Chapter 8

158 4 0
                                    

-----

❄James Will Lizardo❄
.
.
.
.

Hello there! I'm James Will Lizardo. You're handsome music artist. Mula pagkabata mahilig na talaga ako sa musika. Since mahilig nga ako nagtraining ako na kumanta.

Medyo mahirap pero masaya ako dahil ngayon naipakita ko sa mundo ang talento ko. Marami naring akong fans.

Since na dinala ni Dean dito yung Lea, mas naging masaya na ang mansion. At syempre may nakakatulong na si Clinton pagdating sa gawaing bahay dito.

Iniiwan din kasi siya ni Dean sa mansion kaya siya ang naglilinis ng kwarto namin.

"Guys, malapit na yung birthday ni Dean. May naisip na ba kayong celebration para sa kanya?",tanong ni Clinton habang nasa sala kami.

"Wala ehh",sambit ni Leo.

"Paano kaya kung gawan nalang natin siya ng homemade cake. Diba favorite niya ang peanut?",suggest naman ni Patrick.

"Oo nga noh, sige kasama na iyan. Gagawa tayo ng homemade cake na may peanuts on it.",sabik na bigkas ni Clinton.

"Guys, hindi ako makakadalo sa araw na iyon",biglang sambit ni Hanel.

"Bakit naman?",tanong ko.

"Wala lang, baka kasi mahuli ako. Busy kasi ako that day",sambit niya sabay pakita ng schedule niya.

"Okay lang, basta kung makakaabot ka man, bilisan mo!",nakangiting sabi ni Clinton.

"Ako nalang sa decorations at mag-iihaw ng barbeque!!!",sigaw ni Patrick. Kahit kailan talaga ang bibig ng lalaking yun, akala mo nakalunok ng microphone.

"Basta ako tutulong nalang... Kung ano man ang maitutulong ko",sambit ni Leo.

"Ako rin",sabat ko naman bilang pagsang-ayon kay Leo.

"So decided na ang lahat. Sasabihan ko nalang si Leah",sambit ni Clinton at tumango nalang kami at nagsiakyatan sa kwarto namin para makatalulog na.

❄Dean Erich Fuentes❄

Sa wakas nakarating narin kami sa mansion. Ang haba naman din kasi ng traffic. Eto ako ngayon nangangalay ang balikat dahil sa pagkakapatong ni Leah. Pero okay lang yun dahil ginusto ko rin naman.

"Leah? Gumising kana, nandito na tayo",sambit ng manager ko habang niyuyuyog siya.

Nagising naman ito. Nang mapansin niyang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at napabalingtwas siya palabas ng kotse.

"Aray!",sambit nito dahil nauntog siya.

Lumabas naman na ako. At hinayaan na siya na bitbitin ang gamit ko na nasa trunk.

Habang naglalakad ay napatawa nalang ako sa nangyari sa kanya. Namumula kasi ang mukha niya dagdag pa yung pagkakauntog niya. Hahaha...

Pumunta ako sa sala at binuksan ang refrigerator. Kinuha ko yung ulam na itinira nila Clinton para sa amin. Kusa na akong ininit iyon since alam kong pagod na yung si Leah.

Pagkapasok niya, naghanda na ako ng dalawang plato. Inakyat na niya muna yung gamit ko. Pagkababa niya ay dumiretso narin siya sa uupuan niya.

"Thank you sa pagkain!",sambit niya sabay na kami kumain.

Nang matapos na kami kumain ay inangkin na niya ang paghuhugas ng pinagkainan namin.

"Pwede kana umakyat",sambit niya.

"Hindi! Tapusin mo muna yan, para sabay na tayo umakyat."

Tumango naman siya. Napangalumbaba naman ako habang tinitignan siya.

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Where stories live. Discover now