• Thirty One •

Magsimula sa umpisa
                                    

Malapit na 'ko sa building nang may nakabunggo akong babae. May kasama siyang lalaki, siguro'y boyfriend n'ya dahil magkahawak-kamay ito.

"Sorry," usal ko agad.

Suminghap siya nang makita ako, "Ikaw ‘yung nililigawan ni Zen, ‘di ba?"

"Uhh..."

"Ikaw din ‘yung pinagbabato ng itlog? Si... Betina Garrison?"

"Hon, tara na mahuhuli na tayo sa palabas."

"Omg. Pwede magpa-picture?" saka n'ya nilabas ang cellphone sa kan'yang bag.

Napalunok ako. Picture...? Ano ako, artista na dahil lang sa nag-trending ng dalawang beses? Dapat ko ba 'tong ikatuwa?

Huminga ako ng maluwag at binigyan siya ng pilit na ngiti, "Picture for what...? If you’re going to just poke fun of me then leave me alone," tumagilid ako at handa nang umalis pero muli akong nagsalita, "Sorry but please excuse my attitude."

Kinuyom ko ang kamao ko habang papasok ng building. Hindi ko alam pero kumikirot ang puso ko sa tuwing naaalala ko 'yun-- isa 'yun sa pinaka masaklap na nangyari sa 'kin.

Bahala na. Ayokong magbait-baitan sa harapan ng iba. Tutal, pinagtawanan din naman nila 'ko, ano pang saysay kung magiging mabait ako sa katulad nila?

Magpi-picture kami para i-post sa social media at ipagmayabang na ako 'yung pinagbabato?

Whew.

Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa trabaho. Ginagawa ko ang lahat para hindi na iyon muli sumagip sa isip ko. Nang biglang tumawag si Claudius sa akin.

Tamad kong dinampot ang cellphone ko.

"Hello?"

"In return for letting you go with my body guards, you have to convince Zen about the modeling. I will not take a negative answer, Betina."

Iyon agad ang bungad n'ya sa telepono.

"Seriously...?" kumunot ang noo ko.

"Very serious."

I heaved a deep sigh as I moved side by side with my swivel chair, "You are very persistent, I see."

"If you go yourself and convince him, he might say yes."

Yes...? Well how about his allergy? Sobrang mapilit si Claudius, baka lalo lang sila mag-away.

"I don’t---" huminto ako nang maisip na baka hindi n'ya ako bigyan ng body guard, "Fine... I’ll ask him but please don’t get your hopes too high."

"Good. Then I’ll hung up."

Alas singko sakto nang lumabas ako sa office at tumambad sa akin ang tatlong body guards. Sinabi nila na sila ang sasama sa 'kin at maghahatid sa bahay ni Zen. Bago makarating do'n ay nagpababa muna ako sa isang grocery store, balak kong magluto para sa hapunan naming dalawa... o lima? Kasama ang mga body guards.

Hindi kalayuan ang byahe namin para makarating sa village na kinaroroonan ni Zen. Sobrang tahimik at magkakahiwalay ang mga bahay, bukod do'n ay napaka si-simple rin ng mga ito.

Hindi mo aakalaing may nakatirang sikat na artista rito...

Bumaba ako sa isang simpleng two-storey house, brown at white ang kulay ng kumbinasyon ng bahay n'ya. Hindi gano'n ka-laki, hindi rin naman sobrang liit.

It's cute though.

Nag-doorbell ako sa maliit na gate nito, segundo lang ay bumukas na ang pinto at agad siyang ngumiti nang makita ako.

Below The Tide (Charity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon