Wrong Timing

15.7K 871 475
                                    

chapter seven.

Wrong timing

 

          Say what? Bro code daw! OMG! Bro Code, pero putek… di mo alam kung ano yun. “Ano yung bro code?” tanong mo sa kanya. Mukha namang nabigla siya sa sinabi niya at napakamot na lang siya.

            “Ahh… kalimutan mo na lang yung sinabi ko” umiwas siya ng tingin. Tiningnan mo naman siya ng matagal. Something’s fishy nga naman. Kailangan mong malaman ang meaning ng Bro Code na yan.

            Hatid na kita?” nakalimutan mo lahat ng iniisip mo at para bang nakakita ka ng anghel sa harap mo.

            “Tara” sabi mo sabay tayo.

            Tinulungan mo siyang ligpitin lahat ng mga libro niya na nakalabas. Pagkatapos ay magkasama na kayong nagpunta sa sakayan. Tahimik lang kayo parehas, para bang naiilang sayo si Kyungsoo pero di mo na sinabi kasi baka mas lalo lang maging awkward.

            Di nagtagal at nakarating na kayo sa tapat ng bahay niyo. “Gusto mong pumasok muna? Di pa naman gaanong late eh” sabi mo sa kanya.

            “Ah? Wag na, maabala pa kayo eh” sagot naman niya.

            Magpapaalam ka na sana ng biglang lumabas sa bahay niyo yung kapatid mo. “Ate! At ikaw kuya na kasama niya!” sabi niya saka tinuro kayong dalawa. Pumasok kayo! Si mama kasi nahulog sa hagdan! Buti nandyan na kayo!”

            Agad naman kayong nagulat ni Kyungsoo sa sinabi niya. “Ha? Si mama?” tanong mo at napatingin si Kyungsoo sayo na mukhang nag-aalala rin.

            “Oo nga ate! Bilisan niyo please?!” sigaw ng kapatid mo.

            Nagmadali kayo ni Kyungsoo sa loob at dere-derecho kayo papunta sa hagdan, napahinto na lang kayo kasi wala doon yung mama mo. “Tracy! Asan si mama?!” tanong mo sa kapatid mo na nakangisi ngayon.

            “Eto ako Bonnie!” nagulat ka kasi galing sa taas yung mama mo. “Oh look, may kasama ka pala… kain na kayo. Ready na ang dinner. Tracy, maghain ka na para sa kanila” sabi pa niya.

            “Ha? Eh sabi ni Tracy nahulog ka daw sa hagdan?!” naiirita mong tanong habang nakairap ka sa kapatid mo na kasalukuyan nang nagpunta sa kusina.

            “Hindi ah, kasi naman mukhang aalis na etong si pogi. Eh syempre kailangan naming gumawa ng paraan para mag-stay siya no” napanganga ka na lang sa sinabi ng mama mo.

            Hindi mo alam kung mahihiya ka ba o pasasalamatan mo sila eh. Eto ang hirap ng puro babae sa bahay eh, nasa abroad kasi papa mo… ayan tuloy walang didisiplina. Umiiral ang kakirihan sa bahay.

            “Ma, anong kalokohan eto?” tanong mo habang pinipilit mong huwag mapatingin kay Kyungsoo kasi hiyang-hiya ka talaga sa kanya ngayon.

            “Ayaw mo? Luka-luka ka ba anak? Gusto mo pauwiin ko na siya?” lumapit ang mama mo kay Kyungsoo saka niya hinawakan yung braso nito. “Sorry ah, mukhang nag-iinarte yung anak ko kaya pwede ka ng umalis” sabi niya.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon