Chapter 26

98 4 0
                                    

-----

❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Nandito ako ngayon sa sala habang nanonood. Umalis kasi si Dean at hindi man lang ako sinabihan kung saan siya pupunta. Nahalata ko rin na medyo nagmamadali siya.

Tatanungin ko sana siya kaso hindi nalang dahil baka trabaho lang. Pero ako ang assistant niya diba? Dapat sinama niya ako kung meron man siyang bagong palabas.

Hayst, nakakabagot naman talaga dito sa malaking mansion na ito. Hindi parin maalis sa isip ko si Dean. Kung tawagan ko kaya siya para tanungin.

"Leah!" napabaling naman ako sa kusina ng tawagin ako ni Clinton.

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong tulungan na magtype sa computer?"

"Pwede naman. Ngayon na ba?"

"Oo sana."

Lumapit naman ako at dumiretso sa lugar kung saan siya gumagawa. Nagulat naman ako ng makitang sobrang kalat ng sahig nito. Puro papel na may nakasulat.

"Clinton, ba't hindi ka man lang maglinis?"

"Tinatamad ako ehh. Tsaka na kapag tapos na ang ginagawa ko. Kaya humihingi ako ng tulong sayo."

"Okay. Nasaan na ba at para makapag-umpisa na ako?"

"Doon oh, at dito naman ako. Kapag natapos na tsaka ako maglilinis."

"Okay."

Pumunta ako sa kung saan nakalagay ang computer. Ewan ko ba, sobrang gaan ng loob ko kay Clinton na para bang magkapatid kami.

-----

❄Dean Erich Fuentes❄

Nandito ako sa bahay namin dahil nakauwi na sila Mom at Dad. Nandito ako para ipaalam sa kanila na hindi ko tatanggapin ang gusto nila kahit anong mangyari.

"Hello Son",bati sa akin ni Mom. Hindi ko naman siya binati at umupo nalang. Nakita ko naman ang taka sa mukha nila at umupo narin.

"So, anak napag-isipan mo na ba? Nandito kaba para tanggapin ang kasal?" sunod-sunod na tanong ni Mom habang si Dad naman ay nakikinig lang.

"No, I will never accept that marriage no matter what happens",pabalang kong sagot.

"Anong ibig mong sabihin? Tsaka pumayag na si Misely. Atsaka wala namang dahila-"

"Meron mom! At yun ang babaeng papakasalan ko!"

"Who's this girl? Is she worth it to be your wife?!"

"Yes, she is! Siya lang ang nararapat para sa akin. Sa kung pumayag man kayo sa hindi siya at siya lang ang mamahalin ko at papakasalan ko at makakasama ko hangga't sa tumanda kami! At hindi niyo na kailangan pang alamin kung sino siya",umalis naman na ako at hindi na nakinig pa sa sasabihin nila.

Sumakay naman na ako sa kotse ko at pinaandar ito. Dumaan naman ako sa isang flower shop para bilhan si Leah ng bulaklak. Bumili narin ako ng mga tsokolate.

Umuwi naman na ako at pumasok sa loob. Nakita ko naman siya na natutulog sa sofa. Nagtaka naman ako at bakit siyang mukhang pagod. Lumapit naman ako sa kanya.

Hinalikan ko naman siya sa noo. Tinitigan ko naman siya. Hindi ko akalain na mamahalin ko ang katulad niya. Ano mang sabihin nila siya lang ang nagparamdam sa akin yung pagmamahal na kahit minsan hindi naibigay ng magulang ko.

Puro pera nalang ang nasa utak nila. Itong mansion na ito ako ang nagpundar nito. Pinagpaguran ko ito dahil nagalit sila ng hindi ko tinanggap ang maging ceo ng kompanya namin since ang pangarap ko ay maging artista.

Nang malaman nila na sumikat na ako doon bumalik ang loob nila. Nagalit ako sa ginawa nilang yun. Kaya ngayon gagawin ko ang gusto ko kagaya ng dati.

"Luv?" nabalik naman ako sa realidad ng magising na si Leah.

"Hello luv, here's for you",ngiti kong sambit. Napangiti naman siya at tinanggap ito.

"Para saan naman ito luv? Hindi naman natin monthsary ahh."

"Wala lang. Gusto lang kita bigyan ng ganyan."

"Saan kaba nanggaling?"

"May pinuntahan lang. Tsaka hindi naman importante."

"Okay. Kumain kana ba?"

Napabunsagot naman ako at nagsalita na parang bata.

"Hindi pa ehh. Papakainin ba ako ni luv ko?" paglalambing ko. Napatawa naman siya sa inasal ko.

"Ang cute naman ng luv ko. Gusto mo subuan pa kita tas may pa airplane pa hahhaa."

"Hahahhaa."

Pumunta na kami sa sala at pinaghandaan niya ako ng pagkain. Pinagmasdan ko nalang siya habang nakangiti na parang baliw na baliw sa kanya.

❄Hanel King Monterey❄

Nandito ako sa isang park habang hinihintay si Kellyanne. May date kasi kami ngayon. Masaya naman ako kasi dahil sa kanya naka move on na ako.

Nasa kanya na ang pokus ko at alam kong mamahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

"Hanel!" sigaw niya habang winawagayway niya ang kamay niya habang palapit sa akin.

"Kelly!"

"Sorry kung late ako ahh. Alam mo naman diba?"

"Oo naman. Tsaka hindi naman ako nainip na maghintay sayo since worth it naman."

Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Saan mo gusto ngayon pumunta?" tanong ko.

"Kahit saan. Basta kasama kita."

"Okay."

Pinagbuksan ko naman siya ng pintuan ng kotse at sumakay na siya. Sumunod naman ako at sinuot na namin ang seatbelt. Pinaandar ko na ang makina at tinahak ang daan papunta sa favorite place ko.

-----

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa paborito kong puntahan kapag masaya ako o malungkot man.

Ito ay ang bundok na kita mo halos ang buong city. Namangha naman siya at nauna na sa akin umakyat. Napangiti nalang ako ng malaman na nagustuhan niya rin iyon.

"Woahhh! Tignan mo hanel. Sakto tayo sa paglubog ng araw. Teka! Kuhanan ko lang ng litrato",excited na sambit niya.

Tumabi naman ako sa kanya at bigla niya akong niyaya mag selfie. Pagkatapos nun ay pinagmasdan na namin ang magandang tanawin.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon