First Kiss

15.8K 875 472
                                    

chapter five.

First Kiss


          "Baek! Bakit ganun? Pwede bang pakipatay mo na lang ako?" kasalukuyan kayong magkasama ni Baekhyun sa may likuran ng school building niyo. Halos maiyak ka na dahil naiirita ka talaga.

            "Ang OA mo Bo, ano naman ang masama kung may gusto si Kai sa iyo?" napakamot na lang bigla si Baekhyun.

            Pagkatapos kasi ng sinabi ni Kyungsoo ay agad mo ng hinatak si Baekhyun paalis doon para makausap siya. Hindi naman sa ayaw mo kay Kai, pinagnanasahan mo nga yung tao eh. Ang kaso nga lang, ang di mo matanggap ay ang sarili mong crush pa mismo talaga ang nagrereto sayo sa kanya. Mukha rin na matagal ng alam ni Kyungsoo yung tungkol doon eh. Feeling mo tuloy nagsabwatan yung dalawa.

            "Wala, okay nga na may gusto siya sa akin eh. Ang masakit ay si Kyungsoo ang walang gusto sa akin!" pagmumukmok mo naman.

            "Wow ha, buti nga may nagkagusto pa sayo. Choosy ka pa kung sino" sagot naman ni Baekhyun sa iyo.

            Binatukan mo naman siya saka ka sumandal sa kanya. "Bwisit ka, napakatunay mong kaibigan!" reklamo mo sa kanya. "Bakit kaya di na lang ako sayo nagkagusto?" tanong mo naman bigla.

            "Wag kang malandi. Iniiba mo yung topic" kinatukan ka naman niya sa noo.

            Tumawa na lang kayo parehas. "Mabuti siguro kung kausapin mo nang maayos si Kai tungkol diyan. Bahala ka kung ganun pa rin ang pagtrato mo sa kanya, pero wag mo namang iiwasan" sabi naman ni Baekhyun.

            "Punyemas naman kasi eh. Kung si Kyungie lang ang may gusto sa akin eh di tapos na ang kwento" pag-iinarte mo pa.

            Bigla naman na nag-ring yung cellphone ni Baekhyun. Binuksan niya yun at nakibasa ka na rin sa text sa kanya ni Chanyeol.

            Kasama mo pa rin daw ba si Bo? Wala daw klase ngayon eh. Pakalmahin mo nga, gusto yatang kausapin ni Kai eh. Wag daw kamo siyang maarte


          Gusto mong magdiwang kasi walang klase eh kaso nagulat ka rin kasi kakausapin ka pa ni Kai. Putspa lang talaga, di ka pa ready na harapin siya! "Bo, maghanda ka na. Kausapin mo nang maayos si Kai ha? Tandaan mo, minsan lang na may magkakagusto sa iyo" lalo ka lang napaisip dahil sa mga sinasabi ni Baekhyun sa iyo.

            Meanwhile, sa kabilang dako naman ng school ay nandoon sila Kyungsoo. "Soo, mukhang ayaw yata ni Bo sa akin eh" sabi ni Kai.

            "Binigla mo naman kasi, hayaan mo na lang" sagot naman ni Kyungsoo.

            Maya-maya ay nagkatagpo-tagpo na kayo. Iniwan nila kayo ni Kai para magkausap ng maayos. In case naman na tumakas ka ay nakabantay naman si Chanyeol at Tao para hatakin ka pabalik. True friends nga naman.

            Si Baekhyun naman ay pumunta na kay Kyungsoo para kausapin siya. Nangako rin kasi si Baek na kakausapin rin daw niya si Kyungsoo tungkol doon dahil sadyang di ka pa rin sumusuko sa kanya.

            "Matagal mo na bang alam na may gusto si Kai kay Bonnie?" tanong ni Baekhyun. Tumango na lang si Kyungsoo. "Alam mo naman na gusto ka ni Bo hindi ba?"

            "Alam ko naman" sagot ni Kyungsoo.

            "Eh di ang manhid mo rin pala" napatingin na lang si Kyungsoo kay Baekhyun na para bang nagtataka. "Ano ba ang tingin mo kay Bo? Aso na pwedeng ipamigay para magkaroon ng ibang amo?" may halong inis sa pagkakasabi ni Baekhyun.

Bakit di ka Crush ni Kyungsoo? (D.O FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon