Lollipop

30.3K 1.2K 2.1K
                                    

x- Author's Note

~second person point of view tayo para feel niyo talaga na kayo yung bida. XD


chapter one.

Lollipop


Nagmamadali ka na pumasok ng school kahit na alam mong matagal pa bago magsimula ang klase. Bakit? Kasi maagang pumapasok ang pinakamamahal mong si Kyungsoo kasama ang mga kaibigan niya. Nalaman mo lang ito salamat sa butihin mong kaibigan na si Baekhyun. Palibhasa kasi siya lang ang may tingin na may pag-asa ka kay Kyungsoo kahit na sobrang labo eh.

Marami ka na rin kasing kaagaw. Sikat yang nagustuhan mo, sa dinami-rami naman ng lalaki sa campus niyo eh talagang yung pinaka-unattainable pa ang nagustuhan mo. Kaya eto ka ngayon, trying hard masyado.

Pumasok ka sa clubroom nila at sakto naman na nandoon sila at kumakain. "Bakit ka nakapasok dito?" tanong kaagad ni Tao sayo. 'Di kasi basta-basta ang mga nakakapasok sa clubroom nila, pangkanila lang talaga yun.

"Good morning!" bati mo naman.

"Bo, bakit ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Baekhyun sayo.

"Eh, may dala akong makakain niyo for breakfast oh." sabi mo habang may nilabas ka mula sa dala mong paperbag.

"Hay nako, kunwari pa eh para kay Kyung lang naman yan." biro naman ni Baekhyun at nagtawanan yung iba. Tama siya.


"Sige na Bonnie, pumasok ka na bago pa may makakita na nage-entertain kami ng bisita." sabi ni Suho habang pinapasok ka na sa loob.

"Sabi ko naman okay na ako sa Bo eh, ayoko sa Bonnie." reklamo mo saka ka nag-pout.


"Eh mas pang-babae kaya ang Bonnie. Gusto mo Bo? Sige ulit-ulitin ko. Bo-bo-bo-bo-bobo" pang-iinis naman ni Chen sa iyo.

"Kasi naman eh! Wag niyong ulit-ulitin, di ako ganun!" sigaw mo.

Masasabi natin na medyo close ka na rin sa kanila dahil nga isa sa best friends mo si Baekhyun. At mahilig ka rin lang bumuntot sa kanila kaya no choice sila kundi ang kaibiganin ka na rin... eh, lahat sila maliban ang target mo talagang si Kyungsoo. Pa-chicks eh.

Lumapit ka na kay Kyungsoo na kasalukuyan na nakaupo sa sofa. Tumabi ka sa kanya saka mo nilapit yung mga binake mo na cookies para sa kanya. "Kyungie oh, para sayo. Maaga akong gumising para dyan" malambing mong sinabi.


Tumingin naman sayo si Kyungsoo at tila ba nagningning ang mga mata mo. Para kasing slow motion niyang inangat yung ulo niya mula sa binabasa niyang libro eh. "Sanay ka na ring mag-bake?" tanong niya.

"Oo nag-aral ako, si Gordon Ramsay pa nga teacher ko." biro mo naman.

Nakakausap mo naman ng maayos si Kyungsoo, kaso nga lang para bang may barrier siya mula sayo. Alam kasi niyang crush mo siya eh, ikaw kasi masyadong lantaran. Yan ang napala mo.

"Talaga ha? Siguro pwede naman akong kumain kahit isa lang" ngiting-ngiti ka naman sa sinabi niya.

"Ah, teka! Eto kainin mo, maraming chocolate chips eto oh!" kumuha ka ng isa. Style mo na rin yun para subuan siya. Damoves mo nga naman! Di naman umimik si Kyungsoo kaya nilapit mo na sa kanya yung cookie.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon