Chapter 20

122 2 0
                                    

-----

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Nagising naman ako ng mag-umaga na. Napansin ko naman na umaga na. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Nang makapasok na ako sa banyo ay doon ko na idinilat ang mata ko.

"Wah!",gulat ko nang malaman na iba na ang suot ko. Napahawak nalang ako sa katawan ko habang iniisip kung si Dean ba ang nagpalit sa akin.

"Leah!!",nabigla naman ako ng marinig ko si Clinton na tinatawag ako. Agad naman ako naghilamos at nag brush ng teeth ko.

"Clinton!",sambit ko pagkalabas ng banyo. "Hayy, buti naman okay kana",nakangiting sambit niya. "Uhm, s-sino ang nagpalit sa akin?",tanong ko kahit nakakahiya ang tanong ko.

"Hahaha",tawa niya kaya napakunot naman ako ng noo. "Ba't ka naman tumatawa huh? Seryoso ako noh!",pabalang kong sambit.

"Siguro iniisip mong si Dean nagpalit sayo noh",may halong pang-aasar na sambit niya.

"H-hindi noh! Tsaka sino ba kasi?!",inis kong tanong muli.

"Wag kang mag-alala si ate ang nagpalit sayo",sambit niya.

"Ate? Kaninong ate naman?",takang tanong ko.

"Ahh, yung ate ko. Si ate Cassandra. Nakiusap kasi si Dean na papuntahin siya para palitan ang suot mo since ayaw niya na siya ang gagawa nun",pagpapaliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Nasaan naman si Dean ngayon?",tanong ko.

"Ahh, pumasok na siya kanina pa",sambit niya.

"Kumain ka na muna para makainom kana ng gamot mo",paalala niya. Umupo naman ako at kumain na.

"Leah, ano bang nangyari kagabi?",tanong niya kaya nabigla naman ako.

"Uhm, a-ano.....",nauutal kong sambit. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Dapat ko bang sabihin sa kanya?

"May kinalaman ba dito si Hanel?",tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"P-paano m-mo n-nalaman?",nauutal kong sabi.

"So totoo nga?! Ano bang ginawa niya huh?",tanong niya muli.

"Wala siyang ginawa. Sadyang nagulat lang ako sa pagsigaw niya. Nasasaktan ako para sa kanya. Ayaw ko siyang paasahin lalo't na hindi ko siya mahal",mahinag pagpapaliwanag ko.

"Dahil mahal mo si Dean, tama?",tanong niya at tumango ako. Oo, alam kong ambilis naman pero kay Dean ko lang naranasan na may nag-aalala sa akin at nagmamahal.

"Please Clinton, wag mong sasabihin ito kay Dean. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin",pagmamakaawa ko.

"Wala akong magagawa kundi manahimik nalang. At ngayon palang humihingi na ako ng tawad sa mga nagawa ni Hanel. Nagtataka parin ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan",sambit niya. Napayuko nalang ako at bumalik sa pag-subo ng pagkain sa aking bibig.

"Sige maiwan na muna kita. May tatapusin pa kasi ako. Kapag may kailanganin ka tawagin mo ako sa baba",pagpapaalam ni Clinton. Tumango naman ako bilang sagot.

❄Dean Erich Fuentes❄

Nandito ako ngayon kung saan nakipagkita ako kay Hanel. Gusto kong malaman kung may alam ba siya at ganun nalang ang kinilos ni Leah.

"Ba't mo naman ako gustong kausapin?",tanong niya mula sa pinto.

"May itatanong lang naman ako",mahinahon kong sambit. Lumapit naman siya at doon ay magkaharap na kami sa isa't isa.

"Ano ba yun? Tsaka pwede bang bilisan mo, may lakad pa ako",iritang sambit nito.

"May alam ka ba kaya nagkaganun si Leah?",tanong ko. Pero wala naman siyang naging reaksyon doon.

"Ba't mo naman nasabi? Tsaka hindi naman kami close. At kung ano mang nangyari kagabi wala na akong kinalaman doon",sambit niya sabay alis.

May masamang feeling ako sa mga kinikilos niya. Hindi kaya---tama, hindi kaya may nararamdaman siya para kay Leah? Ayun nga ba talaga?

Hayst!! Nakakainis!!

Sa akin lang si Leah!!
Walang ibang pwedeng umagaw sa kanya!!

*kring!!!*

Kinuha ko naman ang phone ko at sinagot ang tawag.

[Hello?]

[Anong hello?! Nasaan ka ba huh? May shooting ka pa diba?]

Nabingi naman ako sa sigaw ng manager ko. Nakalimutan ko na may shooting pala ako ngayon.

[Pupunta na ako diyan!]

Sambit ko sabay baba ng phone ko. Tumayo naman ako at lumabas na then sumakay sa kotse ko. Hindi kasi ngayon pumasok yung driver ko dahil may aasikasuhin daw siya.

-----

Umuwi naman na ako pagkatapos at doon ay naabutan ko si Leah na hinihintay ako.

"Dean",sambit nito at lumapit sa akin.

"Ano pang ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ahh. Tsaka dapat nagpapahinga ka dahil kakagaling mo lang sa sakit",sambit ko.

"Okay na ako. Tsaka hinintay talaga kita para sabay tayong kumain. Tulog narin naman sila ehh",sambit niya.

Naglakad naman kami ng sabay papunta sa lamesa. Inilapag ko naman ang bag ko at umupo na.

"Kumuha kana, masarap yan!",nakangiting sambit nito. Tumango naman ako at kumain na. Tama nga ang sabi niya masarap nga ito.

Pagkatapos namin kumain ay napag-isipan kong hintayin siya habang hinuhugasan niya ito.

Nasa isip ko, ito ang araw na dapat ko na siyang yayain na ligawan ko siya. Ayaw ko pa na maunahan ako ng iba. Kahit na alam kong una palang sa akin na siya.

"Ba't hindi ka pa umaakyat?",tanong niya habang inilalagay na sa plate rack ang mga hinugasan niya.

"Gusto lang kitang pagmasdan",sambit ko. Namula naman siya.

"Sige mauna na ako",sambit niya pero pinigilan ko siya.

"Please, let me tell you something before you go",malambing na sabi ko. Tinitigan ko naman siya habang hinihintay ang sagot niya.

"Ano naman yun?",tanong niya.

"Can I court you?",tanong ko habang tinitignan ang kanyang mga labi. Nakita ko naman na namula ang mukha niya. Inilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang dibdib kung saan ang puso natin nakalagay. At ramdam ko ang mabilis na pagtibok nito.

"Hindi ba ako makakasira sa career mo?",pag-aalala niyang tanong.

"Ba't ka naman makakasira eh, ikaw naman ang bumubuo sa buhay ko",sambit ko. Napatitig naman siya ay sinungaban ako ng halik.

"That's my answer",she said. Hindi ko napigilan pa at ginantihan ko naman siya ng halik. Sumabay naman siya at doon ay ramdam ang pagmamahal na meron kami sa isa't isa.

"I love you",sambit ko habang nakadikit ang aming mga noo. "I love you too."

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon