung driver niya. Nagpasalamat naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Dean.

"Nakatulog ka ba?",tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot. Wala ako sa mood magsalita ehh. Medyo malayo din ang nilakad namin kaya eto ako ngayon hinihingal. Buti sanay na ako sa mga ganito.

Nang makarating na kami ay nakahinga na ako ng maluwag. Nasa kilala kaming gubat na pwede daw pasyalan. Dito yung scene kung saan magkakaroon sila ng happy moments nung ka actingan niya.

"Hayy!! Sa wakas nakarating na tayo!",sigaw ko kaya napalingon sila sa amin. Nakaramdam naman ako ng kahihiyan kaya napayuko nalang ako. Inilagay ko na ang mga gamit siya sa pwesto na naka assign sa amin.

"Nandito na ba ang lahat?",tanong ng director nila at sumagot naman sila. "That's good, mag-ayos na kayo at masimulan na ang shooting."

Kumilos naman ang lahat. Inabot ko ang magiging suot niya sa kanya at nagpasalamat naman siya sa akin.

Habang inaayusan siya ng make-up artist at hairstylist ay nanonood ako. Napansin kong napakagwapo naman talaga niya. Kaso masungit at lahat ng gusto niya nakukuha niya. Pati yung first kiss ko siya ang nakakuha.

Pagkatapos siya ayusan at nagsimula na ang shoot. Syempre hindi mawawala ang habulan tas kapag nahuli siya bubuhatin siya nito at hahalikan. Naupo nalang ako at pinanood sila.

"In 3 2 1 ,Action!"

Pagkasigaw ng signal ay nag-umpisa na sila umarte. Pinanood ko ng maayos pero habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng selos. Sinampal ko naman ang sarili ko para matauhan pero ganun parin. Sa paghawak niya sa bewang nito at kung paano niya ito binuhat at nilalambing at sa huli ang halik sa labi. Napayukom naman ang kamao ko na akala mo naman merong kami.

"Cut!",sigaw ng director at pumalakpak. Ang ibig sabihin nun ay nagustuhan niya yung ginawa nila. Habang ako dito parang tanga na nagseselos ehh wala namang kami. Tsaka slave lang naman niya ako noh. Anong laban ko sa mga mayayamang babae at maganda pa.

"Hey, Leah?",nagulat naman ako ng makita ko ang mukha niya sa harap ko. Napaatras ako at muntik na akong matumba buti nalang sinalo niya ako.

"Tsk! Hindi kasi nag-iingat",sambit niya. Tumayo ako agad ng maramdaman kong uminit ang pisnge ko. "Salamat...",sambit ko at nanpangiti naman siya.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Where stories live. Discover now