Jonginnie

19.5K 997 825
                                    

chapter two.

Jonginnie


            Tatlong beses ka nang nagmumumog at nakakalima ka na yatang breath mints pero di ka pa rin mapakali. Ang gago kasi ni Kai. Kung si Kyungsoo ang gumawa nun baka nagtatalon ka pa sa tuwa kaso si Kai eh, yung lalaking kinabwibwisitan mo—pero at the same time secretly na pinagnanasahan kasi ang abs!—yung gumawa noon.

            Yun pa tuloy ang naging dahilan para parehas kayong mapalabas ni Kai sa clubroom nila. Isa pang nakakapakyu na nangyayari ay nakabuntot si Kai sayo ngayon. Muli kang kumuha ng isang breath mint.

            "Ang OA mo naman Bo, wala naman akong bad breath ah? Naka-colgate optic white kaya ako tapos nagmo-mouthwash rin ako" sabi ni Kai habang nakatingin sa iyo.

            "Kahit na ba! Kadiri pa rin! Galing sa bunganga mo tas ililipat mo saken? Parang... parang..." di mo magawang matapos yung sasabihin mo dahil natataranta ka na talaga.


          "Eh ano? Parang nag-French kiss na rin tayo?" nasampal mo siya bigla kasi tumpak nga siya. Namumula ka na sa sobrang hiya ngayon. "OMG Kyungiebabes ko, I'm sorreh. Napagtaksilan ka ng taong mamahalin mo at ng best friend mong malandi! Huhu"

            "Sus, parang yun lang. Ang arte mo naman, kasi naman napakapikon mo pagdating kay Soo kaya ang sarap mong pagtripan" natatawa niyang sinabi habang hinihimas niya yung pisngi niya. Napansin mo naman na di lang pala basta sampal lang yung nagawa mo, mahaba kasi yung kuko mo kaya nakita mong may kalmot siya.

            "Ang hapdi" reklamo niya nung napadaan yung daliri niya sa pisngi niya.

            Ikaw naman eto, na-guilty bigla. Tangna naman kasi. May kinuha ka sa bulsa mo saka ka lumapit sa kanya. "Wag kang gagalaw" sabi mo habang nilagyan mo  ng band-aid yung kalmot niya sa pisngi. "Sorry na. Medyo OA nga ako, ang gago mo kasi eh" sabi mo saka mo naman kinurot yung kabila niyang pisngi ng madiin.

            "Aray ko naman masakit!" inalis niya yung kamay mo saka niya dinampi yung kamay niya sa pisngi niya. "Susumbong kita kay Soo, nagmura ka na naman" pang-iinis pa niya.

            Umakma ka naman na susuntukin siya. "Wala akong pakialam sayo! Kapag wala na si Kyungsoo wala na akong paki kahit magpaka-maldita pa ako sa iyo" sambit mo sa kanya. Sadyang daig mo  pa ang babaeng may PMS kapag si Kai ang kausap mo. Kasungit-sungit naman kasi ang ugali eh, alam na ngang may gusto ko sa kaibigan niya eh pilit pa rin na lalandiin yun. Nananadya eh!

            "Sus. Wala daw pakialam sa akin pero kapag nagpra-practice naman kami ng sayaw eh sa akin ka lang nakatingin" nanlaki naman yung mata mo saka ka tumingin ng masama sa kanya.

            "Aba ambisyoso ka ah?! Wag kang feeler, si Kyungie lang ang titingnan ko noh!" depensa mo.

            Hinawakan naman ni Kai ang baba niya na tila ba nag-iisip. "Teka lang ah... ano ulit yung nabasa ko sa text mo kay Baekhyun hyung nung isang araw?... ah! Baek! Oh my gee. Ang cute ni Kyung magsayaw pero si Jongin talaga, ang HOT! Lalo na pag tumatagaktak ang pawis niya! Shet lang. Tangina ang sarap pagmasdan. Ulam na ulam" nakanganga ka lang dahil talagang na-recite niya ng word for word yung text mo.

            "Oh ano pa ipapalusot mo?" nakangisi niyang tinanong.

            "Paano mo naman nabasa yun?!" halos mapasigaw ka na.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon