Shipper

17.1K 928 422
                                    

chapter three.

Shipper

“Ayan. Ang tanga-tanga mo naman kasi” natatawang sinabi ni Baekhyun habang nilalagyan ka ng band-aid sa noo. Napalakas kasi ang pag-untog mo sa sarili mo sa poste kaya ayan, nasugatan ka pa ng di oras.

“Tara na sa classroom, baka ma-late na tayo” pagyaya naman ni Suho.

Dumerecho na kayo sa classroom at napatingin sa inyo yung mga kaklase mo. Nakatanggap ka rin ng ilang irap sa mga babae dahil kasama mo yung mga crush nila. Di nagtagal at dumating ang teacher niyo.

“Napano kayo?” tanong niya sa inyo ni Kai.

 Isa pa kasing nakakapakyu na bagay ang bwisit na seating arrangement. Sabihin na natin na swerte ka kasi ka-row mo si Kyungsoo pero medyo malas na rin kasi nagkataong katabi mo si Kai.

“Nakawit sa alambre ma’am” sagot ni Kai.

“Nauntog po sa poste” sagot mo naman.

Tumawa naman yung ma’am niyo at yung ilan mong mga kaklase. “Akala ko porma ng mga mag-syota eh. Baka nagtatago lang kayo ng kiss marks ha!” ang gaga ng teacher mo.

“Chikinini?” humalakhak naman itong si Chen.

Parehas kayo ni Kai na napairap sa kanya. Tangna. Akala mo kakampi niyo si Chen pero lakas rin na makalaglag. “Kadiri niyo!” sigaw mo.

“Wow ikaw pa nandiri” sabi naman ni Kai sabay tingin sa iyo.

“Aba dapat lang, ayoko sayo” binelatan mo siya. Napansin mo naman na nakatingin ang lahat sa inyo, kasama na rin si Kyungsoo. “Kyungie, wag kang magselos bhe! Di ko talaga gusto si Kai!” sabi mo.

Nagsitawanan naman bigla yung mga kaklase mo. “Ang feeler ng luka-luka” sabi ng isang babae mong kaklase na di naman dapat banggitin ang pangalan.

“Ah Soo, wag kang mag-alala… di ko rin gusto si Bo” ganti naman ni Kai sabay flying kiss kay Kyungsoo.

Nauntog mo na lang muli ang sarili mo sa desk mo. Nagtawanan naman yung mga kaklase mo. “Talo ka na naman ni Jongin” bulong ni Baekhyun na nakaupo sa likuran mo. Ang isa pang nakakainis na bagay ay nakangiti si Kyungsoo ngayon.

“Oh sige na, discussion na tayo. Jongin, Bonnie… kayo ah” kumindat pa si ma’am sa inyong dalawa.

Napatingin ka naman kay Kai at nang-inis paang mokong ng kumindat rin siya sa iyo. Lakas talagang makainis, maitim naman. Natapos ang discussion niyo ng wala kang naiintindihan. “Bo, tara na” para bang lumaki ang mga tenga mo (mas malaki pa sa tenga ni Yeol) ng marinig mong tawagin ka ni Kyungsoo.

“Bakit?” humarap ka sa kanya sabay beautiful eyes.

“May review tayo. Pakigising na nga si Kai” instant na nanlisik ang mga mata mo sa katabi mo na natutulog ngayon.

“Mauuna na ako sa library ah, nagyayaya na rin sina Suho hyung. Sumunod na lang kayo” nagpunta na siya sa may pinto. “Wag kayong masyadong magtagal ha?”

Omayghad. Is it real?! Parang iniinis ka na rin ni Kyungsoo mo kay Kai! Tengene this, sine-set up ba niya kayo?! Hindi pwede! Sinusumpa mo sa abs ni Kai na kayo ni Kyungsoo ang magkakatuluyan mapa-rain or shine o ginebra man yan! Takte. Ang corny ng author.

“Kai gising” tinatamad mong sinabi. Pero nanatiling tulog pa rin ang katabi mo. Bwisit talaga eh. Inipon mo naman ang lakas mo saka mo siya pinalo sa likuran.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon