Chapter 58: Crush

Mulai dari awal
                                    

he stopped laughing, "no..." biglang aniya, hindi ko mapigilan mapanguso. Mukhang kakailanganin ko si Tienna kung hindi naman pala niya ibibigay ang number niya.

"okay lang hindi naman kita pinipilit" ani ko, "naghahanap sana ako ng katextmate dahil wala ako non ngayon tas simpleng number mo lang hindi mo mabigay. Ayos lang naman, alam ko naman na napakaprivate ng number mo. Ngayon mo lang naman ako nakausap at hindi tayo ganon kaclose kaya okay lang na hindi mo bigay ang number mo. Nakakalungkot man pero okay lang naman pero sasaya ako pag binigay mo sa akin" mahabang sabi ko, he chuckled

"you are really something, Athena. You make me happy every time" masayang aniya, ngayon ko lang siyang nakita sa ganitong emosyon dahil kanina sa reception ay wala man siyang masyadong emosyon na pinapakita kahit kanino.

"about my number, wala naman sa akin kung gusto mo hingin 'yun pero hindi ba dapat ako ang manghingi sayo ng number mo instead na ikaw? Do you really like me that much? huh?" I felt the tease in his voice, napayuko naman ako. Anong ibig niyang sabihin? na siya daw ang manghihingi ng number ko instead na ako? Does it mean that he likes me?

Tumingin ako ulit sakaniya, "H-Hindi ko gets" mahinang ani ko, hindi ako makapaniwala. Nag-no pala siya dahil dapat siya ang kukuha ng number ko at hindi ako kukuha ng number because that's a man thing.

"Where's your confidence? Bumalik ka naman sa pag-uutal" aniya, I cleared my throat before speaking. So gusto pala niya na ganon ako? like duh, kasalanan naman niya na nauutal ako dahil nakakabigla ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

"nakakabigla ka kasi and about your last question..." sabi ko

"kung gusto mo ba ako?" he asked again, mahina akong tumango

"is that true or nag-aassume lang ako?" he asked and chuckled. Napakamot ako ng ulo, mainang tumango.

"I crush you..." mahinang sagot ko na para bang nahihiyang teenager na nagconfesssa crush niya. Kinakabahan ako baka ireject niya ako pero imposible naman na ireject niya ako dahil kakasabi lang niya sa akin kanina na siya dapat ang kukuha ng number ko diba?

"ang cute mo talaga, Athena..." aniya

lalo akong namula sa pagtawag niya sa pangalan ko, iba ang naririnig ko pag siya ang nagsasabi ng pangalan ko. I want to keep him!

"Here..." he said

May nilahad siya na papel, hindi ko napansin na sinulat na pala niya ang number niya sa isang papel. Puro ka kasi magnanasa sakaniya Athena kaya hindi mo na napapansin ang ginagawa niya. Masyado kang nabibighani sa kagwapuhan niya Athena but I can't help but to fucking admire niya. Kung nasa katayuan ko kayo, alam ko na ganito din ang gagawin niyo.

Kinuha ko naman yun, dahil hindi naman ganon kalayo ang terrace niya sa terrace ko. Kung titignan pwede nga siya sumampa papunta dito 'e, gusto ko sana siya yayain sa loob ng kwarto ko pero baka anong isipin niya. Tinitigan ko ang papel na binigay niya sa akin, ang ganda din ng sulat kamay niya. He's really perfect, ano kaya ang flaws niya? Well, fuck his flaws kung ako magigng girlfriend niya tatanggapin ko siya nang buong buo.

Narinig ko ang pag-ring ng phone niya, "I just gonna take the call" he said, tumango naman ako. Tumalikod siya sa akin kaya likod nalang niya ang nakikita ko. Kahit ang likod niya ang hot pa rin. Pasimple kong tinaas ang kamay ko tinutok sa likod niya. Oh god, ano kayang pakiramdam na hawakan ang likuran niya. Gago ang sarap siguro lalo na pag nagsesex kami, oh shit dirty thoughts again! Go away please

Agad kong nailagay ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko sumulyap siya sa akin, natawa naman siya ng bahagya pero nawala din 'yun, mukhang seryoso siya sa kausap niya.

Tumingin ako sa kalangitan, masyadong marami ang mga bituin ngayon araw and I know grandma is watching me right now. I smiled, "I miss you grandma..." mahinang ani ko, sumulyap ako kay Chaos but he's still talking to someone. I sighed, maaga pa ako gigising mamaya kaya kailangan ko ng matulog. I stared at the paper he gave me a while ago. Itetext ko nlang siguro mamaya pagkapasok ko sa kwarto ko.

Ayoko naman na istorbohin siya sa kausap niya. I smiled and looked at him again. Sana magkita pa tayo ulit, Chaos.

NAGISING ako dahil may malakas na kumakatok sa labas ng pintuan ng kwarto ko, fuck sino nanaman an gang umiistorbo sa tulog ko? Pagkapasok ko kagabi, hindi ako agad nakatulog kakaisip kay Chaos. Masyado kong inisip ang susunod pa namin na pagkikita at kung ano ang mangyayari 'non.

Padabog akong tumayo sa kinahihigaan ko, hindi ko na masyadong inalala ang mukha ko ngayon dahil kulang talaga ako sa tulog. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin sila Artemis na nakaayos na at malapad ang ngiti. Oh god, I forgot maaga pala kami aalis ngayon. Walang pasintabi na pumasok sila sa kwarto ko, tumingin muna ako sa hallway bago ko isara ang pinto.

Hindi ko pa pala natetext si Chaos, baka ano na iniisip 'non sa akin.

"bakit hindi ka pa nakabihis, Athena? Akala ko ba aalis tayo ng maaga, ikaw pa nga ang nagsabi sa amin" Artemis said and sat down, bumuntong hininga ako.

"Hindi ako masyadong nakatulog kagabi, hindi ako sanay" I lied, hindi ko pwedeng sabihin sakanila na dahil kay Chaos kung bakit hindi ako nakatulog.

"get ready, Athena. May nangyari na hindi namin inaasahan" Apollo said, natahimik ako. Anong ibig niyang sabihin? Tinignan ko silang tatlo, "What happened?"

Hindi ko alam pero bakit ako kinakabahan sa sasabihin nila?

"It is about Amber..." Artemis said

Nanigas ang buong katawan ko sa huli niyang sinabi. Papaano na si Kyle? This will break him. Hindi niya kakayanin ang balitang ito

"H-How's Kyle? Nakita niyo ba siya?" I asked them

"Agad silang umalis nila Max kanina, and he's crying" Aphrodite said, napayukom ang kamao. He needs me right now.

"condolence, Athena..." they told me, napayuko ako. Kailangan kong makauwi, at makita si Kyle

"Amber became suicidal, Athena. Dead on arrival na siya nang idala sa hospital"

Costello 1: AthenaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang