Chapter 18

129 3 0
                                    

-----

❄Dean Erich Fuentes❄
.
.
.
.

Paauwi na kami ngayong araw since tumawag na sa akin si manager na may bago na naman akong project. Pero, napapansin kong antahimik ni Leah simula kagabi. Gusto ko sana siya tanungin kaso baka pagod lang siya.

Magkatabi naman kami ngayon. Nakita ko rin na mas naging tahimik si Hanel. Naguguluhan na tuloy ako kung ano bang nangyari at ganyan sila.

Umandar naman ang kotse at sumandal nalang ako. Pinagmasdan ko naman si Leah na ngayon ay tulala sa bintana ng kotse. Naisipan kong tuloy ba tanungin siya.

"Leah",tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. "Ano yun?",takang tanong niya. "May problema ba?",tanong ko na parang ikinabigla niya.

"P-paano mo naman nasabi?",medyo utal niyang sagot. "Kasi kahapon ka pang tulala. Na curious lang ako",sambit ko. Nakita ko naman siyang huminga ng malalim bago magsalita muli.

"Medyo napagod lang ako kaya ganun",dahilan niya at bumalik sa pagtingin sa bintana. Hindi ko naman na siya kinulit.

Sa wakas ay nakarating na kami sa airport. Hindi naman nagtagal ay nakasakay na kami sa eroplano. Tumabi naman sa akin si Leah ng kusa. Umupo nalang ako at sumandal.

Nang makadeport na ay nakita ko naman siyang natutulog. Siguro nga pagod lang siya.

-----

"Magluluto lang ako para makakain na tayo!",sambit ni Clinton pagkadating na pagkadating namin ng mansion. Umakyat naman sila at pati narin ako.

Nagbihis naman ako at lumabas narin. Nakita ko naman na nandoon narin sa baba si Leah at tinutulungan si Clinton. Bababa na sana ako ng makasabay ko si Hanel pababa.

"Hanel",tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Napakunot nalang tuloy ako at bumaba. Ang weird dahil hindi naman siya ganun sa akin. May nagawa kaya akong mali?

❤Leah Alexandra Lavigne❤

Umaga akong nagising ngayon dahil kailangan ako ni Dean para sa photoshoot niya para sa bago niyang project. Hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ni Hanel. Hindi na nga kami close pero mas lalong naging awkward ang turing namin sa isa't isa.

Kapag naghahain ako ay naiilang ako kapag siya na. Hayst! Makaligo na nga para mahimasmasan ako. Hindi naman ako nagtagal at lumabas narin at nagbihis. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Nagulat ako ng makasalubong ko si Hanel. Iiwas na sana ako ng higitin niya ang braso ko. At ngayon naman ay magkaharap kami. Iniwasan ko siya ng tingin at nagsalita.

"Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo na ako at makita pa tayo!",suway ko sa kanya pero hindi siya natinag.

"Diba sabi ko, gusto kita",sambit niya habang papalapit na naman ang mga labi niya sa balat ko.

"Nahihibang kana Hanel, baka nagkakamali ka lang. Kaya bitawan mo na ako. Nakikiusap ako sayo",mahinang sambit ko. Humarap naman siya sa akin at tinitigan ako. Hindi ko narin nagawa pang umilag.

"Kahit kailan hindi nagkakamali ang puso ko",sambit niya sabay alis. Naiwan naman akong tulala at gulong-gulo. Napapikit nalang ako at bumuga ng hangin.

"Leah!!",napamulat naman ako ng marinig kong tinawag ako ni Dean. Dali-dali naman akong bumaba. Nakalimutan ko na nagmamadali pala ako kanina. Hayst! Hanel, bakit mo ba ginagawa sa akin ito?!

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng sasakyan. Pagkasakay niya ay sinara ko na ito at sumakay narin. At hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko si Hanel.

Umiling na lang ako. At tinuon ang paningin ko sa harap. Nakarating naman kami sa building na pagdadausan ng photoshoot niya. Nauna naman akong bumaba. Nagulat ako ng makitang maraming fans ang naghihintay sa kanya.

Nanumbalik tuloy yung nagawa ko sa isa sa kanila. At nakita ko naman ang pamilyar niyang mukha na nandoon. Agad ko naman sinuot ang mask ko at binaba ang sombrero ko. Pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan ay bumaba na si Dean.

At doon na nasilapitan ang mga fans niya. Pinilit naman nung mga guard na protektahan siya dahil nga masyadong malapit na sila sa kanya. Naglakad naman din ako kaso sa sobrang excited nila kay Dean ay nakaladkad ako. Napaupo tuloy ako sa sahig.

Nagulat naman si Dean at lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo. Hinawakan naman niya ako sa kamay at naglakad muli.

"Yay! Hinawakan ni Dean ang kamay niya!"
"Oo nga! Sino kaya siya?"
"Sana ako nalang!!"

Yan ang mga naririnig ko hanggang sa makapasok na kami ng building. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nagulat ako ng chineck ni Dean kung may galos ba daw ako. Nailang naman ako at sinabi sa kanya na okay lang ako.

"Sa susunod wag kana lalayo sa akin para hindi ka nadudumog",pagpapahalanan niya sa akin. Medyo tumibok naman ang puso ko sa sinabi niya pero nawala din ito ng maalala ko na naman ang ginawa ni Hanel.

Sumakay naman na kami ng elevator at pumunta sa location. Syempre nandoon lang ako sa pinakalikod habang pinapanood siyang ginagawa ang gusto ng cameraman.

-----

"DONE!",sambit nung cameraman. Sinilip naman ni Dean ang mga litratong nakuhanan. Hindi na ako nagbalak pang tumingin at iniligpit nalang ang mga gamit.

Hindi naman nagtagal ay nakabihis na siya at umalis na kami. Sakto namang nandoon na ang kotse kaya nakasakay na kami agad.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Where stories live. Discover now